Chapter Five

400 51 2
                                    

"ANAK, OKAY KA lang ba?" nag-aalalang tanong ni Mama matapos kong bumaba galing roof deck, "Para kang masusuka."

Nakita ko si Jenny na tumigil sa paglalagay ng plato at cutleries sa dinning table. Malapit nang umuwi si Papa galing sa office. Pagdating niya, kakain na kami.

"Anong nangyari na naman sa 'yo?" tanong ni Jenny, "Whatever happened to you, I am so not washing the dishes tonight. It's your turn now."

"Jenny!" sigaw ni Mama.

"What?! Naghugas na ako ng plato kaninang umaga," reklamo niya.

"Oo na," piyok, "Ako mag-huhugas ng plato mamaya. Teka lang." May sasabihin pa si Mama at Jenny pero pumasok na ako sa kwarto ko at ni-locked ang pinto. Bukas ang ilaw.

"Please, don't tell me you're gonna shout again," paki-usap ni Chua Ma Qui.

"Si-Sir Chua Ma—"

"Don't even! Ang utos ko, tawagin mo akong Sir Maki magmula ngayon."

Hindi ko siya nakikita ngayon kasi maliwanag.

Tawagin ko daw siya sa kaniyang Filipino name na ginagamit lang ng mga close sa kaniya. Kapag nalaman ng mga tenant sa Divisoria ang kabaliwan na 'to... Kakalat ang chicka na takas ako sa mental.

"Nananaginip lang ako. Gumising ka, Jaja. Parehas lang 'to ng crackers na isasawsaw mo sa chocolate fountain ng Nutella. Gising na." Tinampal ko ang dalawang pisngi.

"If there's anyone dreaming, it should be me. Now do as I tell you. Close the lights so you can see me."

Naalala ko ang horror film na pinanood noon ni Jenny—Lights Out. Palapit nang palapit ang multo kapag sinasara ang switch ng ilaw. Apparently, sa dilim lang pwede gumalaw ang multo. Tumitigil ito sa liwanag.

"Ayoko! Natatakot ako. Paano ako nakakasiguro na ikaw talaga si Maki Reyes?! Tuso ang mga demonyo. Gagawin ang lahat para kumalat ang kasamaan sa mundo. Virgin pa ako! Tataniman mo ba ako ng semen? Tulad ng ginawa kay Mama Mary? Aanakan mo ba ako ng batang demonyo?! Anong plano mo, ha?! Hindi ka magtatagumpay."

"I swear to God, Jaja! Kapag hindi mo sinunod ang gusto ko, palalayasin kita sa 156 Building sa oras na makabalik ako sa katawan ko. So how is it gonna be?! Are you gonna close the lights or not?!"

Natigilan ako bigla. Naalala ko kung paano niya sinigawan si Lolo Pepe sa food court. Oh, what the hell. Wala namang pinagkaiba. Siya nga si Maki Reyes.

Eeeck! Maki Reyes. Maki Reyes. Maki Reyes. Ang weird sabihin. Parang feeling close ako. Hindi ako sanay.

Huminga ako nang malalim bago inangat ang kamay para patayin ang switch ng ilaw. Ito na talaga.

CLICK.

Bumalot ang dilim at lumiwanag ang kaluluwa niya.

Sinapo ko ang bibig—hindi makahuma.

Siya ang ilaw na hindi masakit sa mata tulad ng bumbilya na inimbento ni Thomas Edison. Sapat ang kaniyang liwanag para makita ko ang hilera ng mga libro sa shelf, ang apat na pader, ang wooden floorboards ng sahig, ang alikabok sa bintana, ang spider web sa kisame, at ang reflection naming dalawa sa laptop screen. Pumapasok ang liwanag ni Maki sa uwang na pinto ng walk-in closet, nasisinagan ang sapatos at mga bestida.

Iniilawan ng kaluluwa ni Maki ang bawat haligi at gamit sa loob ng kwarto. His figure might not be complete, yet I saw the faint outlines of his face and body; his soul materializing from smoke. Completed. Chiseled. Defined. Seeing him like this, it made me question my reasons. Fear began to slip away on my fingers as I watched his soul glow in the dark. Now he left me dumbfounded and mystified and awed.

Cage My SpiritDonde viven las historias. Descúbrelo ahora