Chapter Twenty

345 34 1
                                    

TATLONG BESES siyang sumanib sa katawan ko.

Una, para iligtas ako sa hipnotismo ni Vixon. Pangalawa, para iligtas sa kahayukan ng katawan niya.

Allergic ako sa kwento ng mga damsel in distress. Naalala ko noong bata pa si Jenny. Binabasahan ko siya ng fairy tales bago matulog sa gabi. Hilig niya ang mga kwento ni Hans Christian Andersen at Aesop. Binabago ko ang ending. Ayokong magtanim ng victim consciousness sa kukote ng kapatid ko. Nakakahiya. Magiging ganoon lang din pala ako sa oras ng trahedya. Inisip ko na lang, hindi kahinaan ang tumanggap ng tulong kung kailangan.

Nagpasalamat ako kay Maki. Kaya pinagbigyan ko ang hiling niya na sumanib ulit sa katawan ko kasi gusto daw niya magluto sa kusina kaninang umaga. He could only cook one dish: spaghetti alla puttanesca. Pinagluto niya ang buong pamilya ko, at iyon din ang baon ko ngayong lunch.

Pilit kong binabaon sa limot ang nangyari noong Sabado. Shocked pa din ako. Ignorante kaming dalawa ni Maki sa nangyayari. Lalo pa't wala kaming malapitan. The best option right now was to stay away from his body, and prepare myself for tomorrow. Lilipad ako bukas papuntang Seoul, South Korea.

"Sir Maki, nakapunta ka na ba sa South Korea?" tanong ko habang tinitignan ang itinerary receipt ng plane ticket ko. Nine PM bukas ang alis ako. Babalik din ako sa Wednesday.

"Yeah, a couple of times to meet the business partners. The embassy gave me a ten year tourist visa."

"Ang hirap mag-apply ng visa sa embassy nila ngayon. Buti na lang, lumapit ako sa travel agency para i-book ang plane ticket ko. May history ako ng travel around ASEAN cities kaya hindi ako nahirapan kumuha ng single entry visa. Ito ang unang beses na pupunta ako sa malamig na bansa. Tipong may lalabas na vapour sa bibig ko. Kaya sobrang excited ako."

"Why did you plan to go alone? Travelling is not fun without someone you know."

Binaba ko ang itinerary receipt sa table at ngumiti. "Well, I'm not going alone anymore right? I mean... kasama kita." Kuminang ang gintong punseras sa ilaw ng bumbilya.

"Tamang-tama. Boses ko ang tour guide mo doon. Dadalhin kita sa isang palasyo nila na may secret garden."

"Secret garden?!" Medyo napalakas ang boses ko. Tumigil ang mga customer sa pagbusisa ng products sa shelf at binigyan ako ng judgemental look.

"Sinong kausap niya?" tanong ng babaeng customer sa nobyo niya.

Agad kong kinuha ang phone at nilagay sa tainga ko. "Talaga? Secret Garden?"

"Wala. May kausap sa phone. Loudspeaker kasi," sabi ng nobyo.

Tumawa si Maki. "Mukha ka daw tanga. Oo. Secret garden ng Changdeokgung Palace. They have rich culture and history. Far deeper than Korean pop songs and Korean Dramas, there's a lot to love about the country."

"Excited na ako!"

Umugong ang ingay sa labas ng tindahan. Nagkagulo ang mga tenant. Tumakbo sila pabalik sa kanilang tindahan. Ang kaharap kong stall, abala ang tindero sa pag-lilinis ng paninda. Saka ko lang naintindihan kung bakit. Pumasok sa tindahan ko ang isang maputing lalaki, bitbit ang bungkos ng pulang rosas at paper bag.

"Anong ginagawa niya dito?!" asik ni Maki at napatayo ako bigla.

Alam mo ba na darating ang katawan mo ngayon?!

"How should I know?!" sagot sa akin ni Maki.

Siyempre, katawan mo 'yan! May antenna kunyari na nagkokonekta sa inyong dalawa.

Cage My SpiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon