Chapter 23- Damohong Dolor

13.8K 441 30
                                    

Sky

"Ako nga. Kamusta ang feeling ng isang helpless?" Nanunuya pang tanong ni Dolor.
Mag-aaral na ako ng lecheng self defence na iyan. Bakit hindi gumagalaw si Yuan? Nakataas lang ang dalawang kamay niya. Nawala ang takot ko at napalitan ng inis at galit. Kapal ng mukha ng Dolor na ito. Tinanggal lang ang bangs akala mo maganda na.

"Huh! Sino ang helpless? Not me, Dolor. Parating na ang mga pulis, tanga." Sagot ko. Lumapit ako ng kaunti kay Yuan. Pucha, abot mo ba silang dalawa?
Tumawa si Dolor. "Mayabang ka pa rin." Sabi nito sa akin.
"Isa kang baliw."
"Dahil sa iyo, natanggal ako sa trabaho..." Sigaw ni Dolor sa akin.
"Dahil baliw ka." I shouted back.

Lumapit si Dolor sa akin at tinutukan ako ng baril. Pero medyo shunga si Dolor. Nakita kong wala sa gatilyo ang daliri niya. Ano 'to props lang? Kaya sinipa ko ang pekpek niya. Tangina niya... At doon gumalaw si Yuan. Mabilis niyang natuhuran sa mukha ang lalaking nakatutok ang baril sa kanya.

Si Dolor naman ay namalipit sa sakit kaya pinagsisipa ko siya habang nakikipagsuntukan si Yuan sa dalawang lalaki. Ay sa isa na lang pala dahil tulog na ang tinuhuran niya sa mukha.

Hinawakan ko sa buhok si Dolor at iniuntog ko sa pavement.
"How dare you?!" Sigaw ko. Nabali ang kuko ko na lalong nakapagpainis sa akin.
"Leche kang punyeta kang malandi kang Dolor ka."

Yung takong ng sapatos ko ang pinangsipa ko sa noo ni Dolor. Gusto kong ibaon ang takong ko.
"You fucking bitch..." Sigaw ko kay Dolor na kumakawagkawag sa sakit.
"Ipapatumba talaga kita. Sira ulo ka. Gantong mainit ang ulo ko at hindi pa ako kumakain, sumabay ka pa talaga."

Hinawakan ko ulit sa buhok si Dolor at iniuntog ko ulit sa semento.

"Ang dami ko ng problema, poproblemahin ko pa ang pagpapatumba sa iyo. Mahilig ka talagang dumagdag, hayop ka."

Hinawakan ako ni Yuan sa bewang at inilayo kay Dolor na wala na palang malay. Teka, napatay ko ba siya?

Naririnig ko na ang sirena ng mga pulis. Kung kailan tapos na saka sila dadating. Tinamaan ng mahusay... Bwisit! Binitawan ako ni Yuan ng kumalma na ako at sure siyang hindi ko na tutuluyang patayin si Dolor.

May sugat sa kilay si Yuan at umaagos ang dugo sa mukha niya.
"Shit... Sino ang nakatama sa iyo?" Sigaw ko sa kanya.
"Okay ako. Si Mang Dan ang may tama ng baril..."

Oo nga pala... Yung driver namin.

Walang malay si Mang Dan ng tingnan namin ni Yuan. May pulso pa siya at mukhang hindi naman malala ang tama.

"Oh...tapos na?" Napatingin ako sa bagong dating sakay ng motor. Si Jacob.
"Tangina boi, dumugo ang kilay mo." Nakatawa pa ito ng makita si Yuan. Sira ulo din itong Jacob na ito. Nakuha pang tumawa.

Dumatinga ng mga pulis at nilagyan ng posas ang mga tarantadong halang ang mga kaluluwa. Nilagay sa stretcher si Mang Dan at dinala sa hospital. Kinuhanan naman kami ng statement ng investigator habang ginagamot ng medic si Yuan. Ayaw niyang magpadala sa hospital. Maiiwan daw akong mag-isa... Sweet.

Dumating si Tito Kyle kasama si Kuya Chase, Sakura at si Gabriel.
"Sky..." Niyakap agad ako ni Kuya pagkakita sa akin.
"Yung lecheng assistant mong si Dolor ang may pakana nito." Hindi talaga mawala ang galit ko sa nangyari.
"Balato nyo na sa akin si Dolor." Sakura said to Tito Kyle.
"Hindi pwede. Shadow ka, nene." Sagot ni Jacob sa kanya.
"Tanginang yan... Matagal na akong gigil na makita yun." Sabi ni Sakura.

Wala akong nagawa ng isinama akong pauwi ni Kuya Chase sa Country Club. Kulang na lang ikulong ako ni mommy ng malaman ang nangyari.
"Hindi ka muna papasok." Mommy said with finality.
"Ma, marami akong trabaho." Katwiran ko.
"Hindi mauubos ang trabaho, Sky." Pangaral ni daddy. "Magpahinga ka."

Nabalita sa news ang nangyari pero hindi binanggit ang pangalan namin nila Yuan at Mang Dan. Pinablock out ang name namin sa media. Nasa kwarto ako ng maisipan kong kamustahin si Yuan.

"Yes, maam."
"Kamusta ka? Yung sugat mo?"
"Hmm... okay naman ako. Ikaw?
"Grounded." I murmured na ikinatawa ng bahagya ni Yuan. Natahimik naman ako.

"Sky... I was worried earlier." Sabi niya.
"I was not." I said honestly. "Alam kong nandoon ka. And somehow...I know you will protect me. Thank you for saving me."
"You know I will do anything for you... But I was worried that Dolor will fire her gun on you."
I snorted.
"Hindi naman siya nakahawak sa trigger." I told him.
Natawa ng bahagya si Yuan.

"So...hindi ka papasok bukas?"
"Malabo... work from home ako. Ayaw akong palabasin ni mommy. Kaloka."
"Eh di, hindi ako makakasilay sa iyo bukas?" Tanong ni Yuan.
I rolled my eyes but smile never the less.
"Magday-off ka rin bukas. Magpahinga ka. We had too much shit earlier. Quota na tayo kanina."
"Kung magda-day-off ako bukas, pwede kitang puntahan?" He asked.

"Magpahinga ka, Yuan." I insist.
"Mas gusto kitang makita, Sky."
"Ihhhh...Bahala ka nga."
I heard him chuckled. "Okay, see you tomorrow. Goodnight. Sleep well."
"Ohhh...kay. Bye."

Why my heart is beating fast? Shit...
Dali-dali kong tinawagan si Dakota...

"Hello...bruh..." She answered on the third ring.
"Koko... bakit ako kinakabahan?"
"Aba malay ko sa iyo? May nangyari ba?"
"Kanina..." Then I told her what happened to me and Yuan and to Mang Dan.
"Hayop na Dolor yun..." Sabi ni Koko.
"Pero kanina pa yun... Ngayon lang ako kinabahan." I said.
"Bakit ba? Ano ba iniisip mo?"

"Sabi ni Yuan... see you tomorrow." I muttered.
Natahimik si Dakota.
"Koko? Nand'yan ka pa?"
"You were talking to him ng kinabahan ka?" She asked. Tumango ako bago ako sumagot.
"Yeah."
Tumawa si Dakota. "You are inlove with him!" She exclaimed.
"Kagaga mo namang kausap. Bye na nga!"

Pinatay ko ang call kay Dakota. Hindi ko siya makausap ng matino, I miss Margaux. Umuwi ka na Margaux!

Lady Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon