Chapter 24- Mommy Yumi

13.9K 440 17
                                    

Juancho

Nayanig ang mundo ko sa nangyari kanina. Hindi ko akalain na magagamit ko ang Muay Thai knowledge as a defence. Akala ko, it will forever be a form of exercise for me. Hindi ako mapakali kaya tinawagan ko si Jacob.

"Napapadalas ang tawag mo ah..." Bungad ni Jacob pagkasagot ng cellphone niya.
"Hindi ako mapakali. Nasaan na ang mga nang-abang sa amin kanina?"
Hindi agad kumibo si Jacob.
"Hello...Jacob."
I heard him cleared his throat.
"We took care of them." Sabi niya.
"Nagsampa na kayo ng kaso?"
"Hindi na sila manggugulo ulit." He replied.
"Gulo mong kausap. Saan sila nakakulong? Kailangan ba namin ng different lawyer ni Sky?"

Huminga si Jacob na parang bored na bored sa usapan namin.
"Juancho, read between the lines. HINDI. NA. SILA. MANGGUGULO. ULIT."
Holy shit... Tinuluyan yata nila.
"Does... the law permits you to do it?" Napakamot ako ng ulo.
"Does the law permits them to hurt anybody?" Balik na tanong ni Jacob sa akin.
"I get it... It's just that... baka makulong kayo."
Tumawa si Jacob. "Nah... buhay pa sila kung ikakapanatag mo."
Pinakawalan ko ang pinipigil kong paghinga.
"Hindi na nga lang sila makakalakad ulit at makakapagsalita. But, they have time to learn sign language. Yun eh kung may natirang daliri sa kamay nila."
"Fuck shit..."
Tumawa na naman si Jacob. "Tangina, nerbyoso mo naman. Buhay sila iyon ang mahalaga. Kung si Gabriel o si Kiro ang dumating kanina, baka wala na ang mga yun."

"Parang gusto kong ikwento sa iyo ang ginawa ko sa nanakit kay Xykie. Para mahimbing ang tulog mo mamaya."
"Hayop ka... Babangungutin ako. May dahilan talaga kung bakit modelo ako. Siya nga pala... pwede ba akong makapasok sa Country Club kahit hindi kita kasama?"
Tumawa si Jacob. "Pwede naman. Kung todo bakod ka kay Sky ah."
I snorted. "Yaan mo, iiyak ka din ng dugo kay Dakota."
"Sino may sabing liligawan ko yun?"
"Ulol mo."

Iniisip ko pa rin kung ano ang ginawa nila kay Dolor. Kinikilabutan ako.

Tinawagan ko kinaumagahan si Dakota para incase hindi ako harapin ng masungit kong boss eh may sasapo sa akin.

"Ang aga ha!" Bungad ni Koko na mukhang nagising sa tawag ko.
"Nasa Country Club ka?"
"Malamang."
"Very good. Papunta na ako d'yan."
Naghigab si Dakota ng parang tambay lang siya.
"Nakita ko kahapon yung ex mo. Baka makasalubong mo dito."
"Sinong ex?" Nag-isip ako kung sino ang mga naging ex ko... Medyo madami.
"Si Ruby."
"Ahhh... Yaan mo siya."
"Naghahanap ng mabibiktima yung ex mo. Baka lang... gusto mo ng sabihin kay Sky na ikaw si Juancho the model kaysa sa iba nya pa malaman." Payo ni Koko.
Napakamot ako ng ulo.
"Mag-out ka na Juancho. Maiintindihan ka naman namin." Sabi ni Dakota sabay tawa.
"Taena mo ka. Why you made it sound like I am a gay?!"
Tawa ng tawa si Dakota. "Sige na... Bye na. Ginising mo ako dahil sa kalandian mo."
"Magwalis ka na sa labas. Tamad ne'to."
Pinatayan ko ng telepono si Koko bago ka makasagot. Paano ko sasabihin kay Sky na model talaga ako?

Sakay ako ni "Kathy" ng pumunta ako sa Country Club. Pinapasok naman ako ng guard. Yun lang hindi ko alam kung saan siya nakatira kaya pumunta muna ako sa bahay nila Tita Bella. Deretso akong pumasok sa front door gaya ng nasa Canada pa kami.
"Tita Bella..." Sigaw ko na parang pag-aari ko ang bahay.
Nahinto ako sa pintuan. Mayroong dalawang Tita na nakatitig sa akin na para akong intruder.
"Ay hello po, good morning. Sorry po. Si Tita Bella po?"
Parang hawig ni Sky si Tita na nakasalamin.

"Who's that?" Sigaw ni Tita Bella from her kitchen. Lumabas siya na may dalang baking tray.
"Hey... Juancho. Come here, pasok ka."
I gave my bright smile to Titas and went inside. I kissed Tita Bella on her cheek and she immediately dragged me back to two Titas.

"This is Juancho. Siya ang kinukwento ko sa iyo, Yumi. Juancho si Merjie, mommy ni Jaxx. At si Yumi, mommy ni Sky. Mga bestfriends ko." Pagpapakilala ni Tita Bella.
"Hello po. Mommy po kayo ni Sky? Akala ko po ate niya kayo."
Medyo namula ng kaunti si Tita Yumi saka ngumiti. Tumawa naman si Tita Bella at Tita Merjie.

"Napadalaw ka?" Nakaakbay si Tita Bella sa akin na parang tropa kami.
Napakamot tuloy ako ng ulo. "Kasi Tita, pupunta sana ako kay Sky. Hindi ko pala alam kung saan."

Narinig kong tumawa si Dakota somewhere.
"Halika nga umupo ka muna dito." Tinapik ni Tita Yumi ang upuan sa tabi niya.
Sumunod naman ako kay "Mommy Yumi".  Lumabas ng kitchen si Dakota na may hawak na orange juice. Umupo siya sa tabi ni Tita Mejie at nakangisi.

"Ikaw ba yung assistant ni Sky?" Tanong ni Tita Yumi sa akin.
"Opo."
"So, ikaw ang kasama niya kahapon?"
Tumango ako.
"Teka, ano ba ang nanagyari kahapon?" Tanong ni Tita Bella.
"Yung dating assistant ni Sir Chase na sinesante po ni Sky... I mean ni Maam Sky..."
I saw Tita Yumi smile. "... eh ano po Tita. Inabangan po kami kahapon. Nabaril po yung driver namin sa balikat."
Napahawak sa puso si Tita Bella. Nawala naman ang ngiti ni Tita Yumi.
"Mabuti Tita, dalawa lang ang kasama ni Dolor kaya nakaya ko."
I saw Dakota rolled her eyes. Hindi ba pwedeng magkwento ng walang kontra?

"Thank you... Kinuwento nga ni Sky na si Yuan... Teka, ikaw ba yung Yuan?" Naguluhan si Tita Yumi sa pangalan ko.
"Palayaw ko po iyon, Tita."
"Ahh.. kinuwento nga niya na ikaw nga ang nagligtas sa kanila kahapon." Pagpapatuloy ni Tita Yumi.
Shocks...hindi naman Tita.
"Thank you, Yuan. Matigas ang ulo ng anak ko na iyo. Ikaw na ang magpasensya."
"Ay, wala pong problema doon Tita. Mahaba ang pasensya ko. Praktisado ako kay Dakota."I joked. Nagtawanan ang mga Titas.

"Umalis ka na nga... Manligaw ka na ng mapasagot mo agad. Mabilis pa ang pagong sa iyo." Pagtataboy ni Dakota.
"Deretso ka lang diyan. Sa dulong daan, may makikita kang magkatabing bahay. Yung off white ang bahay namin. Si Chase ang nakatira sa gray na bahay. Baka mamalika ng katok." Tita Yumi gave the direction.
"Noted Tita. Thank you." Nagkiss ulit ako kay Tita Bella bago umalis.
Pero syempre, papalagpasin ko ba ang moment na mainis si Dakota? Syempre hindi.

"Ay siya nga pala Koko, pasado ba sa iyo si Jacob?"
Naningkit ang mata ni Dakota sa akin. Napalaki naman ang mata nila Tita.
"Nanliligaw sa iyo si Jacob?" Tanong ni Tita Merjie kay Koko.
"No Tita... Ikaw Juancho... Umalis ka na nga!" Binato ako ng unan ni Dakota kaya mabilis akong lumabas ng bahay na tumatawa.
Narinig ko namang ginigisa si Dakota ng tanong ni Tita Bella.

Lady Boss (Completed)Where stories live. Discover now