Chapter 13- First Date

14.1K 465 19
                                    

Sky

Parang ibang tao si Yuan pero at the same time siya pa rin naman ito. Masaya siyang kausap. Smart na tao. May sense ang sinasabi. Hindi siya trying hard, kapag hindi niya alam he will ask.

He has finesse sa paggalaw. And he knew how to speak French. Tama ang pagkakabigkas niya ng mga pagkain sa menu. And finally, marunong siyang gumamit ng tamang utensils sa formal dining. I am impress.

Kami lang yata ang natatawa sa pinanood naming movie. Halos lahat nagsisigawan sa takot at napapayakap pa sa kasama.

Naglalakad kami ni Yuan habang kumakain ng gelato. Siya sa cone ako sa cup. Hindi ako marunong kumain sa cone.
"Hindi ka kumakain ng dirty ice cream noong bata ka ano?" Yuan joked to me.
Umiling ako. Wala namang dirty ice cream sa Country Club.
"Noong bata ako, pagkalabas ko sa school, may nagtitinda ng ice cream sa may gate. Bumibili ako ng ice cream sa cone. Pero hindi ko kinakain lahat ng cone. Mga 1 inch mula sa buttom tinatapon ko." Kwento niya.
"Why?" Curious na tanong ko.

"Sabi kasi ng lolo ko, hindi daw naghuhugas ng kamay ang sorbetero pagka-ihi niya. Kaya itapon ko daw yung dulo." Natatawang sagot ni Yuan.
Natawa ako. Seryoso ba ito?

"Tapos yung fishball na ang dami ng nagsawsaw sa sauce ni manong. Pero buhay pa naman ako kahit maraming germs sa sawsawan." He chuckled.
"Ano ang lasa ng fishball?"
"Masarap. Hindi ka pa nakakakain ng fishball? Sa bagay sa private school ka nag-aral. Ang saya kaya sa public school."

"Dito ka sa Pilipinas nag-aral?" Manghang tanong ko.
Tumango siya at dinilaan ang ice cream bago sumagot. "Elementary dito ako. Secondary, lumipat na akong Canada."
"Are you half Canadian?"
Tumango ulit si Yuan. "My mom is a Canadian. She gave me to my dad ng ipanganak niya ako then, she disappeared. Pinoy ang tatay ko. Lumaki ako sa lola at lolo ko."
"Sorry... I should have not ask you personal stuff." Napayuko ako sa ice cream.

"Okay lang yun. Hindi ko naman kinakahiya yun. Saka, masaya naman ako." Parang hindi nga sya affected. Maybe because tanggap niya ang nangyari.
"So mabalik tayo sa pagkain. Hindi ka pa nakakatikim ng street foods?"
"Grabe ka. Nakatikim naman. Meron kayang waffle egg sa school namin." Pagmamalaki ko.
"Waffle egg?"
"Oo... yung quail egg tapos orange ang coating..." Nagsimula ng tumawa si Yuan.
"What's funny?"

"Ang sosyal ng waffle egg. Kwek-kwek ang tawag doon eh." Sabi niya.
"Iyon ang nakalagay sa cafeteria dati eh. Malay ko ba."
Tawa siya ng tawa... Malapit na akong mapikon.

"Ano pa? May natututunan ako sayo, Sky."
He's calling me to my name? Nakaka...panibago!
"Then there is banana wrap." I said.
Tumawa na naman si Yuan.
"Turon..." He said laughing. "Special banana wrap if there is a jackfruit,right?"
"Sira ulo ka..."
Lalong tumawa si Yuan. Bwisit...

"If you are finish laughing at my expense..."
"Sorry... Natutuwa lang ako." Pinigilan niyang tumawa.
Sunod-sunod ang ginawa kong pagsubo sa ice cream.

"Bakit ka bumalik sa Pilipinas?" I asked.
Kinagat ni Yuan ang cone at mukhang nag-iisip.
"Nagsawa ako sa ibang bansa." He replied.
"Bakit?"
He chuckled to my unlimited BAKIT.
"Nakakapagod kasi ang trabaho ko doon."

"Yuan..."
"Hmmm?"
"Naririnig mo ang mga sinasabi sa akin ng mga employee behind my back?"
Nabigla siguro si Yuan sa tanong ko kaya binaba ang kinakaing cone.
"Are you asking me this as your assistant or as your date?"
Magkaiba pa ba ang isasagot niya sa akin? Iisang tao lang naman siya.
"Okay, let's start with you as my assistant."

"Naririnig ko ang mga sinasabi nila tungkol sa iyo." He replied.
"Yun lang?"
Tumango siya.
"As your date, wala akong pakialam sa mga naririnig ko." Sabi niya.
Yun lang...

"Hindi mo tatanungin kung kami nga ang tunay na may-ari ng company? Or kung totoong anak sa labas ni mommy?"
"Your answers to your own questions will not change the fact that I like you."

O.M.G... Sinabi niyang he likes me?

"It's not who you are, Sky... They don't see you like I do, so don't bother to ask me what they were saying about you. Naririnig ko man sila, pero hindi ko iniintindi."

"Teka nga... Ano yung sinabi mo, Yuan?" Napatingin ako bigla sa kanya.
"Ang dami nun eh." Pilosopong sagot nito.
"Boss mo ako."
"Hindi ko yun nakakalimutan." He replied. "Walang fraternization clause sa contract na pinirmahan ko. So technically pwede kitang ligawan."

"Smart ass... under kita. Baliw ka ba?"
Huminga ng malalim si Yuan.
"Pwede naman akong magresign eh." Sagot nito.
"That's not the point."
"Eh alin? You don't like me? Kaya nga nanliligaw ako para magustuhan mo. That is the purpose of panliligaw. Kasi kung gusto mo na ako, eh di mag-on na tayo nun, di ba?" Katwiran niya.

Like pa lang kanina ngayon ligaw na... Parang siya lang ang nakakaalam ng ginagawa niya. Hindi ako aware na may manliligaw ako.

Lady Boss (Completed)Where stories live. Discover now