Chapter Fifteen

387 37 3
                                    

DESPERATE SITUATION CALLS for desperate measures. Sumanib siya sa katawan ko. Sinigaw niya nang malakas ang aking pangalan, tapos hindi na ako nakagalaw. Inisip lang daw niya ang kagustuhang iligtas ako.

Ang sabi niya, hindi na niya uulitin 'yon kung walang paalam mula sa akin.

Sa takot na mahabol kami ni Vixon sa Metro Manila, minabuti ni Maki na lumabas muna ng siyudad. Lie low muna sa karatig probinsiya. May alam daw siyang lugar. Wala akong kibo. Pero kung ako ang tatanungin, payag ako.

Hating gabi na nang makarating kami sa Tanay Province. Pumarada siya sa parking lot ng The Sierra Madre Mountain Resort. Kahit walk-in, binigyan kami ng concierge ng isang cabin at doon kami nagpahinga.

Pagpasok sa cabin, doon lang siya lumabas sa katawan ko. Ang kaluluwa niya ang ginamit kong liwanag sa dilim. Saka lang ako nakagalaw. Una kong kinuha ang phone ko.

Ilang missed calls din sa akin si Mama. 32-years-old na ako pero hinahanap pa rin nila ako at pinapagalitan kapag hindi nagpapaalam na uuwi ng gabi—let alone overnight. Parehas na lumaki sa Camarines Norte ang parents ko—probinsiya. Conservative. Tumawag ako sa kanila at sinabing buhay pa ako, titira muna ako sandali kay Deedee. Tumawag ako kay Deedee. Kapag tumawag ang parents ko sa kaniya, sabihin niya na magkasama kami.

Tumawa si Maki. Dinedma ko siya, humiga na sa kama, at pumikit.

Kinaumagahan, nagising ako bago sumikat ang araw. Minabuti kong maglakad-lakad sa property ng resort.

Mahamog. Madilim. Pero may instant flashlight ako. Iniilawan ng kaluluwa niya ang dadaanan.

Masasabing nasa probinsiya nga ako dahil sa yabong ng mga punong nakapalibot. Huminga ako nang malalim. Sa bawat langhap, nagiging sariwa ang kaluluwa ko. Amoy ko ang hamog, basang lupa, at patak ng tubig sa mga dahon. Niyayakap ako ng lamig. Rinig ko ang kuliglig, ibon, at hangin. Pati na din ang malutong na kaluskos ng tuyong dahon sa landas na inaapakan ko. May nadaanan akong dalawang swimming pool. Lumulutang doon ang tuyong dahon galing sa mga punong karatig.

Araw-araw, langhap ko ang usok/alikabok ng mga tambutso, ang basura sa Manila Bay, ang pawis, ang bulok at kulob, ang mga pagkain sa foodcourt at karinderya; rinig ko ang malakas na busina tuwing rush hour, ang bunganga ng tindera at customer sa Divisoria, ang malutong na mura, ang malakas na tawa—sabay-sabay, walang tigil, halu-halo.

I walked around aimlessly not one of us talking to each other, just allowing the nature engulfed both of us. It wasn't the awkward type of silence, though. Tipong kapag nasa loob ng kotse, bubuksan ang radio kasi awkward. No. We're both grateful for the lost of words and silence.

Panaka-naka ang lingon ko sa kaniya, pinag-aaralan ang anggulo ng kaniyang mukha. Tapos nahuli niya akong tumitingin. Rinig niya sa aking isip ang opinion ko sa itsura niya. Tapos bibigyan niya ako ng simpleng ngiti, tatapatan ang titig ko. Sa huli, ako ang unang mag-iiwas ng mga mata kasi sasabog ako kung hindi.

Bumaba ako sa maliit na burol hanggang sa humantong ako sa hagdan paakyat sa maliit na gazebo. Umulan nang malakas kagabi kaya basa ang ladder step at railing. Buong ingat akong umakyat at narating ang landing ng gazebo. Open na open. Kita ang crack ng konting liwanag, hudyat na mamaya lang, masasapawan ng liwanag ang kaluluwa ni Maki.

Basa ang puting tiles pati na din ang bakal na upuan dahil sa nagdaang ulan kagabi. Pero kahit na. Umupo ako at hinintay ang pag-angat ng araw sa Sierra Madre Mountain Range.

"I'm so sorry for lying," pagbasag ni Maki sa katahimikan. Nandito siya sa tabi ko, lumulutang. Hangga't wala pa ang araw, ang liwanag ng kaluluwa niya ang yumayakap sa akin.

Cage My SpiritWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu