Chapter Eight

376 47 1
                                    

BAGO PA LUMUBOG ang araw, naka-alis na kami sa ospital.

Sumaglit kami sa St. Lucia Church para bisitahin si Father Lito. Kinwento ko sa kaniya ang buong pangyayari. Alam kong open-minded siya kaya hindi ako nahiyang magkwento. Tuwang-tuwa ako kasi mukhang naniniwala siya. Tawang-tawa naman si Maki nang magsimula si Father Lito na basbasan kami. Tumagos ang holy water sa kaluluwa niya. Waepek.

Kaysa pwersahin pa niya ang punseras na alisin sa kamay at saktan kami ni Maki pareho, minabuti ko na ang umatras at umalis na. Mukhang wala siyang matutulong sa akin ngayon.

Katabi lang ng simbahan ang Manila Baywalk at Raha Sulayman Park. Maraming bata ngayon dito sa Manila Baywalk—mga palaboy. Naglalaro at tumatawa nang malakas.

Isang mahabang linya ang tubig sa Manila Bay, at sa dulo nila, doon lulubog ang araw. Naglalakad ako at pinagmamasdan ang pagkalat ng liwanag sa kalangitan. Mahina ang init na tumatama sa mukha ko. Nasa pwesto na ngayon ang araw kung saan masarap lumabas ng bahay para panoorin itong lumubog.

Madaming nagrereklamo na mabaho at malansa dito. Sanay na ang ilong ko. Dito kaya ako lumaki. Walking distance lang ang bahay namin sa Manila Baywalk.

Umupo ako sa concrete barrier at pinagmasdan ang agos ng basura at tubig sa mga bato.

"Isang araw lang 'to pero ang daming nangyari," sabi ko kay Maki, "Nakilala ko ang buong angkan mo. Snob sila pero mabait din. First time kong nahawakan ang kamay mo. Tumagos lang ang holy water ni Father Lito sa 'yo. And then...there's Lolo Pepe. I've known him for a year. But he's not what I thought he was."

Naglilitawan na ang mga bituin at kislap ng buwan, naghahatakan ang indigo at scarlet sa kalangitan.

"I'm really sorry about Lolo Pepe," sabi ni Maki, "I can see that you are very disappointed."

"Sobrang close kasi talaga kami," tinignan ko ang mga palad, "Mahilig siya sa palm reading. Madalas niyang sabihin ang hula tungkol sa love life ko."

"Really? Anong sabi niya?"

"Hmmm... Hindi naman ako naniwala. Sabi niya, hindi daw nasunod ang tadhana ko. I wasn't meant to be an OFW at all. He said, I was supposed to marry this great guy. He's my better half. At the sunset of our lives, we will sit side by side in front of our grandkids. We will hold hands, smile, close our eyes, and sleep together forever."

"Sounds like a bull. Buti na lang hindi ka naniwala."

"But destiny had been twisted so...I flew away and became an OFW. Hindi ko daw siya nakilala. Ang sabi pa niya, dahil nasira daw ang tadhana namin, muntikan na siyang ikasal sa ibang babae. Naudlot daw," huminga ako nang malalim, "Sa totoo lang, hindi ako natakot na multo pala si Lolo Pepe. Nalungkot ako kasi mukhang hindi ko na siya makikita."

"Paano ba kayo naging close ni Lolo Pepe?"

"Isang beses, naghahanap ako ng pwesto sa Divisoria. Una ko siyang nakita sa bangketa kasi bumuhal siya. Tinayo ko siya, binuhat ko ang mga supply na bitbit niya. Pumunta kami sa bakery niya doon sa building mo. Nalaman niya na naghahanap ako ng pwesto para sa tindahan ko. Sakto naman na may bakante kaya tinuro ka niya sa akin."

Walang sinabi si Maki. Pero narinig ko siya ngumisi. Ngumiti na lang ako.

"Bakit ganoon ang pamilya mo? They are high and mighty snobs who cares so much about you. They looked at me funny, but when they believed that I am your girlfriend, I suddenly became untouchable," lumingon ako sa direksiyon kung nasaan si Maki, hinangin ang buhok ko, "What is this promise that Bernard is reminding your grandmother? Sabi niya, pare-parehas lang sila ng nararamdaman. But a promise is a promise, they all have to accept me."

"I don't have to tell you that right now. Probably some other time. Kung hindi, mauubusan tayo ng pag-uusapan."

Lumubog na nang tuluyan ang araw pero kalat pa rin ang konting liwanag nito sa kalangitan. Sinakop nang kadilim ang malaking porsiyento ng kalawakan. Kumutitap ang bituin at buwan...pati na din ang kaluluwa ni Maki Reyes.

Ngumiti ako. "Tungkol saan ba ang pinag-sasabi mo sa akin kanina, Maki? Ikaw, ha? Ginawa mong awkward ang sitwasyon kanina. Anong sabi mo? Gusto mo ba talagang hawakan ang kamay ko araw-araw?"

His nose scrunched up, he bit his lower lip, frowned, and grunted. "Excuse me? Don't you know who I am?! Bakit 'Maki' lang ang tawag mo sa akin?!"

Akala ko ba, close na kami?

"Don't insult me again or I will bring you hell once I get back to my body! Understand?!"

"Sorry, Sir Maki! Hindi na po mauulit. Although, you know I have so much love to give. I'm wondering maybe you wanted some? Afterall, my love is best served cold."

Nahuli ko siyang lumunok. "Shut up! I said what I have to, you rotten old woman."

Tumawa ako. "But you know what? You have my word. Babalik ka sa katawan mo." I smiled, and he smiled back.

I should have known how special this moment was. But I didn't know then. These were the memories only I would keep. 

Cage My SpiritWhere stories live. Discover now