Chapter 20- Patient

14.2K 474 76
                                    

Juancho

Biglang ang dami kong friends... Nagtawag talaga sila at parang fiesta.
"Ang tropa mo talaga, si Jacob?" Tanong nung Rome.
Tumango ako habang tumutungga ng beer. Tahimik si Jacob na nakikinig lang. May sarili talaga mundo itong tao na ito.
"Nga pala. Salamat sa pagtulong kay Margaux noong nabaril siya." Biglang pag-iiba ni Rome.
Pinsan nga pala ni Margaux ito.
"Wala yun. Kaibigan yun si Margaux." I replied. Tumango si Rome.

Eto na, dumating na si Chase kasama si London at ang hindi ko akalain na tatay ni Gab. Kala ko puti ang tatay niya.
"Oy, Chase..." Bati ko. Tinitigan ako ng masama ni Chase.
"Sir Chase pala." Pagtatama ko. Doon pa lang tumawa si Jacob. Kala ko tulog na sa tabi ko.
"Tauhan mo?" Tanong ng daddy ni Gab kay Chase.
"Assistant ni Sky." Sagot naman ni Chase.
"Aba... Magaling pipili ng assistant yang kapatid mo. Di mo katulad..." Tito Marcus commented. Mukhang tropa na kami ni Tito Marcus ah.

"Ano pangalan mo bata?" Tanong ni tito Marcus sa akin.
"Juancho po. Pero Yuan na lang. Nakaka-lolo ang pangalan na binigay sa akin." I joked.
"Oo nga. Mas bata pa ang pangalan ko sa iyo." Sakay naman ni Tito Marcus.

Ilang bucket ng beer ang lumipas at ilang kwentong buhay na din ang mga naishare, tinablan na ako ng kaba ng dumating si Tito Cloud. Ang daddy ni Sky.

"Yan tayo eh... alas quarto ang usapan, late ka na naman." Umupo si Tito Cloud sa tabi ni Tito Marcus at sa mismong harapan ko talaga. Tinungan ako ni Tito Cloud at kumuha ng beer. Ang dami ng Titos na kasama namin sa table. Hindi ko na nga matandaan ang pangalan ng iba. Yung daddy ni Jacob, tahimik lang din at nakikitawa lang sa kwentuhan.

"Tito, may sasabihin daw si Juancho sa iyo." Muntik na akong sumuka ng dugo sa pagkakatapik ni Jacob sa likod ko.
"Sino si Juancho?" Tanong ni tito Cloud.
"Ako po. Yuan po palayaw ko. Yuan Aquitania." Formal na pagpapakilala ko. Nakipagkamay pa ako, kulang na lang magmano na ako.
"Ano sasabihin mo?" Tanong ni Tito Cloud. At parang dumaan si San Miguel dahil biglang tumahimik ang buong table namin. Puta kinabog na naman ako ng kaba.

"Sir... nanliligaw po ako sa anak ninyo." Sabi ko sabay lunon ng laway. Nanuyo ang lalamunan ko.
"Kay Star?"
"Kay Sky po." Hala... bata pa si Star.
"Putang..." Tinakpan ni London ang bibig ni Chase.
"Kay Sky..." Biglang tumawa si Tito Cloud. "Goodluck." Sabi niya.
Luh!... pati tatay niya ginu-goodluck ako. Mga ilang obstacle pa kaya ang aabutin ko?

"Tarantado ka... Assistant ka ng kapatid ko eh." Eto na ang kuya. Matindi pa sa tatay.
"Sir, with all due respect... wala akong pinirmahan na contract na may fraternization clause." Katwiran ko.
"By law, kung wala sa contract, considered as pwede." For the first time sumabat si Tito Kyle.
"Makinig ka sa abugado, bata... Relax lang." Kinalma ni Tito Marcus si Chase.

Natatawa ang ibang kasama namin sa table.

"Ano ipapakain mo kay Sky? Bagang?" Tanong ni Tito Neil sa akin tapos nagtawanan sila.
"Tangina, parang iyon ang sinabi sa iyo dati ah." Biro sa kanya ni Tito Marcus.
"Kailangan maiganti ko yun. Wala akong anak na may manliligaw na mabubully. Tangina, sarap sa feeling." Sagot ni Tito Neil. Pati si Tito Cloud tumatawa.

Eto na yung kailangan ko ng kaunting yabang... Natanaw ko si Tito Frank kaya kinawayan ko. Kailangan ko ng referral.
"Oy... nandito ka nga. Musta Juancho?" Bati ni Tito Frank sa akin.
"Kilala mo?" Tanong ni Tito Cloud kay Tito Frank.
"Oo... parang anak na namin ni Bella yan. Kaibigan ni Dakota. Kasama niya sa pagmomodelo." Sagot ni Tito Frank. Nice...
"Eh kung modelo ka bakit ka naging assistant ni Sky?" Tanong ni Chase.
Magandang tanong yan. Eh di kinuwento ko sa kanila na may allergy si Sky sa modelo at hindi ako pinapansin kaya pumasok ako sa company nila.

Mukhang idedemanda ako ni Chase pero tumatawa lang ang tatay niya. Mas cool pa yung tatay niya sa kanya. Chill man...

"Ang sa akin lang Yuan, huwag mong lolokohin ang anak ko." Seryoso at may halong pagbabanta na sabi ni Tito Cloud.
"Pangako po. Sinabi nya na po na sanggang dikit niyo si Sir Red Sebastian."
Natawa sila ng bahagya.
"Mainam...mainam... Nagkakaintindihan tayo." Tinaas ni tito Cloud ang bote niya at nagcheers kami.

"Hindi maganda yang ginagawa mo. Boss mo pa rin ang kapatid ko." Sabi ni Chase.
"Hindi pa natitinag ang Big Boss mo..." Sulsol ni Tito Neil.
"Sir, makakagaan ba sa loob mo kung magreresign ako?" Kalmadong tanong ko.

"Sino ang magreresign?" Sabat ni Dakota... "Hello mga boys and Titos...and daddy."
Tinuro nila akong lahat.

"At bakit ka magreresign?" Nakataas ang isang kilay ni Sky.
Hello baby...
"Ayaw payagan ni Chase na manligaw sa iyo..." Tukso nila.
Bumaba ang kilay ni Sky at napatingin siya sa daddy niya.

"Hanga ako...lakas ng loob. Nililigawan ka." Tukso ni Tito Cloud kay Sky.
Naningkit ang mata ni Sky na tumingin kay Chase.
"Mind your own..." She said through gritted teeth sa Kuya niya.
"Company ko yun."
"Hoy... may provision. May provision si Lolo sa last will. Huwag kang ano Kuya. Kapag nagwork kami sa company, ibibigay mo ang shares namin. So I am a part owner." Sabi ni Sky na ikinakibit lamang ng balikat ni Chase.

Putangina... naloko na. Parang hindi aarok ang naipon ko.

Tumingin si Sky sa akin. "Nasaan na ang pinapagawa ko sa iyo?" Bumalik na naman ang taas ng isang kilay niya. Bumubungisngis si Dakota sa tabi nito.
"Hindi pa kayo, nauunder ka na. Para kang si Trevor niyan. Under the Trevor." Biro ni London sa akin.
Nagtawanan sila. Hindi ko naman kilala yung Trevor.
"Sky, Saturday ngayon. Off duty." Tito Marcus pointed out.
"Bukas maam. Isesend ko." Hindi ko pa tapos eh.
"I want it by 8am tomorrow." Utos ni Sky. Tumawa ako. Tumawa din si Dakota.

"Power tripping ka na naman, parang magigising ka ng 8am bukas. Halika na nga. Nanggugulo ka lang." Hinila ni Dakota si Sky palayo sa amin.
"8pm maam. Bukas." Pahabol ko na ikinalingon ni Sky pero hinila pa rin siya ni Dakota palayo sa amin.

"May chance ka pang umatras." Bulong ni tito Cloud sa akin.
Umiiling akong ngumiti. Parang pusa lang yang si Sky... maingay lang mag-meow pero cute.

It's not over until I have her. Sabi nga ni Saint Paul sa mga taga Corinthians; Love is Patient. Kaya magtiyaga ka Juancho.

----------
A/N
Deepavali bukas dito at wala kaming pasok.
Lam nyo na, tulog ako kapag walang pasok.
Baka walang UD bukas... baka lang naman.
Peace out...

Lady Boss (Completed)Where stories live. Discover now