Chapter Sixteen

407 42 21
                                    

LUMABAS KAMI NG resort para humanap ng makakainan ng lunch. Dahil nga probinsiya ito, wag kang umasa na kanto-kanto, may makikita kang franchised restaurant at coffee shop.

Inabandona na namin ang susi at kotse ni Vixon sa talahiban. Hindi ko naman pwedeng dalhin sa amin 'yon. Kaya sumakay kami sa tricycle. Napadpad kami sa palengke ng bayan. Hindi sementado ang lugar. Maputik kasi umulan kagabi. Paubos na ang mga paninda sa stalls ng karne, gulay at prutas. Tanghali na ngayong Martes. Pero naroon ang mga bilihan ng damit, sapatos, electronics at appliances. Bigla ko tuloy na-missed ang Divisoria.

Bumili ako ng damit pampalit. Saka ako kumain sa isang budburan. Inihaw na liempo, inihaw na talong, at garlic rice.

Gusto ko sanang bumili ng langka at kamoteng kahoy bilang peace offering kay Mama at Papa. Oo na. 32-years-old na ako pero takot pa rin ako sa parents ko. Tiyak na bunganga at sampal ang aabutin ko pagbalik ng bahay.

Lumapit ako sa stall para bumili pero napatingin ako sa isang bahay kubo. Siya lang ang naiiba kasi halos lahat ng tindahan, gawa sa kahoy at semento. Kahit mukhang babagsak na ang kubo, block buster ang pila sa loob. Pulos matatanda, baldado, at sugatan ang pumipila.

"Ate, ano pong tinitinda diyan sa loob ng kubo?" tanong ko sa tindera ng stall.

"Kubo iyan ni Manang Karlota. Wala siyang binebenta," sabi ni Ate, binubugaw ang langaw, "Albularyo siya. Gumagamot sa may sakit. Libre. Baka gusto mo pumila? Madalas pumunta dito ang mga tiga-Maynila."

Albularyo daw. Pinapainom ni Manang Karlota ng milagrosong tubig ang pasyente at gumagaling agad. Sasabihin sana daw ni Maki na mukhang fake ang albularyo pero sa dami ng nakita namin kagabi, mayroon pa bang imposible?

Kaysa pumila, umakyat ako sa kahoy na ladder step at pumasok sa loob ng kubo para mag-observe.

Elevated ng kaunti ang kubo. Tagpi-tagpi ang kawayan na sahig. Sa Maynila, ang ganitong spasyo na condominium ay three million pesos na. Dalawa lang ang kwarto. Isa para sa kubeta at isa para sa tulugan, walang pinto—pulos kurtina. Ang, kusina, dinning room, living room ay pinagsama sa maliit na spasyo.

Kaharap ng isang matandang babae ang batang lalaki na may bulutong. Ito siguro si Manang Karlota. Kuba. Kulubot ang balat. Manipis ang puting buhok. Bungal. Kinuha niya ang pitsel sa side table at nagsalin sa babasaging baso.

"Inumin mo ito, hijo," sabi ng matanda, "Ang tawag dito ay ambrosia. Gagaling ang iyong bulutong."

Uminom ang bata sa baso.

Pinanood ng lahat ang nangyari. Ang tagal bago may nangyari. Isa-isang pumutok ang tubig ng bulutong. Kinusot ko ang mga mata para makatiyak kung totoo ang nakita ko: naghilom ang pock marks.

Suminghap ang lahat. Kahit pa mainit, pipila ang mga pasyente para lang magamot ni Manang Karlota.

Bukas ang paniniwala namin ni Maki. Hindi basta tubig ang ininom ng bata kaya nawala ang bulutong niya. Ang tawag daw dito ay ambrosia.

Umiyak ang bata sa tuwa. Ang nanay niya, nagpasalamat. Apparently, pagkain lang ang tinatanggap ng albularyo. Halata kung sino ang tiga-Maynila sa mga nakapila. Ang food offering ng iba, imported. Nakabalot sa cellophane ang Washington apples, imported canned goods, at carton of juice and milk.

Tumayo na sa upuan ang gumaling na pasyente at umandar ang pila. Bago pa gamutin ni Manang Karlota ang susunod na pasyente, nag-angat siya ng tingin sa akin. Nanlisik ang mata niya na parang malabo ang paningin. Nang makita niya ako nang husto, doon lumuwa ang kaniyang bibig. Napatayo siya. "Mahabaging loob!" sambit niya, "Saan niyo nakuha ang gintong punseras na 'yan, hija at hijo?"

"She looked me in the eyes," sabi ni Maki, "Nakikita ako ni Manang Karlota."

Kumunot ang noo ng mga taong nakapila. Ako lang naman daw ang kausap ng matanda, sino daw ang hijo?

Lumapit ang matanda sa akin at sinuri ang ginto.

"Tsk! Tsk! Tsk! Kahit sinong salamangkero," sabi ni Manang Karlota, "hindi na kayang gumawa nito dahil masyado na itong luma. Malilimutan ko na sana kung hindi ko lang nakita ngayon na suot niyong dalawa." Tinitigan ako ng matanda. Siguro matangkad siya noon pero lumiit dahil sa osteophorosis. Puting-puti ang gitna ng mata niya. Katarata. Ironically, she could heal these people but she wouldn't heal herself.

"Masyado na akong matanda, Jaja," sagot ni Manang Karlota, "Pagod na ako."

Ngumiti ako nang pagak. Katulad siya ni Ponyo, Aling Puring at Vixon, naririnig niya ang isip namin ni Maki.

"Kaya niyo po bang tanggalin ang punseras namin?" tanong ni Maki.

Saka lang binitiwan ng matanda ang kamay ko. "Wala akong ganoong klaseng salamangka," sagot ng matanda, "Hindi ako kasing talentado ni Vixon. Parehas lang kami ni Puring. Simpleng mangkukulam."

For short, we got our hopes up only to crash down.

"Pero minsan ko nang nakita ang punseras na sinuot din ng dalawang taong katulad niyo," sabi ng matanda, "Matagal na panahon na. Hindi pa ipinapanganak si Hesu Kristo ng birheng Maria."

Ganoon na daw siya katanda.

"Kaya ito lang ang masasabi ko: buksan ang utak, puso, at kaluluwa. Pag-isahin," bilin ni Manang, "sa ganitong paraan magigising ang kaluluwa; at maibabalik sa katawan ang gumagalang espirito."

"What?" ani ni Maki.

"Ano po? Paano po namin pag-iisahin ang tatlong 'yon?" follow-up question ko.

Ngumiti siya nang sarkastiko. "Ginugugol niyong mga tao ang buong buhay para sagutin ang tanong mo, Jaja. Wala na akong pwedeng maitulong sa inyo, dahil klaro naman na malusog ang katawan mo, hija. Wala akong lunas para sa tulog na espirito. Personal na responsibilidad mo sa iyong sarili na gisingin ang kaluluwa mo." Bumalik na si Manang Karlota sa upuan niya.

"Teka, Manang. Please... Tulungan niyo kami," pagmamakaawa ko.

"Tsk! Miss, mahaba ang pila. Kung gusto mong konsultahin ang albularyo, pila-pila po ito!" reklamo ng isang babaeng mukhang tiga-Maynila, "Kaninang umaga pa kami nakapila."

"Oo nga!"

Lumingon sa akin si Manang Karlota. "Kahit pumila ka pa, hindi na kita matutulungan. Sinabi ko na ang dapat kong sabihin sa 'yo, ayon sa utos ng tadhana. Kaya umalis ka na. Marami pa akong gagamutin."

"Narinig mo?" sabi ng masungit na babae, "Wag ka kasing madugas."

"Let's just go," yaya ni Maki.

Lumabas na kami ng kubo.

Sa dami ng pwede nilang gawin at makita, nagtatago sila sa kwento at alamat, malayo sa abot ng mga tao. Wala silang pinapanigang masama o mabuti. Tadhana lang ang mahalaga sa kanila.

Ring! Ring! Ring!

Mula sa bulsa, kinuha ko ang phone. Sa liwanag ng araw, nahirapan akong makita ang pangalan ng tumatawag sa screen.

"Sino 'yan?" tanong ni Maki.

Tumaas ang kilay ko. "Lola mo, Sir Maki. Tumatawag si Lola Qing." Sinagot ko ang tawag.

"Jaja, apo? Naririnig mo ba ako?"

"Lola Qing? Naririnig ko po kayo."

"Pinapasundo kita kay Rodrick kaso wala ka pala sa Divisoria. Nandun ang pinsan mo."

"Opo. Bukas pa ako ulit magbabantay ng tindahan. Kamusta na po kayo? Bakit po kayo napatawag?"

Narinig ko siyang suminghot at umiyak.

"May nangyari po ba kay Maki, Lola Qing?" Nanlamig ang buong katawan ko.

"Hindi. Hindi. It's not what you think, hija. My grandson woke up. He opened his eyes! Maki is okay now."

"What?!" singhal ni Maki sa tabi ko, "But I'm still here!"

"And he's looking for you!" sabi ni Lola Qing, excited. 

Cage My SpiritWhere stories live. Discover now