Chapter Twelve

360 43 0
                                    

"SUNTOK SA BUWAN ang plano mo, Jaja. Tatawanan ka lang nila," usal ni Maki.

Nakatayo ako ngayon sa bakery, sinisilayan ang bakery ni Lolo Pepe na tinatawag na Hot Bread.

Except it wasn't his bakery. Abala ang mga tindera sa inaasikasong customer. Pumatak na ang dilim sa labas. Para hindi amagin ang kanilang tinapay, binebenta nila ito sa bagsak presyon at buy one take one.

Tinignan ko ang upuan sa harap ng bakery kung saan ko madalas kausap si Lolo Pepe tuwing meryenda.

"Hindi ba kayo nagtataka, Sir Maki, kung sino ang pinagalitan niyo noon kung hindi pala totoo si Lolo Pepe?"

"Of course, I am curious. But not so curious as to add another fuel to the fire. Baka malagay tayo sa panganib kapag lalo pa nating inalam. Babalikan tayo ni Lolo Pepe," bumuntong-hininga si Maki, "I know you still love him. But don't forget that he was evil. Ginawa niya ito sa ating dalawa, Jaja. So walk away, and go home."

Naalala ko ang huling sinabi ni Lolo sa akin, "Magbabago ang lahat paggising mo bukas ng umaga. Mahal kita, hija. Parang tunay kong kadugo. Tandaan mo 'yan."

"Masama nga ba talaga si Lolo? Oo. Binaliktad niya ang mundo nating dalawa matapos niyang ibigay ang mga punseras. Hiniwalay ang kaluluwa sa katawan, at ginapos sa akin ang kaluluwa niyo. Comatose pa rin kayo hanggang ngayon. Pero kailangan nating alamin ang dahilan ni Lolo para malaman kung paano ibabalik ang kaluluwa sa katawan mo, Sir Maki."

Dumaan ang mga tao sa paligid. Umugong ang maingay nilang usapan. Pumasok ang malaking daga sa loob ng 156 Building. Lumuwag ang bakery matapos umalis ang mga customer, bitbit ang supot ng pinamili.

Ang hirap maniwala na sila talaga ang tumatao sa bakery. Isang taon. Dumaan ang isang taon, iniisip kong totoo si Lolo Pepe. Sa totoo lang, nahihirapan akong sundan ang realidad. Ang daming nangyayari na mahirap i-kwento kay Deedee at Jenny. His voice and bright soul were the only proof that the reality was bending.

"Umatras ka na, Jaja," utos ni Maki. Tinawag ni Maki ang lahat ng santo matapos kong humakbang palapit sa bakery.

"Excuse me po?" tanong ko sa matandang lalaki na tindero. He was old, like senior citizen old. But he didn't have white hairs, and excessive wrinkles. Ito ang tipo ng matanda na papayagan pa ni Maki magtrabaho sa building niya. "Magtatanong lang po sana ako."

"Ayan na naman si baliw. Nagsasalita mag-isa," sabi ng isa pang tindera sa bakery. Mas bata pa sa akin. Nasa 20s.

"Tsk! Ano ka ba, Maymay?!" asik ng matanda, "Bumulong ka pa, narinig ka din naman."

Ngumiwi ako.

"Anong maitutulong ko sa 'yo, Jaja?" tanong ng matanda.

Kumunot ang noo ko. "Kilala niyo po ako?"

"Di ba ikaw ang mayaman na nagtitinda ng beauty product sa third floor? Balita ko isa ka daw nurse noon. Ang ganda mo pa. Paanong hindi kita makikilala? Halos lahat ng kargador at tindero dito pinag-uusapan ka."

"Are you seriously flattered right now?" asik ni Maki, "For all I know, baka crush ka din niya! Wake up, Jaja."

"Sabi sa akin, inatake daw sa puso si Chua Ma Qui kasi binasted mo daw siya," sabi ng tindera, "Totoo ba? Ganda mo."

Kumalat ang init sa buong katawan ko.

Tumawa ang matanda. "Kitams? Pati ang Tsekwa patay na patay sa 'yo. Paanong hindi kita makikilala?"

"Tang-ina," mura ni Maki, "Patatalsikin ko kayo pagbalik ko! Humanda kayo sa akin! Tsismoso!!"

Gamit na gamit ang salitang taboo sa oras na 'yon. Off limits sa amin ni Maki ang topic na 'yon. Hindi namin ginagalaw. Hindi namin pinag-uusapan. Ayaw kong banggitin. At mas lalong ayaw niyang ungkatin. Ang topic na 'yon ay katulad ng shower at toilet business ko araw-araw. It was best left unspoken. Because we're not as stupid as Pandora. The time was not ripe to open such a beautiful, curious box.

Cage My SpiritWhere stories live. Discover now