Chapter 4- Lihim ni Juancho

17.1K 484 12
                                    

Juancho

"Yuan, huwag kang magtatransfer ng call sa akin. Haharapin ko lang ang mga manager." Sabi ni Sky sa akin. Uh-oh... someone is in trouble.
"Do you need me there?" I asked.
"No." Sagot niya. Tiningnan ko siya habang palayo sa table ko.

Naka-suit siya na navy blue at Christian Louboutin na nude stiletto. Sexy talaga...

Dahil wala naman akong kasama sa floor na ito, nakibalita ako sa fashion industry. Binuksan ko ang IG ko at sumagot sa ilang comments. Nag-email din ang dati kong manager at tinatanong kung magbabago pa daw ba ang isip ko. Floating ako ngayon... Walang manager pero maraming offer.

"Yuan... Nasaan si Sky?" Napatingin ako kay Margaux. Hindi ko siya narinig na pumasok sa floor namin.

"Wala Margaux. Nasa meeting. Hindi ko alam kung anong oras matatapos ang meeting niya." Sagot ko.

Oh shit... Kasama niya si Dakota at nakakunot ang noo sa akin.

Kaibigan ko si Dakota. Nakilala ko sa Canada. At dahil pareho kaming may dugong Pinoy, nagkasundo kami agad. At ito ang taong hindi ko maloloko kahit ano pa ang isuot ko. Kilala nya ako kahit magmaskara pa ako.

Lumapit si Dakota sa table ko at yumuko. Puta...patay na. Tapos na ang pagpapanggap ko.
Naiilang akong lumayo kay Dakota dahil ang lapit ng mukha niya sa akin.

"Ano nga ang pangalan mo?" Tanong ni Koko.
"Yu...Yuan." Nabubulol na sagot ko.
"Buong pangalan." Naniningkit ang mata ni Dakota.
"Yuan..." Sagot ko.

Ngumisi si Dakota. Busted na...

"Solve ang problem natin." Sabi niya kay Margaux at sabay turo sa akin.
"Hibang ka ba?" Nanlaki ang mata ni Margaux at parang aatakihin sa puso.

Pumasok si Dakota sa table ko at pilit tinatanggal ang salamin. Pinalo ko ang kamay niya at binatukan naman niya ako. Bwisit ka talaga, Dakota.

Mukha lang tikling si Koko, pero malakas yan. Nag-mu-muay thai kami eh dati ng sabay. Nakikipag-suntukan talaga siya sa trainers namin.

"May utang ka pa sa akin na rampa...Sinasabi ko sa iyo, Juancho!" Sigaw ni Dakota.

Naagaw ni Dakota ang salamin ko at ginulo niya ang buhok ko. Leche ka, ang tagal ayusin niyan... Napayuko ako para itago ang mukha ko. Umalis si Koko ng masigurong mukha na akong ginahasa sa gulo ng buhok ko.

"Juancho... Dito ka lang pala sa Pinas nagtatago." Nakangisi si Dakota.

Tumingin ako sa kanila ni Margaux. Si Koko feeling proud sa ginawa. Si Margaux naman, literal na napanganga.

"What do you want, Dakota?" Tanong ko sa kanya.
"Natatandaan mo ba na sinagip kita sa isang fashion show sa Milan?" Tanong ni Dakota.

Naningkit ang mga mata ko. Isusumbat mo na naman ang muntik na akong maset-up noon dahil nilagyan ng heroin ang bag ko at tinanggal mo? Hindi nga ako napaparazzi pero lagi iyon ang pang-black mail niya kapag may kailangan siya sa akin!

"Kailangan namin ng tulong. Nagback out si Tony sa fashion show sa makalawa." Sabi ni Dakota.  "Sapuhin mo."

"Iniwan ko na ang runway." I replied.
"Then, welcome back." Sarcastic na sagot ni Koko. Open arms pa talaga ang pa-welcome niya sa akin.

"Kaya pala si Superman hindi nakikilala kapag nakasalamin. Effective pala." Comment ni Dakota sabay tawa. Ewan ko sayo.

"Dakota... bakit ba nagpakita ka pa?" Kinuha ko ang salamin na sinuot niya. Wala akong pake kung masundot ang eye ball niya.
"Alam mo naman ang magkakaibigan, tinik sa lalamunan ng bawat isa... Tutulungan mo ba kami o isusumbong kita kay Sky?" Tanong ni Dakota.

"Hanggang kailan mo ako ibablackmail?" I asked back. Inayos ko ang buhok ko na ginulo ng Diablo.
"Hanggat hindi ka pumapayag." Sagot ni Koko.
"Bukas, last rehearsal. Pwede ka bang sukatan ngayon?" Tanong ni Dakota. Hindi na nakapagsalita si Margaux.

Siniko ni Koko si Margaux na mukhang ngayon pa lang natauhan.
"May dala ka bang tape measure?" Tanong niya.

"Magkano TF mo?" Nahihiyang tanong ni Maragux.
"Kung magkano lang ang ibibigay nyo kay Tony. Pero huwag nyong sabihin sa press... please." Sagot ko. Paano ko ngayon tatakasan ang mga press kapag nagpakita na ako na nandito ako sa Pinas?

"Okay." Napabuga ng hininga si Margaux. "Thank you. Sinagip mo talaga kami."

Pinatayo ako ni Margaux at sinukatan.
"Para kang tanga sa suot mo, Juancho." Deretsang sabi ni Dakota.
"Bakit ba naging kaibigan kita?" Naiinis na tanong ko kay Dakota.

Tumawa lang ang kampon ng Diablo.

Kinabukasan, nagpaalam ako kay Sky na uuwi ako ng maaga.
"May lakad lang ako, maam." Paalam ko.
"Ikaw? May date?" Nagtatakang tanong niya.
"Nakakapagtaka ba?" Biro ko.
"Sige, umuwi ka na." Sabi ni Sky at nagpatuloy sa ginagawa sa laptop niya.

Hindi man lang tinanong kung sino kasama ko... walang pakialam sa welfare ko.

Umuwi ako sa penthouse at nagshower saglit. Iniwan ko ang kotse kong pang YUAN na Honda Jazz at kinuha ko ang susi ng Ducati ko.

I parked my bike sa parking space at nakayukong pumasok sa venue na minessage sa akin ni Koko. Nagkagulo na ang mga local models ng makilala ako ng pumasok ako sa back stage.

"Hi... Have you seen Dakota?" Tanong ko.
"Nasa labas, kausap si Maam Kaye." Sagot ng isang model na parang si Arabella kung tumitig sa akin.

Pinakilala ako nila Koko kay Maam Kaye, mommy ni Margaux.

"Finally... Tita, sorry si Juancho Aquitania lang ang nahatak namin." Pang-aasar ni Koko sa akin. Nilalang ako ng sira-ulo.
"Are you kidding me? Top model sya. Hi...Juancho. Thank God, you said yes." Sabi ni Maam Kaye.
  "Hindi po ako makatanggi sa dalawang ito." Sagot ko. Abot-abot na pangbablack mail po ang ginawa nilang dalawa.

After ng rehearsal, nagkwentuhan muna kaming tatlo nila Koko at Margaux. Nakaupo kami sa dulo ng runway habang nag-aayos ang banda na tutugtog para bukas.

Iyon pala ang iniiyakan ni Margaux.

"Hindi ka naman pala suplada." Sabi ko kay Margaux.

Napangiti siya ng bahagya.

"Sa aming tatlo nila Sky, si Margaux ang laging mayroon, HINDI NAMAN SIGURO, sa tuwing may pag-uusapan kaming ibang tao. Lagi siyang may benefit of the doubt. Hindi ko nga maintindihan bakit iba ang tingin sa kanya, eh mas savage si Sky kung magsalita." Sabi ni Dakota.

"Totoo." Sagot ni Juancho. "Pero huwag nyo akong isumbong baka mawalan ako ng trabaho." Birong totoo ko.

Napaka-straight to the point ni Sky na hindi kayang pakinggan ng ilan sa opisina. Ramdam ko ang sincerity ni Koko habang nagsasalita siya about Margaux. Ang ganda ng friendship nila.

"Sana, hindi buhay ko ang usapan natin." Sagot ni Margaux pagkatapos magdialogue ni Dakota. "Masyadong malungkot."

"May ipapakilala ako sayo Margaux." Hirit ko para maiba ang usapan.
"Huwag na. Baka churva na naman yan." Biglang sagot ni Margaux saka nagtawanan kami.

Napatingin ako sa likod ko dahil pakiramdam ko may nakatitig. Yung vocalist ngbanda, masama ang tingin sa akin.

Tatanga-tanga ka eh... Tapos ngayon, titingin-tingin ka ng masama sa akin? Kung tarantado lang ako, nangisay ka sa selos ngayon, gago ka.

———————
A/N
Aba Juancho... sutil ka pala bebe.

Lady Boss (Completed)Where stories live. Discover now