Chapter Twenty-One

382 41 9
                                    

"WAG KANG TULALA sa biyahe mamaya," bilin ni Papa. Binaba niya ang maleta ko at sinara ang compartment ng Honda City. Inangat ko ang handle ng maleta at sinukbit nang maayos ang aking Herschel backpack.

Ngumiti ako kay Papa. "Thanks, Pa!"

Siya lang ang naghatid sa akin dito sa NAIA I. Dito ang terminal ng Korean Air. Maaliwalas ang kalangitan ngayong gabi at kumikislap ang full moon. Tiyak na walang turbulence masyado sa eroplano mamaya.

"Bakit kasi mag-isa ka lang ngayon? Dapat sinama mo kahit si Jenny para hindi ka naman lonely."

Narinig kong tumawa si Maki. "Trust me, Dad. Your daughter is in good hands."

Did you just called him dad?

"O, siya. Pumasok ka na, Ja. Hindi naman kita masasamahan sa loob," sabi ni Papa. Ang departure area ng NAIA I, hanggang sa labas lang ang non-passengers. Pwede lang sila pumasok sa lounge section na hiwalay sa check-in counters.

Lumapit ako kay Papa at niyakap siya. "Okay, Pa. See you soon. Bibili ako ng pasalubong niyo."

Naglakad na ako papasok sa gate. Maraming tao kaya mahaba ang pila sa bawat entrance. Ang tagal bago ako nakapasok sa loob. Nag-online check-in ako sa website ng Korean Air kaya pagpila sa counter, iiwan ko na lang ang luggage ko at kukunin ang boarding pass. Non-stop ang biyahe at hanggang apat na oras lang.

Ang mga loko-lokong immig officer, sideline ang pagsasaka. Nagtatamin ng kung anu-ano sa maleta. Kahit pa lumang issue na 'yon, alerto ako bilang former OFW. Balot ang maleta kong hard case blue.

Pagpasok sa loob, bukas na ang counter ng Korean Air for check-in. Maikli lang ang pila sa mga paseherong nag-online check-in na.

"When you land at Incheon International Airport," sabi ni Maki, "Make sure to buy some gloves. It's the season of autumn. And that's the advice I would give to myself from the past. I had no clue how cold it would be."

"Okay." Tumingin ako sa paligid. Nakita ko ang pila ng Economy Class. Kasalukuyang inaasikaso ng ground crew ang isang lalaki. Wala siyang bitbit na hand-carry. Kaya nang kunin ang bagahe niya, kinuha lang niya ang passport at boarding pass. Naglakad na siya palayo, hawak-hawak lang ang mga ito.

Sa backview, mukha siyang Korean. Pero nang humarap...gasp! Chinese! Si Chua Ma Qui!!!

"Nasaan?!" asik ni Maki.

Kumurap-kurap ako. Siya nga ba ang nakita ko? Iniisip ko siya bago ako bumaba ng kotse kanina. Baka naman kakaisip, kung saan-saan ko na siya nakikita.

Tinabunan ng pila sa check-in counter ang bulto ng lalaki. Sumilip-silip ako at nang magkaroon ng opening, naglaho na.

"Next, please," sabi ng ground crew.

"Kung tama ang hinala mo na parehas kami ng katawan ko..." sabi ni Maki, "Alam mo ba ang stereotype sa aming mga Chinese? Kuripot kami. Totoo 'yon. Nunca na gagastos ako para sundan ka."

"Sabagay." Bumagsak ang balikat ko, at para akong nanlumo.

"Miss," tawag sa akin ng ground crew, "This way, please."

Iniwan ko ang baggage sa check-in counter, binigay ang sarili kong passport sa kanila, at kinuha ko ang boarding pass. Pinanood ko kung paano nila nilagyan ng tag ang baggage ko.

Tapos pumasok na ako sa immigration, pinakita sa guard ang departure card, passport at boarding pass. Lumampas na ako sa scan, at pumila para sa interview ng officer. Mabait ang Filipina officer. Agad tinatakan ng departure stamp ang boarding pass, Korean Visa sa passport, at pinatuloy na ako.

Cage My SpiritWhere stories live. Discover now