Chapter Thirteen

366 40 1
                                    

TUMIGIL KAMI SA harap ng Bubble Wash Laundry Shop. Basa ang kalsada. Masangsang ang amoy. Bumper to bumper ang sitwasyon dito sa Masangkay Street ng Chinatown. Masakit sa tainga ang busina. Oras ng road rage.

Ang labahan ni Aling Puring, nasa pagitan ng Chinese drugstore at travel agency. Magkakatabi silang lahat sa building.

Lumalabas sa laundry shop ang comforting na amoy ng detergent soap, bleach, at fabric conditioner. Kita ko sa loob ang white interior, pinapakitang magaling silang magtanggal ng mantsa. Naroon sa counter ang isang matandang babae.

Humawak ako sa steel handle ng glass door, papasok na sana kung hindi lang nagsalita si Maki.

"Wait, Jaja. I can't believe you're actually entering. Baliw ang barker. I'm just not sure if we can trust him—whether the answer is inside or not."

"Wala naman tayong magagawa, Sir Maki. Parte ng katawan ko ang punseras. Masasaktan tayo kapag pwersang pinutol. Lumapit tayo sa pari, tumagos sa 'yo ang holy water. Sinubukan na din natin ang Chinese tradition niyo tungkol sa mga kaluluwa, tumagos sa 'yo ang insenso at usok. Kahit ang Google, walang alam," paliwanag ko, "May mga bagay tayong hindi maipaliwanag. Tingin ko, normal lang na matakot ka. Kasi iyan ang reaksiyon nina Jenny sa tuwing ginagambala ako ng multo. We are all afraid of things we can't explain. So sometimes, we have to do things afraid. It's gonna be okay."

Wala na siyang sinabi kaya tinulak ko ang pinto at pumasok. Tumunog ang open/close sign matapos nitong tumama sa glass door. Pagpasok, binalot ako ng flowery scent ng mga sabon at malinis na damit. Nag-angat ng tingin ang babae sa counter, at ngumiti nang malawak.

"Uhm... Hello po," sabi ko sa babae.

"Itim na Converse sneakers, kupas na pantalon, pink na blusa, wala kang dala na maruming damit, at mukha kang hindi sigurado kung bakit ka nandito," sabi ng babae, "Ikaw nga si Jaja at kasama mo si Maki."

Naglikahan ang mga mata ko.

Tumayo siya, aliw na aliw sa reaksyon ko. Matabang babae pala siya. Suot niya ang flowery dress na madalas suot ng mga lola. Malaki ang kaniyang dibdib at braso. Naka-bun ang kaniyang itim na buhok—walang tikwas. Suot niya ang reading glass. Lumalabas ang mga biloy sa mataba niyang pisngi. She was the total picture of Lola Basyang, except she wasn't that old and her hair was not white. But seeing her smile, anyone would thought of freshly baked chocolate chip cookies and a tall glass of full-fat milk from our grandmothers. One could sense the warmth from being near this old woman.

"Nah!" sabi niya, "Wag mo nang tanungin kung bakit ko alam ang pangalan mo. Nakilala niyo na si Ponyo kanina. Tinuro niya kayo sa akin. Ako si Aling Puring."

"Ponyo? Siya po ba ang barker?" tanong ko.

"Kung nandito kayo, ang ibig sabihin, may nangyayari na sa ibaba," sabi ni Aling Puring, "Hay naku. Pinaghalo na naman ni Katrina ang dekolor sa puti."

Ano daw?

"They are speaking as if they could see the future," obserbasyon ni Maki, "Alam ng barker kanina na darating tayo. Alam ni Aling Puring kung sino tayo. Higit sa lahat, nakikita nila ako kahit maliwanag. Iba talaga ang hinala ko."

Parehas kami ni Maki ng hinala. Hindi basta-basta ang mga kausap namin.

"Pwede ba kayong sumama sa akin sa basement?" lumawak ang ngiti ni Aling Puring, "Magkwentuhan tayo habang naglalakad."

Sasama ba ako? Ming hindi ko naman siya kilala. Kahit pa mukha siyang friendly... You never knew with first impressions. What if axe murderer pala itong si Aling Puring?

Cage My SpiritWhere stories live. Discover now