Chapter 15- Simplehan mo Koko

14.1K 467 29
                                    

Sky

Professional naman si Yuan. Hindi naman siya malandi kapag oras ng trabaho. Napapansin ko lang na dumadami ang bumibisita sa floor ko. Aren't they suppose to stay away from my floor?

"Yuan..." Nahinto ako sa sasabihin ko ng pagbukas ko ng pintuan ko, nakatambay ang bagong Manager ng HR sa table ni Yuan.
"Yes, Maam?" Tanong ni Yuan.
Tinitigan ko ang bagong HR manager at tumingin ako sa relo ko. Alas tres pa lang.
"Undertime ka ba?" Tanong ko sa HR.
"No Maam. Meron lang akong binigay kay Yuan." She replied.
"How appropriate naman for you na ikaw pa ang nagbigay. Can you go back to your work station?"
"Yes maam. Sorry po." Sagot niya.

Tinaasan ako ng kilay ni Yuan.
"What?"
"Wala maam." Nagpipigil siya ng tawa. "May kailangan ka sa akin?"
Nakalimutan ko tuloy ang sasabihin ko.

"Nakasimangot ka na lang palagi." Dakota sang in her out of tune voice.
Napabuntong hininga ako at ngumiti ng makita si Margaux na nasa likod ni Koko na mabagal maglakad.

"Napadaan kayong dalawa? Aren't you suppose to be in bed?" Pinamewangan ko si Margaux.
Umiling siya.

"Hi...Yuan." Bati ng dalawa sa assistant ko.
"Hello. Margaux, bakit gumagala ka na?" Tanong ni Yuan sa kanya.
"Naiinip ako sa bahay." She replied.

Pumasok kami sa office ko at sumigaw si Dakota bago sumarado ang pintuan.
"Yuan, pengeng tubig. Yung malamig. Yung kasing lamig ni Sky." Sabi niya.
Gusto kong batuhin ng Miu Miu kong shoes si Dakota.

"Kamusta ang manliligaw mo?" Bulong ni Margaux ng makaupo kami sa sofa.
I rolled my eyes. Makikichismis pala ang dalawa, nagpunta pa dito. It's been weeks after ng first date namin at hindi ako nagkukwento sa kanila.

"Okay lang. Professional naman siya." I replied.
Nanunuksong tumango ang dalawa. Pumasok si Yuan na may dalang tubig. Nilapag niya sa center table ang bottled water. Paalis na si Yuan ng bumukas ang pintuan at pumasok si Arabella na naka-yello na dress.

"Shit..." Bulong ni Yuan.
Nagningning ang mga mata ni Ara ng makita si Yuan.

"Hi... Bago ka dito?" Tanong ni Ara kay Yuan.
"I'm Arabella." Nilahad ni Ara ang kamay niya.
"Hello." Sagot ni Yuan at iniwasan si Ara para makalabas siya. Pero hinarangan ni Ara ang dadaanan niya.

"Hindi mo pa sinasabi ang name mo." Nag-pout si Arabella. Akala niya bagay sa kanya. Jusme.
"Yuan."

Napasinghap si Arabella... I wish na kapausin siya ng hininga at bumulagta na lang sa floor. Pero hindi nangyari...
"Yuan!... Oh gosh, hindi kita nakilala." Tumalon si Arabella at yumakap kay Yuan.
Tawa ng tawa si Dakota... Si Margaux hindi makatawa ng malakas.

"Arabella." Sigaw ko.
"Oh, hi Sky." Sabi niya. Bumitaw naman ang babaeng sandok pero nakaangkla sa braso ni Yuan.

"Yuan, sige na. Bumalik ka na sa table mo." Utos ko.
"I will come back." Sumunod si Arabella palabas.
"Yuan..." I called him back.
"Yes?"
"Doon ka sa table ko at ikaw Ara, come here. Para kang sisiw sa kabaong diyan sa suot mo."

Tumawa si Yuan at Dakota. Si Margaux, nagsha-shake ang balikat sa kakatawa.

"Maam, pasign in." Paalam ni Yuan.
Tumango ako sa kanya.

"Yuan, bagay kang maging boss." Ara commented. Sapakin ko kaya itong si Ara.
"Ano ang kailangan mo, babaeng sisiw?" I asked Arabella.
"Grabe... Cute kaya ng dress ko." Umikot pa si Arabella sa harapan namin.

"Gurl... para kang pokemon." Nakangiting comment ni Dakota.
"Di ba... ang cute. Parang si Pikachu." Sagot naman ni Arabella.
"Masyadong cute si Pikachu..." Kunwari nag-isip si Koko. Hindi alam ni Arabella na nilalait na siya ni Dakota. Kung todo smile pa siya.
"How about jiggly puff?" Hopeful na tanong ni Ara.
Umiling si Koko. "Kulay pink yun eh." She said.

Anong kalokohan ito, Dakota?

"Alam ko na... Para kang si Foongus." Sabi ni Koko. Napanganga si Arabella.
Si Koko, kapag nanglait hindi halata. Nagtakip ng throw pillow si Margaux. Si Yuan, nadukmo sa table ko.
Ano akala mo kay Arabella, buni? Foongus daw. Sira ulo itong Dakota na ito.

Tumayo si Koko at tumabi kay Arabella. Nagmukhang Avatar lalo si Koko.
"Para kaming Mario brothers... yes..." Nakipaghigh five pa si Koko kay Arabella. Friends ba sila?
"Ako si Luigi..." Koko said.
"At ako si Mario." Sabat ni Arabella.
"Hindi... ikaw yung mushroom. Yung nagbibigay sa akin ng tangkad." Ang inocente ng mukha ni Dakota.
Naguguluhang tumingala si Arabella sa kanya. Hahaha...

Hindi na nakabawi si Margaux sa pagkakatakip ng unan. Si Yuan naman, tinakpan niya ang bibig niya para hindi tumawa ng malakas.

"Ikaw yung nagbibigay lakas sa mga nangangailangan." Dagdag pa ni Dakota.
Inakbayan ni Dakota si Arabella at mukhang papatayin sa pagkaka-akbay niya. Nasakal eh...
"Ay sorry...sorry!" Inayos ni Koko ang damit na nagusot ni Arabella.
"Ayan para ka ng model."

"Really... Baka naman may gig ka, isama mo naman ako." Hopeful na tanong ni Ara.
Naupo si Dakota sa tabi ko at nag-isip na naman.
"Tanong ko sa agent ko kung merong open sa Moose Gear. Balitaan kita." Dakota said.
Hindi na namin napigil ang tawa... Si Yuan namula na sa kakatawa sa table ko. Infairness, bagay nga sa kanya ang maging boss.

Tarantadong Dakota ito... Simpleng savage ang gaga.

Lady Boss (Completed)Where stories live. Discover now