Epilogue

20.8K 576 76
                                    

Sky

So far according to Margaux kakaunti pa lang ang nakakaalam sa lagay ni Mia. So bali si Jaxx at Margaux, si Dakota, ako at si Yuan. Syempre si Ralph at Mia kasi sila ang may gawa ng kalokohan na ito. Hindi ko maimagine kung saan ilalagay ni Mia ang apat na anak. Si Ate Summer nga na medyo katangkaran nahirapan sa triplets. Baka dalawa sa tiyan, tig-isa sa boobs... Hay ewan. Dami ko ng problema sa office dumagdag pa yang quadruplets sa iniisip ko.

Naging malapit si Margaux at Mia at kahit medyo bad trip pa si Jaxx kay Mia, tinulungan nila sila Ralph at Mia na magprepare sa big day na ito. Nandito lang naman kami ni Dakota para sa moral support. Syempre chismis is life. Kahit ang parents ni Ralph hindi alam ang nangyayari.

"Kaya nyo yan..." I said. Ang daling sabihin.
"Kinakabahan ako." Sabi ni Mia na mukhang masusuka na naman. Naka-ilang suka na ba siya.
Si Jaxx at Yuan ang kumakalma kay Ralph. Nilalasing yata nila si Ralph...hahaha. Sorry, natatawa kasi ako.
"Nasusuka ka ba ulit? Baka isuka mo na ang bituka mo." Sabat ni Dakota.
Hindi mo alam kung nakakatulong si Koko. Alam mo yung hindi mo alam kung nang-iinis ba siya o concern talaga. Baka in between.

OMG... bakit biglang dumating ang mga Titos and Titas!
"Oh my God... why they are here? Why all of them?" Naiyak si Mia sa nerbyos.
"Mas okay yan kasi may back up kayo. Kunsintidor ang mga yan lalo na ang mga Titas pagdating sa lovelife." Buyo ni Margaux.
I talked to Margaux silently... "What?" I said without voice.
"I don't know what to say." She replied without voice too.

Lumapit sa amin sila Ralph na mukhang namumutla...
"Okay ka pa ba Ralph? Mukha kang hihimatayin." Tanong ni Dakota.
Huminga ng malalim si Ralph.
"Samahan nyo kami." Pagmamakaawa ni Mia kay Margaux.
"Halika na...Samahan na natin sila. In case ba na himatayin si Tito Mark, sasapuhin ko na lang." Biro ni Yuan. Natatawa kami maliban kay Ralph at Mia.

Nakaisip ako ng way para marelax muna sila... Ipapakilala ko si Yuan officially. Tama... Eh kaso dumami ang grupo. Dumating ang mga first batch at second batch.
"Tang-ina, ano ito, fiesta?" Tanong ni Ralph.
"Tara... Ipapakilala ko din naman si Yuan kina mommy."
"Huwat... Hindi ako handa, babe."
Hindi daw siya handa... Lecheng ito, parang laging nasa runway ngayon. Hindi na daw niya kailangang magdown grade at girlfriend na daw niya ako. So ganito pala talaga siya in real life. Parang may pictorial lagi. Tangina... international top model ang boyfriend ko, hindi ako aware.

Hindi ko akalain na dadating ang araw na tutulungan ko si Mia. Baka kung sinabi nyo sa akin ito last year baka nakatikim ka ng mainam-inam na sermon sa akin.

Holding hands kami ni Yuan na lumapit sa table... sa malaking tumpok ng table.
"Dad... may papakilala ako sa iyo." Nahinto naman ang kanya-kanyang ingay sa table. Natingin si daddy sa holding hands namin ni Yuan. Nakijoin naman sa kumpol sila Margaux, Jaxx, Dakota, Mia at Ralph. Tumabi sila sa second batch.

"Daddy, mommy, si Yuan po. Boyfriend ko." I said.
"Good evening po." Bati naman ni Yuan.
"Eh lagyan mo na ng helmet at baka mauntog pa yan." Sabat ni Tito Mark na ikinatawa naman ng mga Titos at Titas. Sarap patulan ni Tito Mark. Naku Tito Mark, ewan ko kung makatawa ka mamaya.
"Alam mo na, kapag niloko mo si Sky..." Tinuro ni daddy si Tito Red.
"Tropa po kami ni Tito Red." Kwelang sagot ni Yuan na ikinatawa ni Tita Marie at nangiti si Tito Red. My God, tropa nga ba sila?

"Sky, ano daw motif nyo sa kasal? Pinapatanong ni mommy mo." Biro ni Tita Merjie. Nakangiti naman si mommy.
"Matagal pa." I replied.
"Text ko po sa inyo, Tita." Sabat ni Yuan. Natawa si Tita Bella at Tita Merj.
Lahat na lang naging tropa ni Yuan. Kung maka-high five sa lahat parang matagal na siya dito.

Nagkakasenyasan kami, it's time para sa pasabog. Tumayo nga si Yuan at pumuwesto kina Kiro. Malapit kay Tito Mark. 'Tong boyfriend kong ito, handa ngang sumapo ng hihimatayin. Tumayo si Ralph at Mia.
Alam mo yung mga ito kapag may chismis na naamoy biglang tumatahimik. Eh di ang awkward para kay Ralph at Mia dahil tumahimik na naman ang buong grupo ng kumpulan.

Lady Boss (Completed)Where stories live. Discover now