Chapter 12- Juancho three

13.7K 463 29
                                    

Juancho

Bagong ligo si Kathy, sarap sakyan. Si Du-Kathy... linawin ko lang.

Nakailang tawag na si Sky sa akin pero hindi ko sinasagot. Alam kong ika-cancel niya ang date namin. Wala naman akong balak kanina na yayain siyang magdate, but when I saw her sa hospital room ni Margaux, ayun, bigla ako sinaniban ng pagiging romatic. Hindi ko na siya binigyan ng chance makatanggi.

Ano ang isusuot ko? Ugghhh... sa dami ng damit sa closet ko, wala akong mapili.

Casual...go for casual.
Anong klaseng casual? Metro casual? Street Casual? Korean Casual?

Leche... hihingi na naman ako ng tulong kay Dakota. Hinanap ko ang cellphone ko at hindi pinansin ang 5 miscalls galing kay Sky. Tinawagan ko ang babaeng Diablo.

Calling SheDevil...
Ring...Ring...Ring...

"Juancho...three...Juancho...three drink..." Kanta ni Dakota.
Pota... mali yata ako ng naisip na hingan ng tulong.
"Juancho...three...Juancho...three drink..." Inulit pa talaga. Iiyak si Sia kapag narinig si Dakota na kumanta.

"Sintunado, Dakota." Nayayamot na sagot ko.
Tumawa ng nakakaloko si Koko.
"Bakit, smooth operator?" She asked.
"Kasama mo pa si Sky?" Bulong ko na parang maririnig ako ng iba.
"Umuwi na." She whispered back. Di ba, hibang siyang kausap.

"Kailangan ko ng tulong." Napaupo ako sa sofa.
"Anong tulong?"
"Ano ang isusuot ko?"
"Ano bang meron ka?"

Nilagay ko sa video call si Koko.
"Nasa hospital ka pa?"
"Yup." She replied.

Pinakita ko ang mga damit ko sa closet kay Dakota.
"Let me see..." I heard Margaux said from the background.
"Go for Casual." Sabi ni Margaux.
"What kind?"
"Metro Casual so you will still look smart." Sagot ni Maragux.
"Ducati ang dala ko mamaya. Will metro casual still look fine with ducati?"
"Weehhh akala ko Mio lang dadalin mo." Sabat ni Dakota sabay tawa. Bwisit na babae ito. Tutulong ka ba talaga?
"You can pull that out. You are Juancho Aquitania for God sake." Margaux replied.

Whew... ang taas ng expectation niya.

Humanap ako ng mga blazer that will look classy yet casual. Nakaface-time pa rin ako sa dalawa habang tinataas ko isa-isa ang mga blazer...
"That one." Sabay na sagot ni Margaux at Koko.

Namili kami ng pants, ng shirt...pati shoes... sa closet ko.

"Sukat mo nga daw." Utos ni Dakota.

Mabuti na lang may stylist akong friend.
"Perfect..." Sabi ni Margaux ng sinukat ko ang mga pinili nila ni Koko.
All black... nothing will go wrong with classic black.
"Thank you." I told them.
"Enjoy your date with Sky." Sabi ni Dakota bago niya pinatay ang video call.

Parang graduation ball kung magpa-pogi ako ah. Nagspray ako ng perfume para hindi ako mag-amoy usok ng Metro Manila.

Do I need to give her flowers? Nah... not now.

Okay na lahat ng reservations ko, huwag lang talagang mamukhaan ako ng mga baliw na fans na magpa-picture.

Saktong 6pm ng nasa tapat ako ng condo ni Sky. I call her at siya naman ang ayaw sumagot sa tawag ko. Shit, iindianin niya ba ako?

Nakatatlong tawag na ako ng magsalita si Sky sa harapan ko.

"Sino tinatawagan mo?" Tanong niya.
Napatingin ako sa kanya at Jesus... Mas sexy pala siya sa denim na pants. Nakataasang isang kilay nito sa akin. Nakasuot din siya ng blazer.
"Yung ka-date ko." I replied. Tinago ko ang phone ko sa blazer.
Nakalugay ang buhok ni Sky at medyo kulot sa dulo. Hindi nawala ang high heels sa outfit niya. Ralph & Russo pumps, limited edition. Ang hilig niya sa limited edition.

"Have you ride a bike before?" Inabot ko kay Sky ang isang helmet.
She rolled her eyes. "No."
Ayus...

Sumampa ako sa bike at nilahad ko ang kamay ko para tulungan siyang makasakay.
"Hold on to me." I said.
Hinawakan niya ako sa balikat.
"No...not like that."
Kinuha ko ang dalawang kamay niya at nilagay ko sa bewang ko. Pinag-entwine ko ang kamay niya para mahigpit ang hawak niya.

"Did you do this on purpose? Talagang bike ang dinala mo para mayakap kita?" Deretsong tanong niya.
Hahaha... wala ka talagang ligtas kay Sky, Juancho.
"Not that I'm complaining, Sky. Ayaw ko lang matraffic tayong dalawa." Palusot ko.
"Now hold on tight."

"Yuan, kapag ako nalaglag sisisantihin kita." Banta niya sa akin.
"Yes boss."

Napayakap ng mahigpit si Sky ng magsimula kaming umandar. Good idea talaga ang bike sa first date...
Hahaha.

Lady Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon