Chapter Seventeen

344 33 6
                                    

LUMIPAS ANG ISANG linggo at buwan na ng Oktubre.

Sing bilis ng apoy ang kalat ng balita. Gising na daw si Chua Ma Qui. Dalawang linggo siyang coma. Matapos obserbahan, napatunayan ng mga doctor na normal na ang kaniyang kondisyon. Discharged na siya at lumabas sa ospital noong Friday last week.

Ngayong Monday, ang most hated day of the week, inaasahan na dadalaw na naman ang hilaw na Tsekwa para magsiyasat sa shopping mall niya. Takot lang ng mga walang pambayad at matatanda.

Ilang beses din tumawag sa akin si Lola Qing. Bakit raw ako hindi dumadalaw sa boyfriend ko? Hinahanap daw ako ni Chua Ma Qui. Sinabi ko na lang, busy ako sa tindahan. Babawi na lang kamo.

Malakas ang kutob namin na may kinalaman dito si Vixon. Anong malay namin sa tadhana na sinasabi niya, baka hindi pa tapos ang panggugulo niya. Kung natatakot ako, alam kong mas kinakabahan si Maki. Simula nang tumawag si Lola Qing, malimit na siyang magsalita. Sa dilim, kapag matutulog na kami, tabi sa kama, kunot ang kaniyang noo. Tulala.

"Ready ka na ba for South Korea?" tanong sa akin ni Deedee, sinusubukan niya ang tester na red nail polish sa kuko niya dito sa tindahan ko, "Bumili ka na ba ng boots at coats na gagamitin mo? Winter season doon ngayon. Inggit sana ako, kaso hindi naman ako nanonood ng Koreanovela tulad mo."

Next week na ang biyahe ko papuntang Seoul. Kung hindi matatanggal ang gapos namin ni Maki, sasama siya sa akin sa South Korea ng libre. Siguro naman, hindi makikita ang kaluluwa niya sa sensors.

"Isang coat lang ang binili ko. Bakit naman ako bibili ng boots? Wala pang winter season. Autumn sa kanila ngayon."

"Naku! Buti ka pa. Pinayagan ka ba ng parents mong umalis mag-isa? Alam mo ba tumawag sila sa akin kasi dalawang gabi kang nawala sa bahay. Saan ka ba kasi talaga pumunta?" usisa ni Deedee, taas-kilay.

"Nag-hiking sa bundok."

Magtatanong pa sana si Deedee kaso lumapit ang lalaking customer sa amin, nagkakamot ng ulo.

"Miss? Pwede mo ba akong tulungan?" napangiwi siya, "Nasaan ba dito ang facial spray at collagen moisturizer?" Mayroon siyang suot na baseball cap, itim na motorcycle jacket, oversized blue shirt, faded jeans, at butas na rubber shoes.

"Grabe naman ang amoy ng customer mo," reklamo ni Maki, "Ihatid mo nga sa section ng deodorant at toothpaste."

Ngumiti ako sa customer. Pinisil ko nang mahigpit ang kaliwang braso ko.

"Ouch!" reklamo ni Maki.

"Dito po tayo, sir." Tumayo ako at hinatid siya sa estante ng collagen moisturizer at facial spray. Sa peripheral vision ko, nagkagulo bigla ang tenants, umugong ang bulungan. Nasagap ng tainga ko, umakyat na si Chua Ma Qui sa aming floor.

"Teka lang! Teka lang!" sinara ni Deedee ang bote ng nail polish. Kahit hindi pa tuyo ang kuko, tumakbo siya pabalik sa tindahan niya.

"Shit..." mura ni Maki, "Nandiyan na siya."

Siya. Maki was referring to his body in third person. Palagi niyang ginigiit na sumanib ang kaluluwa ni Agatha sa katawan niya. Kaya biglang gumising. Tinanong ko siya kung paano niya nasabi iyon. Even if he was split in two, part of him was still connected to his body, he said. It was as if Vixon found an empty case where he would secure his stuff. Maki could tell that something was inside his body.

Nahimasmasan ako pabalik sa realidad nang may maramdaman akong matulis na nakatutok sa tiyan ko.

"Tang-ina!" sigaw ni Maki, "Kutsilyo!!!"

Cage My SpiritWhere stories live. Discover now