Chapter 1- First Day

45.4K 753 22
                                    

Juancho

First day ko as an assistant ni Sky Marcelo. Iniwan ko muna ang runway...pansamantagal. Nakakasawa din kasi ang glam at limelight. Para akong boy toy kung ituring ng mga socialite at mga international star. Hindi ko din masikmura ang ilang kasama ko na addict sa heroine para lang makayanan ang hectic na schedule. Photoshoot sa kung saang lugar... taping ng commercial. Nakakasawa! Parang lahat fake...

"Yuan... HR...Bilis." Sigaw ni Sky sa akin.
Tsk..tsk... kawawang nilalang ang umiiyak ngayon dito sa meeting room. Ano ba ang kasalananin niya?

Tinawagan ko ang HR at pinaakyat ang HR manager. Ayaw pa ngang umakyat, nag-iinarte pa. When I told her that Sky was requesting her, nagmamadali siyang binabaan ako ng phone.

Dumating ng HR manager at natingin agad kay Dolor.
"Ma'am Sky, bakit?" Tanong nito.
"I want her to be terminated immediately." Sagot ng Boss ko. What the f... Immediately?!
"On what ground?" Nagtatakang tanong ng HR Manager.

"For hiding Kuya's letters from him." Sagot ni Boss.

"I see..." Sagot ng HR Manager.
"I want you to look into her drawer and see if you could find other personal letters that she didn't give." Utos ni Sky sa HR Manager. Tumango ang HR Manager at lumabas ng meeting room.

Tumayo naman si Dolor.

"Umupo ka." Utos ni Boss na nakatitig ng matiim kay Dolor.
Jesus...

Oo hindi siya nakangiti noong unang magkita kami. At hindi nga ako tinapunan ng tingin ni Sky... pero is she this cold hearted?

Nakatayo pa rin si Dolor at umiiyak.
"Mauupo ka o ako mismo ang mag-uupo sayo. Wala akong pasensya sa mga tanga ha." Sabi ni Sky.
Literal na napanganga ako. Ang...savage niya.

Umupo si Dolor at yumuko.
"Ma'am Sky, can we continue?" Tanong ng nagpepresent kanina bago tumawag ang friend nila na mukhang haponesa.
"Mukha ba akong may mood sa presentation? Nagsisimula akong magsesante ng mga mapapel na empleyado eh. Gusto mong sumunod?" Sarcastic na sagot ni Sky. I hide my laughter. Baka isunod ako, kakasimula ko pa lang. Napayuko si Kuyang pabibo.

Maya-maya pumasok si HR Manager at may dalang mga sulat.
"Ma'am Sky, marami pang letters ang nasa drawer ni Ms. Dolor na para kay Sir Chase." Inabot niya ang mga letters kay Sky. Ang iba, open na. Binuksan at binasa na ni Dolor.

"Meron bang case na pwedeng isampa sa kanya?" Tanong ni Sky sa HR na mukhang nagulat. Yup... she's savage! Confirm na. Walang patawad ang babaeng ito.
"Ma'am Sky... please po. Huwag na po." Pagmamakaawa ni Dolor. Ako ang naawa sa babaeng ito. Bakit ba kasi chismosa ka at nagbubukas ka ng sulat ng may sulat?

"Anong huwag? Alam mo ba ang impact ng ginawa mo, ha? Dolor?! Buntis yung hinahabol ngayon ni Kuya. Paalis ng bansa dahil sa ginawa mo. Huwag kang iiyak-iyak diyan. Mas lalo akong nabubwisit sayo." Sagot ni Sky. Ahhh...kaya pala.

"Ma'am Sky. Kami na po ang bahala kay Ms. Dolor." Sabi ng HR Manager.
"Sige. Ayaw ko ng makikita pa yan sa vicinity ng company." Sagot ni Boss.

Nakayukong sumunod si Dolor sa HR Manager.

"Yuan... I want you to have a meeting with the HR and look for vacant receptionist. Papalitan mo ang receptionist na nasa floor ni Kuya. Pagawa mong mga lalaki. Ayaw ko ng babaeng receptionist." Utos nito.

"Bakit ma'am?" Usisa ko.
"Trip ko lang." Sarcastic na sagot niya. "Kailangan ko bang mag-explain?"
Nagtanong ka pa kasi eh, Juancho! Itikom mo yang bibig mo at baka mabisto ka ng dragon mong amo.

"Email me those figures. This meeting is adjourn." Sabi ni Sky sabay tayo. Mukhang naguguluhan pa ang mga kameeting niya. Prepared pa naman silang magpabibo. Sumunod ako sa amo ko na parang mowdel maglakad. Taas ng heels... Bawat makasalubong, lahat umiiwas.

I know, galing ako sa fashion world. At alam ko kapag mamahalin ang sapatos, at limited edition ang suot na sapatos ni Sky ngayon.

Sinundan ko sa office si Maam Sky. Pagbukas niya ng pintuan, may naghihintay na bata sa kanya.
"Hindi ba matatapos ang pangit na araw ko." Bulong niya.

"Ano ang kailangan mo, babaeng sandok?" Tanong niya sa bata. Uhmmm... pinigilan kong tumawa.
Ay hindi pala bata... midget lang pala at nakatitig siya sa akin.

Uh-Oh! Abort Juancho...

"Hi... I'm Arabella. Pinsan ni Sky." Sabi nito. Nagflip pa siya ng hair.
Sure kang magpinsan kayo ni Sky?

"Hindi kita pinsan. Ayusin mo ang facts mo at baka ihagis kita sa bintana." Sigaw ni Sky kay Arabella.
Abort Juancho... now na...

"Uhmm... Ma'am Sky. Pwede bang sa labas muna ako?" Tanong ko. Please...

She waved her hand to dismiss me.
"Ibibili na lang kita ng Frappe sa Starbucks."
Para akong lollipop na didilian ni Arabella anytime. Literally na naglalaway siya habang nakatitig sa akin.

Nakilala niya kaya ako? I did my best para maging nerd sa paningin ng iba. At nagsuot pa ako ng malaking eye glasses para matakpan ang mga mata ko. Mata ko na gray ang kulay.

"Ang cute ng assistant mo." Narinig ko pang sabi ni Arabella bago ko isarado ang pintuan.
Kinilabutan ako.

So bukod kay Dakota, kailangan ko ding iwasan si Arabella. Ano bang ginagawa mo sa buhay, Juancho?!

Lady Boss (Completed)Where stories live. Discover now