Chapter Twenty-Four

349 32 0
                                    

MATAPOS LIBUTIN ANG limang palasyo sa Seoul, pati na din ang Namsan Tower, lilibutin namin ni Chua Ma Qui sa loob ng isang araw ang probinsiya ng Gapyeong. Naroon ang Nami Island, Petite France, Garden of Morning Calm, Gangchon Rail Bike. Walang hassle dahil nag-avail kami ng 4-stop day tour na magdadala sa mga turista from location to location.

Una kaming nagpunta sa Nami Island. Sa halagang 13,000 Won, makakabili ka na ng ticket papunta sa moon-shaped island. Tumigil ang shuttle bus sa Gapyeong Wharf at sumakay kami ng ferry na magtatawid sa isla. Bumaba kami sa Nami Wharf. Sabi ni Chua Ma Qui, hindi pa raw niya nalilibot ang isla. First time naming dalawa at sabi ng tour guide, mas maganda raw itong libutin gamit ang bisikleta. Iyon mismo ang ginawa naming dalawa.

"Kaso hindi ako marunong gumamit ng bike," sabi ko kay Chua Ma Qui. Tumigil kaming dalawa sa bike center.

"What?! Nagpapatawa ka ba? Bakit ka pumayag na magrenta tayo ng bike kung hindi ka pala marunong?"

"Well, I figured it's the perfect place to learn how to bike."

Wala na siyang nagawa matapos kong magrenta. Mountain bike ang nirentahan niya. Sa akin, maliit lang. Tipong lalapat kaagad ang mga paa ko sa lupa. Tapos saka niya ako tinuruan.

"Sus!" sabi ko, "Madali lang naman pala!" Binilisan ko ang pedal, steady ang hawak sa manibela.

"Hoy! Sandali lang! Gusto mo bang sumemplang?!" sigaw niya gamit ang boses na madalas niyang gamitin sa mga janitor kapag may nakikita siyang daga sa building, "Hintayin mo ako, Jaira!"

Ngumiti ako at dinama ang hampas ng hangin sa mukha ko. Mas puro at sariwa ang hangin dito. Palibhasa, nasa labas ng siyudad. Pumasok kami sa isang lane na punung-puno ng maple tree sa bawat hilera ng kalsada. Ang sabi ng signage, nandito kami sa The Maple Lane of True Love. Ang cheesy daw, sabi ni Chua Ma Qui.

Umagapay siya sa tabi ko at bumagal ang aming takbo para pagmasdan ang mga puno. Scarlet red ang kanilang dahon, para sa akin, ang amoy ng maple ay pinaghalong vanilla at mainit na kape. Tagos sa puso ang amoy. Kahit ang simangot sa mukha ni Chua Ma Qui, umalis. Lumingon ako sa kaniya.

"Psst!" pagtawag ko, "Anong pangalan ng area na 'to?"

"Maple Lane," simpleng sagot niya.

"Ayoko niyan. Gusto ko, buong pangalan. The Maple Lane of what?"

Sumimangot siya. "Are you trying to make me say the TL words? No way! Yuck!"

Tumawa ako. "Sige na. Hindi 'yan kabawasan sa masculinity mo." Gusto ko siyang hulihin na sabihin 'yon kasi mukhang wala sa dictionary niya ang salitang true love sa tuwing pinapalayas ang tenant sa Divisoria.

"Forget it. Ang TL words, ipinaramdaman sa iba tulad ng hangin. Hindi sinasabi lang."

"Wow! Ayan na po, mga kababayan. Humuhugot na po ang diktador ng 156 Building!"

"Shut up!"

"So have you been in love before?" tanong ko.

Saglit siyang nanahimik. "Of course. I had been."

"So what happened? Can you tell me?"

"Spanish colonization pa lang, nandito na ang ninuno ko. Galing sila sa mainland China. Sa panahon ngayon ng technology at globalization, napanatili nila ang tradisyon na bawal mag-asawa ng non-Chinese," kwento ni Chua Ma Qui, "It was very cliché that I fell in love with a Filipina when I was 19-years-old. Ayaw ng buong pamilya ko kay Nerisa. Nagbanta si Lolo at Papa na puputulin nila ang credit card at savings ko kapag hindi ako nakipaghiwalay."

Cage My SpiritWhere stories live. Discover now