Chapter Nine

400 49 9
                                    

"SAAN KA PUMUNTA noong Linggo? Binabaan mo ko ng telepono, bruha ka!" namaywang si Deedee at tumaas ang isang kilay, "Tapos hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko! Akala ko nabudol-budol gang ka!"

Pumasok ang dalawang customers sa loob ng tindahan ko, sinuri ang mga produkto sa estante ng new arrivals. Tirik ang araw sa buong kalupaan at dahil walang air conditioner ang lumang building ni Maki Reyes, tiis-tiis sa mainit na hangin na binubuga ng lumang electric fan.

Kahit saan ako magpunta, may kasama akong kaluluwa. Hindi titigil ang mundo ko por que dala-dala ko si Maki kahit saan. Looking at the bright side, mas makikita ni Maki ngayon ang tenants at ang management sa building niya—kung paano sila gumalaw 'pag iniisip nila na wala siya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa cashier. Ngumuwi ako matapos makalimutan ang mga tawag ni Deedee. Suot niya ang pekpek shorts at red spaghetti blouse. Sa init dito sa 156 Building, nalulusaw na ang make-up ng best friend ko.

"At wag mo kong simulan sa narinig ko tungkol sa 'yo!" dagdag ni Deedee, "May sinabi sa akin si Rodrick kagabi."

"Rodrick?" tanong ni Maki sa tabi ko, "Anong sinabi ni Rodrick sa kaibigan mo?"

Patay tayo diyan! Laglagan na ba ng sikreto ito? Dapat ko bang sabihan si Deedee na mag-ingat sa mga sasabihin niya?

"Uhm...Deedee," pinanlisikan ko siya ng mata.

"Pasalamat ka dahil best friend kita kaya tikom ang bibig ko!" sigaw ni Deedee, "Totoo ba ang sabi sa akin ni Rodrick?!"

"Anong sinabi sa 'yo ni Rodrick?" delikadong tanong ni Maki.

Customer ni Deedee ang assistant slash driver ni Maki Reyes na si Rodrick sa kasa gabi-gabi. Sabi ng kaibigan ko, dumadalaw doon si Rodrick twice a week para hingin ang serbisyo ni Deedee. They weren't lovers. It was purely professional. And while they were at it, probably during pillow talks, Rodrick shared his stories to Deedee.

Narinig ko si Maki na suminghap.

"Galit na galit si Rodrick. Siguro, nagseselos," kwento ni Deedee. Nilapit niya ang ulo at saka bumulong, "May girlfriend na daw si Chua Ma Qui. Piniga ng buong angkan si Rodrick para sabihin kung sino ang dilag. At alam mo ba? Jaira Geronimo ang pangalan ng girlfriend niya. May poser ba na gumagamit ng identity mo?! Magsabi ka ng totoo!"

Tumayo ang balahibo ko sa batok.

"Selos?!" outburst ni Maki, "Bakit magseselos si Rodrick?! Tanungin mo nga siya."

"Selos?" tanong ko kay Deedee, "Bakit magseselos si Rodrick?! Baka totoo ang sabi ni Jenny. May relasyon si Maki at Rodrick! HAHAHA!!"

"Oh, you!!! How dare you say I'm gay!!"

Pero hindi tumawa si Deedee. Tinitigan lang niya ako. "Ang manhid mo talaga, ano? Hindi mo talaga gets? Wala ka ba talagang nahahalata?"

"Ha?" tumabingi ang ulo ko.

"Di ko gets si Jenny kasi di naman ako magaling sa Ingles. Pero ang sabi niya, tanga ka daw pagdating sa social conventions kaya awkward ang lahat ng bagay na lumalabas sa bibig mo. Tingin ko ang ibig sabihin nito, hindi ka marunong magbasa ng tao."

"Ouch. Grabe ka magsalita, Deedee. Ano bang gusto mong palabasin?"

"Ano ba sa tingin mo ang kahinaan ng mga lalaki, Jaja? Siyempre malaking boobs at virgin! Di ba ganoon ka? Idagdag mo pa na edukada at galing sa maayos na pamilya. Umiikot ka sa buong building para tulungan ang senior citizens sa kalusugan nila. Hindi mo ba nakikita ang mga mata na sumusunod sa 'yo?"

Cage My SpiritWhere stories live. Discover now