Chapter Seven

396 49 6
                                    

LANGHAP KO ANG pamilyar na amoy ng alcohol, gamot, at kirot. Bumukas ang automatic doors ng St. Luke's Medical Center at lumabas-pasok ang mga tao.

Nilagay ko ang phone sa tainga ko, "Ang sabi sa akin ni Deedee, dito daw dinala ang katawan mo. Sunday ngayon. Lahat ba ng kamag-anak mo, dadalawin ka ngayon, Sir Maki?"

"Jaja..." Maki trailed off, "About Lolo Pepe..."

"Don't. Let's not talk about him."

"Well, I just want you to know that I believe you. You've seen me, right? Pinagalitan ko si Lolo Pepe dahil hindi siya nagbayad ng renta niya. Ayokong isipin mo na walang naniniwala sa 'yo. Parehas nating nakita ang matanda."

Ngumiti ako. "Salamat, sir. Masyado pang masakit. Ayoko muna siyang pag-usapan ngayon."

"Okay..." mahinang bulong niya, "Let's go inside then."

Lumapit ako sa lobby. Magtatanong pa lang ako sa clerk kung saan ang room ni Chua Ma Qui nang biglang magsalita ang kaluluwa sa tabi ko.

"Tita Ying-Ying!" sigaw ni Maki sa eleganteng Chinese na pumindot sa elevator button. Lutang ang pagiging Chinese niya dahil sa suot niyang tradisyunal na bestida. Walang tikwas ang kaniyang updo. At mukhang mamahalin ang jade necklace at earings na suot niya. "Jaja, follow her! She probably knows where I am. She's my mother's sister!"

"Okay. Okay." Lumakad ako papunta sa tiyahin niya, bitbit ang orange fuit na binili ko sa palengko bago tumuloy dito. Bumukas ang elevator doors at sabay kaming pumasok kasama ang iba pang mga tao.

May dala siyang grocery bag galing sa malapit na convenience store dito sa ospital. Mukhang ibibigay niya ito sa mga bantay na kamag-anak.

"Please, press the 16th floor," sabi ni Tita Ying-Ying at siya namang pinindot ng lalaking kaharap ng elevator buttons.

Kamukha ni Maki ang tiyahin niya. Anyway, lahat naman ng Chinese magkakamukha. Walang pinagkaiba. Lahat sila maputi at singkit. Higit sa lahat, mukhang siopao!

Ikaw bayad renta. Ako gusto pera. Ikaw layas wala pera bayad renta. Humagikgik ako.

"That's very racist, Jaja," sambit ni Maki.

"Hmmm?" Wala naman akong sinabi sa kaniya.

"Nothing. I mean her hair is rare. Look at that silky straight. She doesn't use any hairspray with her bun."

Pake ko sa buhok niya?

Unti-unting umakyat ang elevator at naubos ang mga pasahero. Dumating sa 16th floor at sumabay ako kay Tita Ying-Ying ng labas.

"Whoa!" sabay naming reaksiyon ni Maki.

Tadtad ng mga Tsekwa ang buong 16th floor. Bata, teenagers, adults, at matatanda... Sinakop nila ang mga sofa sa waiting area. Ang iba, nakatayo. Sinindihan ng isang middle-aged woman ang insenso, dahilan para lumapit ang nurse at sabihan siya na patayin ang insenso dahil tutunog ang fire alarm. Aba! Ayaw isara. Nakipagtalo sa nurse ang babae.

"We will pray to the ancestors for my son!" sabi ng babae, "You're infringing my right to practice religion! Let me talk to the manager! I will report you!"

Lumapit si Tita Ying-Ying sa kanila at inawat ang babae. Kinausap niya sa Mandarin ang nagwawalang Chinese.

"Mama!" Narinig ko ang tawa ni Maki. "My whole family is here."

Hindi talaga biro ang bilang ng Chinese dito sa 16th floor. It probably had nothing to do with the fact that Chinese comprised the biggest population in the world. Ang ibig sabihin nito, galing si Maki Reyes sa isang family oriented na pamilya.

Cage My SpiritWhere stories live. Discover now