Chapter 19- Level Up Yuan

14.2K 456 13
                                    

Juancho

"Hindi ko inexpect yun ah." Hinihimas pa si Kiro ang leeg niya. Nakatambay kami sa bahay nila Jacob. Nameet ko na din ang daddy niya na parang tinakasan na ng kaluluwa dahil sa sobrang lakas ng dating at kapag sinabi kong sobrang lakas... parang si kamatayan ang nakipagkamay sa akin kanina.

Nalaman ko na din ng kaunti ang family tree nila. So si Tito Kyle ay kapatid ng asawa ni Red Sebastian. Na mukhang hindi ko gustong makaharap pero ang usap-usapan ay mabait naman daw.

"Sama ka na kasi sa laban ko..." Hindi pa rin tumutigil si Jacob sa kakakumbinsi sa akin.
"Hindi pwede." I replied.
"Sus... iniingatan mo yang mukha mo... Pakaarte mo din talaga."
Nagtawanan sila Kiro at Gabriel. By the way, son in law ni Red Sebatian itong si Gab at cousin in law naman ni Jacob. Tangina talaga. Parang normal na tao lang kung makatambay ngayon.

"Bakit takot mga tao sa iyo?" Tanong ko kay Kiro na ikinatitig niya sa akin. Akala ko bibigwasan ako.
Tumawa si Jacob at Gabriel.
"Ginagawa kasi siyang boogie man." Sagot ni Gabriel.
"Nagsimula yan nung pinutulan niya ng ulo ang tito nya. Nabalita yun sa underground." Sagot ni Jacob at tinaas ang dalawang kamay ng sa kanya naman tumitig si Kiro.
"Pinatay niya tatay ko sa harapan ko." Sagot ni Kiro.
Napalunon ako ng buong laway.

"Ikaw, ano drama ng buhay mo?" Biglang tanong ni Gab.
"Iniwan ako ng nanay ko. Hindi ko nga siya kilala eh."
"Gusto mong hanapin?" Tanong ni Jacob.
Umiling ako. "Basta hindi kami magkapatid ni Sky, okay na ako dun."
Napangisi ako ng matawa sila.

"Lakas ng tama mo kay Sky." Binato ako ng damo ni Jacob.
"Sadista 'tong gago na ito. Mas gusto yung masungit." Kiro commented.
"Kaysa naman kay Dakota." I said sabay tingin kay Jacob na tumaas ang kilay.
"Ang bully kaya nung babae na yun. Naglagay siya ng palaka sa filter ng water fountain sa school namin when we were in Canada para makaganti. Muntik ng sumuka ang buong school ng makita ang palaka na naaagnas na after weeks. At walang nakakaalam na siya ang naglagay. Bukod tangi kaming hindi umiinom sa water fountain na iyon. Buti nga sinabi niya sa akin. Kung hindi, baka puro kulugo ang lalamunan ko." Pagkukwento ko sa kanila. Tawa sila ng tawa sa kalokohan ni Dakota.

"Simpleng sutil yang si Dakota. Dinadaan sa pacute kaya nakakaligtas sa mga ginagawa niya."

"Ako na naman ang topic mo...Juancho." Sigaw ni Dakota. Hindi ko napansin na nasa sidewalk siya. Si Jacob biglang naging...tangina...cold.
"Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Dakota.
She rolled her eyes.
"Nachika ko kay mommy na nandito ka. Doon ka daw kumain ng lunch sa bahay. Nasabi ko na din yung pangpapanggap mo."
"Tado ka. Hindi ako nagpapanggap." Sira-ulong 'to. "Bakit ba hindi ka lumapit? Kami pa bang apat ang mag-aadjust sa iyo?"

Alanganing lumapit si Dakota sa amin at binatukan ako pagkabati niya kay Kiro at Gab. Hindi pinansin si Jacob... Hmmm...
"Kailan mo pa sila naging tropa? Bakit hindi ko alam?" Sumbat agad ni Dakota sa akin.

"Magaling kasi yung kaibigan mo eh. Tinatakot ako. Eh di sabi ko, hahanapin ko ang mga Knights na yun at totropahin ko."
Natawa si Koko. "Kaya pala bad trip si Sky kanina. Ayaw pa naman ng natatalo nun."
"Parang may pa-obstacle course si Sky sa akin..." I said at napatawa ng bahagya si Gab at Kiro.
"Ano pa sabi sa iyo?" Curious na tanong ni Dakota.
"Na business partners daw daddy niya at ang Leader ng Knights."

Tumango si Gab. "Si Daddy... daddy ng asawa ko." Sabi ni Gab.
"Hindi ko kayang tropahin yun." Umiling ako.
"Tanga, hindi talaga yun... Pero si Tito Marcus, kaya." Sagot ni Dakota.
"Sino yun?"
"Daddy ni Kuya Gab. Kulang ka sa research amputa. Si Tito Red ang Leader... meron silang apat na Pillars... Si Tito Kyle, si Tito Ace, si Tita Abby at si Tito Marcus. Sila ang kasama sa nagbuo ng Organization. Tama di ba?"
Tumango si Gabriel. Tangina...ano ang Pillars?

"Ngayon, merong Knights of the Leaders... silang dalawa yun at ang mga kasama nila." Turo ni Koko kay Kiro at Gab. Nakatingin lang sa kanya si Jacob na binabali-wala niya. Hindi niya alam na Knights si Jacob? Secret Knight nga pala siya.
"Tapos yung mga Shadows. Yung mga chismosa na alam ang lahat." Dagdag ni Koko. Natawa ng bahagya si Kiro at Gabriel.

"Oh tapos?" Naguluhan ako sa sinabi niya.
"Kung tropa mo na si Tito Marcus which is tropa ng lahat... madali mong makakausap si Tito Cloud, ang daddy ni Sky. Ulol ka, panay ka puso wala kang diskarte." Binatukan na naman ako ni Dakota.
"Bakit ba naging kaibigan kita Dakota? Sinusumpa ko ang araw na nagkatabi tayo sa school bus at kinausap kita." Hayop...analog utak ko.

"May point si Dakota." Kiro said.
Napatigil si Dakota ng magsalita si Kiro.
"Ughh...thanks?" Hindi sure si Koko kung kailangan nya pang sumagot.
"Ehh ano pa tinatambay natin dito? Mag-aya na tayo ng inuman." Nilabas ni Gab ang cellphone niya at nagmessage.
"Sige... sa Club Zero mamayang alas quarto." Tumayo si Kiro at pinagpag ang pants na suot.
"Baka nagpapaalam ka pa lang manligaw kay Tito Cloud, nagpeprepare na si Tita Yumi sa kasal ninyo ni Sky." Gab commented.

Napangisi ako.
"Parang gusto ko yang idea na yan."
Nakipag high five si Gab sa akin.

"Sarap naman Tita..." Ang dami ko ng nakain. Panay bigay ng food ni Tita Bella saplato ko.
"Kumain ka lang. Si Koko hindi yan kakain. Parang pusa kung kumain yan."
I saw Dakota made face. Ito ang perks ng friendship namin ni Koko, para na rin akonganak ni Tita Bella. Which is sobra kong pinagpapasalamat dahil wala nga akongmommy.

"Hindika ba nagpakilala kay Sky? Baka magalit pa yun sa iyo kapag nalamang ikaw siJuancho." May halong pag-aalala ang sabi ni Tita Bella.
"Dalawang beses ko ng pinakilala si Juancho kay Sky... Hindi niya talaga matandaan. Or rather, hindi niya talaga pinansin si Juancho." Tumatawang pagkukwento ni Dakota.
"Don't worry... back up mo ako. Kaibigan ko ang mommy ni Sky." Tita winked at me.

Oh... this will be exciting.
"Next level na ito ah Juancho. Binata ka na boi." Pang-aasar ni Dakota.
"Excited na akong gumawang wedding cake ninyo..." Sabi ni Tita...
Nabitin ang pagsubo ko ng pasta... Tumawa ng malakas si Dakota.
"Nanliligaw pa lang mommy."
"Doon din yun papunta." Tita Bella replied.

Naku Sky... Level up na naman ako.

Lady Boss (Completed)Where stories live. Discover now