Chapter Eleven

416 46 5
                                    

 SINARADO KO ANG pinto ng bathroom at sinabit ang night gown at tuwalya sa hook ng pinto. Pagkauwi namin galing sa restaurant, ito ang una kong ginawa.

Pake ko kung bawal daw maligo ang pagod?

Ayokong buksan ang ilaw kaya nang isara ko ang pinto, ang kaluluwa niya ang ginawa kong liwanag sa dilim. Nagtama ang aming mga mata. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya, pero wala siyang sinasabi. Buti naman. Kasi gusto ko ng katahimikan.

"After all the things that happened today, I deserved a shower," sabi ko kay Maki, "So I'm gonna take my clothes off. And I don't give a shit if you want to look or not." Pumiyok ako.

Tumango-tango si Maki, saka pumikit at sabay tumalikod sa akin.

Nanlabo ang paningin ko habang tinatanggal ang aking pantalon at blouse. Iniwan ko ang brassier at underwear.

Saka ako pumunta sa ilalim ng shower head at hinayaan ang hot water na waswasan ang magulo kong utak. Tumulo ang tubig pababa sa buong katawan ko. Malay ko na kung malinis na tubig o luha ang tumutulo sa pisngi ko. Humalo sa lagaslas ng tubig ang aking hagulhol.

Sapat na ang kaluluwa niya para makita ko ang mga paa sa basang tiles, para makita ko ang bote ng shampoo at conditioner, sapat na para makita ko ang repleksiyon naming dalawa sa malaking salamin ng bathroom.

Ayoko talagang tignan ang sarili ko sa salamin kapag umiiyak ako. Kada pakawala ng luha, isang akto ng katrayduran sa sarili ko. Bakit ang hina ko? Bakit ako nagpatalo sa kanila? Bakit hindi ako lumaban? Wala akong ginawa kundi umiyak.

Habang nagsasalita si Juno at Jiro, wala akong maramdaman na galit. Naalala ko kasi ang eksena sa playground noong mga bata pa kami. Asul ang kalangitan at walang kasing puro ang mga ulap. Sa ilalim ng araw, tumakbo papunta sa akin ang dalawang totoy, bitbit ang mga tutubi at salagubang na hinuli nila sa mga puno.

Ang liit pa nila noon. Hanggang baywang ko lang sila. Pinupunasan ko ang uhog nila at dungis sa mukha. Bungal pa sila noon, hinihintay ang kanilang permanent teeth. Bulol si Juno noon. Kapag tinatawag niya akong Jaira, nagiging Jaja. Paramihan sila ng nahuling insekto. Ang manalo, sasabihan ni Ate Jaja ng very good at hahalikan sa pisngi. Paborito nilang snack ang pancake at maple syrup. Kaya ang may mas madaming insekto, bibigyan ni Ate nang mas malaking pancake sa meryenda.

Sa oras ng gabi, uupo sila sa harap ng TV, manonood ng Cartoon Network hanggang sa makatulog sila sa carpet. Naalala ko kung gaano sila kabigat. Ang hirap isipin na ang mga totoy na binuhat ko mula carpet at hiniga ko sa kama, pinagsalitaan ako nang masama kanina sa hapag, pinahiya sa mga asawa nila.

Pumikit ako nang mariin. Ayokong pakawalan ang inosenteng mukha ng dalawang totoy sa isip ko.

"Jaja..." humarap siya sa akin.

"Hindi ako galit sa kanila, Maki. Hindi. Mahal na mahal silang dalawa ni Ate. Proud ako sa kanilang dalawa. Pati kay Jenny. Ang laki na nilang tatlo. Ayokong isipin na kinalimutan nila ako at iniwan sa sulok ng pader. Hindi. Mahal ako ng mga 'yon. Hindi lang nila sinasabi sa akin."

Sumakit ang lalamunan ko at hinayaan na umagos ang bigat sa bawat hikbi.

"Of course, Jaja. They love you. Of course," inangat niya ang kamay at sinubukan akong hawakan. Pero tumagos ang kamay niya sa balikat ko.

At doon ako nagpakawala. Umupo ako sa sahig at umiyak nang malakas. Lumapit si Maki at pinalibot ang kaniyang braso sa akin, binalot ako sa kislap ng kaniyang kaluluwa.

"Ang sakit, Maki."

"I know. I know. I know."

Seeing the silver outline of his soul during the most naked moment of my life was everything to me. His light melted my knees more than I could ever admit. You could never admit something you were not aware of, right? Yes, I was delighted. Of all the souls in this world, he happened to be mine. What a lucky thing, indeed.

Cage My SpiritWhere stories live. Discover now