Chapter Twenty-Two

348 34 6
                                    

"AKO NA ANG magbubuhat. Masama sa babae ang nagbubuhat ng mabigat," sabi ni Chua Ma Qui. Sapilitang kinuha ang maleta ko dito sa paanan ng hagdan, paakyat ng subway exit.

Pagkababa ng Incheon International Airport. Sumakay kami sa train na nasa airport, lumipat-lipat ng linya, at lumabas sa Seoul Station subway system na nasa ilalim ng kalsada.

Kinontak ni Chua Ma Qui ang travel agency kung saan ako nagpaayos ng plane ticket at accommodation. Sinusundan niya ako ngayon dahil parehas kaming may kwarto sa budget hostel na nasa puso ng Seoul City. But it was the other way around. Siya ang sinusundan ko kasi anong malay ko dito? Alam niya ang direksiyon kung saan ang tutuluyan namin. Alam daw niya ang train, bus, at subway system. Ang plano ko sana Grab o kaya Uber kaso hindi pala 'yon uso dito. Ubot ng mahal ang taxi fare, mawawalan ako ng pang-shopping.

Shit. Ang lamig. Tumatagos sa balat at buto. Wala pang winter ito. Pinapasok ko ang mga daliri sa bulsa ng aking brown wool coat. Nakalimutan kong bumili ng gloves. Hindi sa akin pinaalala ni Maki. Sa tuwing hahampas ang hangin na ubot ng lamig, sumasakit ang mata, ilong, at labi ko. Namumuo ang luha at parang nagiging yelo. Ganoon din sa laway na nasa labi ko. Kada langhap ng oxygen, parang tinutusok ng kutsilyo ang lalamunan ko sa lamig. At wag mo kong simulan sa buhok ko! Tumigas. Nagloloko ang aking iPhone. Walang casing ito kaya pumapasok ang lamig, biglang namamatay. Hindi pala ito cold resistant.

Apparently, graceful si Chua Ma Qui sa ganitong temperatura. May suot siyang black leather gloves, may wool scarf... Kaya niyang magblend-in sa everyday crowd ng Koreans dito sa subway. Ako? Mukha akong ahjumma. Cheap, confused, at nawawalang ahjumma.

Ang papayat nilang lahat. Stylish. Sophisticated. Super cute. Medyo flat chested. Kung paano mo sila nakita sa Korean drama, ganoon ang itsura ng everyday people sa Seoul. Kaya madaming lumilingon sa direksiyon ko, iniisip siguro kung ano ang cup size ng bra ko, saang brand ako bumibili. Mukhang wala ako masyadong mabibilhan dito sa bansang 'to.

Nilabas ko ang kamay at hinipan sa bibig. Kiniskis ko pa sila para lumikha ng friction. Lalabas kami sa exit ng subway sa Myeongdong. Doon kami sa Jewel Guesthouse. Ang exit na 'to ay walang elevator paakyat sa kalsada at sidewalk kaya kawawa ang may mga maleta.

"Kaya mo ba?" tanong ko kay Chua Ma Qui, "Ayokong ipabuhat sa 'yo kasi dalawang maleta ang bubuhatin mo."

Hindi na lang siya nagsalita at binuhat ang mga maleta naming tig-30 kilograms. Tinagis niya bagang, at rinig ko ang bigat ng hakbang niya sa baitang. Sumabay na lang ako sa kaniya paakyat.

"Salamat, Maki," sabi ko kay Chua Ma Qui at kinuha na ang maleta ko. Shit. Ang lamig talaga, pag-apak ko pa lang sa taas. Lumalabas ang vapour sa ilong at bibig naming dalawa.

Ilang lakad lang pala, narating na namin ang Jewel Guesthouse. Maliit lang ito. Katunayan, sakop lang nito ang third, fourth, at fifth floor ng building. Higit sa lahat, walang elevator!

"Of all places, do you really have to pick the one with no elevator?" reklamo ni Chua Ma Qui, "Ito na ang pinaka budget sa lahat ng budget."

Nirolyo ko ang mga mata. Like soul, like body. "Parehas talaga kayong dalawa. Ang dami niyong reklamo," maktol ko, "Magsama nga kayo."

"What?" kunut-noong tanong niya, "Sinong kami?"

Ooops! Did I said that outloud? "Ni Jenny. Naalala ko bigla ang kapatid kong reklamadora. Ang sabi ko, magsama kayong dalawa."

"Uh... No thanks," binaba ni Chua Ma Qui ang handle ng maleta niya at kinuha din ang sa akin, "She's not my type."

Tumaas ang kilay ko. "Talaga? Bakit namin? Flight attendant si Jenny."

Cage My SpiritWhere stories live. Discover now