Chapter Ten

377 49 9
                                    

"KUYA, MAGKANO NGA po ulit?" tanong ko sa Grab driver matapos niyang iparada ang kotse sa tapat ng Bahay Ligaya Restaurant sa Quezon City.

"One hundred forty nine pesos po," sabi ng driver.

Dumukot ako sa wallet ng pera at binigay sa kaniya. Binigay niya sa akin ang sukli. Madali akong lumabas ng kotse.

"Jaja!" habol ni Maki, "Naiwan mo ang panyo mo sa loob ng kotse ni kuya. Balikan mo."

Ooops! Tumigil ako sa paglalakad at binuksan ulit ang kotse. Inaayos pa ng driver ang stash niya ng pera kaya hindi pa umaalis. Tumuwad ako at kinuha ang panyo.

"Sorry, kuya. Naiwan ko lang ang panyo ko. Kukunin ko lang sandali."

"Okay lang, Miss."

Saka ko sinara ang pinto.

"Wow!" sabi ko, "May pakinabang din naman pala kayo, Sir Maki. Salamat!"

"Whatever."

Ngumiti lang ako at naglakad na ulit. Ang restaurant na ito sa Katipunan Avenue ang paborito naming kainan since time immemorial. Ang mga menu nila ay lutong bahay ng iba't-ibang probinsiya sa Pilipinas. Maganda ang ambiance. Pwedeng kumain sa labas at loob. Ang mga upuan at lamesa nila, pulos antigo na binebenta din ng may-ari ng restaurant.

Nakita ko sa parking lot ang Honda City ni Papa, ang Suzuki Swift ni Jenny, ang Subaru Impreza ni Juno, at ang Kia Sorento ni Jiro. Ngumiwi ako. Nandito na ang buong pamilya ko. Ako na lang pala ang hinihintay.

"Sino nga pala ang mga kapatid mong lalaki?" tanong ni Maki.

"Si Juno ang sumunod sa akin. Isa siyang engineer. Pangatlo sa aming magkakapatid si Jiro. Isa naman siyang arkitekto tulad ni Mama at Papa."

Simula nang bumukod ang dalawa kong kapatid, mandatory ang aming Sunday lunch. No matter how busy we were, we had to show up as one big happy family. Pero wala ako kahapon dahil kasama ko si Maki. Kaya nilipat ngayong Monday ang mandatory family meal.

Pinagbuksan ako ng waitress na may suot na Filipina costume. Gumanti ako ng ngiti. Pagpasok, agad kong nakita ang pamilya ko sa antigong lamesa. Nakaserved na ang pagkain pero wala pang gumagalaw sa kanila. May hinihintay.

"Hay, salamat! Nariyan na si Ate!" bulyaw ni Jenny, "Muntikan ko nang kainin si Lebron." Tinutukoy niya ang one-year old na anak ni Juno na buhat niya ngayon at pinaglalaruan ang kaniyang buhok.

"Ba't ang tagal mo?!" singhal ni Juno, "Kanina pa kami nag-aantay! Wala ka na nga kahapon."

Walang sinabi si Jiro pero ang sama ng tingin sa akin.

Lahat kaming magkakapatid, mana lahat kay Papa. Maputi, kulot ang buhok, at makinis. Pero sa aming apat, ako ang pinaka maliit. Hindi ako katulad ni Jenny na flight attendant material. Saktong five feet ako.

Kasama nila ang kanilang mga asawa. Buntis ang asawa ni Jiro sa kanilang panganay.

"Sorry! Sorry! Andito na ako. Traffick lang talaga."

"O, siya. Umupo ka na," sabi ni Papa.

Umupo ako sa bakanteng upuan. Sa harap ni Juno at Jiro at tabi naman ni Jenny at Mama.

Nagdasal muna kami bago kumain. Umorder sila ng Crispy Pata, Pritong Hito, Kare-Kareng Gulay, at Denengdeng. Tubig lang sina Mama at Papa, umiiwas sa diabetes. Lahat kami Iced Tea.

"Lebron, come here na. Tita Jenny will eat. Sit with mommy," kinuha ni Justine ang anak niya mula kay Jenny.

"Grabe," sabi ni Maki, "Ang laki talaga ng tiyan ng Papa mo. Buntis ba siya?"

Cage My SpiritWhere stories live. Discover now