Chapter Twenty-Three

353 33 4
                                    

TALAMAK ANG mga turistang naghihintay sa entrance ng Huwon—mas kilala bilang Secret Garden. Bumili kami ni Chua Ma Qui ng dalawang ticket. Katatapos lang namin lumibot sa maliit na grounds ng Changdeokgung Palace. Kalapit lang nito ang entrance ng hardin, at may sariling bilihan ng ticket. All in all, gumastos kami ng 8,000 Korean Won para sa dalawang ticket. Group tours lang ang paraan para makapasok sa loob. Kailangan maaga para maabutan ang schedule ng tour guide. It was some sort of crowd control to maintain the cultural heritage of the secret garden, Chua Ma Qui said.

Eleven na ng umaga nang dumating ang tour guide at pumasok kami sa loob. May narinig akong nagsalita ng Japanese, Mandarin, at Filipino. Iba't-iba ang turistang kasama sa group tour. Kaya ang Chinese tour guide, nagsalita gamit ang English.

"I hope you find your shoes comfortable," sabi ni Chua Ma Qui, "Because it's three kilometers walk inside here."

Tumaas ang kilay ko. "Three kilometres?"

"You chose the right time to visit. It's autumn. The leaves are falling from the trees."

Lumampas kami sa archway ng entrance at sinalubong kami ng nagtataasang maple trees. Umihip ang malamig na hangin, kumumpas ang sanga ng mga puno, umulan pababa ang dilaw, pula, at tuyong dahon ng mga puno. Humantong sila sa semento, balikat, at buhok naming lahat.

Pinikit ko ang mga mata at nilanghap ang amoy ng puno. Sandali kong inipon sa baga ang matamis na amoy, dumiretso ito sa aking puso, saka ko sila binuga palabas ng aking bibig. Dumilat ako at ginila ang paningin sa pathway. Mala-ginto ang sikat ng araw na tumatama sa bawat lugar, halaman, tao, at tubig. Kumikinang ang buhok ng mga turista, maging ang kanilang mga balat sa liwanag. Masisilaw ka sa tuwing titignan ang dilaw, pula at tuyong mga dahon.

Tumingin ako sa kanang punseras na suot ko. Kahit paano, nalulungkot ako. Siya lang ang hindi ko nakikita ngayong maliwanag. Hanggang ngayon, kahit isang salita, wala siyang sinasabi. Kapag ganitong maliwanag, palagi kong ini-imagine ang kaluluwa niya sa tuwing magkausap kami noon. Ngayon, kasama ko na ang katawan niya.

Hindi na ako nakinig sa Chinese tour guide kasi nakapalibot ang lahat ng mga turista sa kaniya. Ang hirap sumingit. Kaya kinwentuhan ako ni Chua Ma Qui ng mga bagay-bagay tungkol sa palasyo. Considered ng UNESCO bilang World Cultural Heritage site ang Changdeokgung Palace, kaya sa lahat ng palasyo sa South Korea, ito ang most preserved. Tirahan ito ng mga hari noong Joseon Dynasty. Nasira ito noong sakupin ng Japan ang bansa, at muling tinayo. Ang sabi pa niya, ang ilang puno na nakikita ko sa malawak na hardin ay higit 300-years-old.

"Kung sobrang lawak ng garden, paano pa siya naging sikreto?" tanong ko.

"Only royal bloods can enter the garden. Not even the highest official in the King's court can proceed inside without the King's approval. You see, it's a beautiful place where royals sit down and reflect about life. They were able to write poems, stories, draw paintings, and even create political strategies inside the forbidden garden."

Matapos niyang sabihin 'yon, natunghayan naming lahat sa kaliwa ang Buyongji Pond at Juhamnu Pavilion. Mas kilala sila sa pangalan ng Lotus Pond at Lotus Pavilion. Pagpasok pa lang, makikita ang lotus sa pond pati ang magiting na pavilion sa tuktok ng hagdan. Ang yabong ng mga punong nakapalibot sa buong lugar. Bumabagsak ang mga dahon, sunud-sunod, pinaglalaruan ang aming mga mata. Para kang naglalakad sa loob ng isang painting.

Abala ang mga turista sa pagkuha ng litrato.

Nilampasan namin ang maliit na archway na nagsilbing entrance ng Juhamnu Pavilion. Hindi pwedeng pumasok sa loob kaya doon lang kami sa tuktok ng hagdan para kumuha ng litrato. Nilabas ko ang DSLR camera na hiniram ko kay Papa at kumuha ng mga litrato at selfies. Hiyang-hiya ako. Nilabas ni Chua Ma Qui ang sariling phone at kinuhanan ako ng litrato.

Cage My SpiritWhere stories live. Discover now