Chapter Twenty-Six

436 35 4
                                    

"ARE YOU SURE?" he asked, taking two steps back. He was wearing a loose black pajama alone, his feet bare against the cold carpet. He ran his hands through his ruffled hair. Steam was oozing out of the ajar bathroom door, indicating someone just finished his hot bath.

Tatanggalin ko na sana ang tali ng suot kong roba...

"Jaira, stop," utos ni Chua Ma Qui.

Tinapatan ko ang titig niya, sinisiguro siya na alam ko ang ginagawa ko. Hindi ako lasing o tumira ng droga. Ayokong tumigil. Inalis ko ang tali ng roba, hinayaan itong bumukas nang tuluyan. Tiim-bagang siyang lumunok bilang tugon.

"Ito din naman ang gusto mo, di ba?" pumipiyok, "Wag mo kong itulak palayo, please."

Kumunot ang noo niya. "Bakit mo 'to ginagawa? Hindi ka ganiyan, Jaja."

"Magiging ayos na ang lahat pagdilat mo bukas ng umaga."

Yumuko siya, umiling, at ngumiti. "Sorry. I'm not looking for a temporary bliss. It's not what I want."

"Then, why did you followed me?"

He shrugged his shoulder so softly. "As my warmth, I have to follow you. That's all I know."

"There you have it," I took three steps closer to him, "You said it yourself. You need me."

"Is this what you really want?" he stook a step back.

"Bakit ka umaatras palayo?" humakbang ako palapit, "Takot ka ba?"

"Oo. Takot ako. Natatakot ako para sa 'yo," umatras siya at lumapat ang likod niya sa kurtina, "Kapag kinagat ko ang alok mo, hindi kita hahayaang umatras tulad ng ginawa mo noong huling beses. Iniwan mo akong naninigas sa lamig, dahil bigla mong naisip na ayaw mo pala."

Ngumiti ako. "Anong kailangan kong gawin para wag ka na matakot?"

Umarko ang isang sulok ng labi niya pataas. "Gusto ko ng proteksiyon."

"Protection?" I scoffed, "Men will be men, huh? You're afraid of fathering a child?"

Umiling siya. "Proteksiyon. Seguridad. Ayokong masaktan."

Tumabingi ang ulo ko. "What?"

"On your small fingers and palms, you hold my world," he said, taking two steps forward, "It's not supposed to be that way, but it happened. And you can choose to put me down like a plaything. Such act is a threat against my heart. So I need protection. A security."

Humakbang ako ng tatlong beses patalikod.

"Gusto kong hawakan ang kamay mo kapag kinakabahan ka, natatakot, hindi alam ang gagawin. Lalapit ako sa 'yo kapag nalulungkot ako. Yayakapin kita kapag umuulan, pumapatak ang tubig sa bintana," humakbang siya palapit, "Bigyan mo ko ng garantiya. Kapag pinakita ko kung gaano kita kamahal, bukas ng umaga, sa akin ka na."

Muntikan na ako matalisod.

"Takot ka ba sa kondisyon ko?" ngumisi siya ng nakakaloko, "Alam mo kung nasaan ang pinto. Lumabas ka na."

Buksan ang puso, isip, at kaluluwa. Haluin. Sa ganitong paraan lamang magigising ang tulog na kaluluwa, at babalik ang naliligaw na espirito sa sarili nitong katawan.

"Samahan mo ako sa simbahan. Sa harap ng mga magulang ko," paniniguro ko, "Hawakan mo ang kamay ko kapag nabulol ako. Lumapit ka 'pag tinawag ko ang pangalan mo. Kailangan kita, Maki."

Binigyan niya ako ng banayad na ngiti bilang paniniguro. Siya na mismo ang nagsara sa aming distansiya. Kinulong niya ang mga pisngi ko sa kaniyang mainit na palad, saka bumaba ang mga daliri niya sa roba, parang kinikiliti, inalis niya ito at hinayaang bumagsak sa carpet. Tumambad sa kaniya ang hubad kong anyo.

Cage My SpiritWhere stories live. Discover now