Chapter 25- I was a Model

13.6K 401 8
                                    

Sky

Habang nakaupo ako sa porch at pinag-aaralan ang gagawin sa planta, huminto si Yuan sa tapat ng bahay namin. Bagay sa kanya ang Ducati at leather jacket na suot niya. Tinanggal niya ang helmet at ipinatong sa upuan ng motor. Magulo ang buhok niya at nililipad ng hangin pero bumabagay sa kanya. Nakashades ito instead na eye glasses ang suot.

"Para kang model ah..." Medyo sarcastic na comment ko kay Yuan.
"Model nga ako." Sagot ni Yuan. I rolled my eyes.
"Akala ko ba, day off?" Nakangiting tanong niya. Lumapit siya sa akin at umupo sa baitang ng porch. Itinaas niya ang shades niya sa ulo kaya ang gray niyang mga mata ang tinititigan ko ngayon. Ang ganda ng mata niya.
"I need to work." I murmured.
"You need to rest, Sky. Tinawagan ko si Mang Dan. Nagpunta raw si Sir Chase sa hospital early in the morning. Okay naman daw siya."
Napabuga ng hininga si Sky. "Good to know."

"Saan mo gustong pumunta, Sky?"
Isinarado ko ang laptop ko at tinitigan si Yuan. Bakit kaya nagcha-chaga itong tao na ito sa akin?
"Sa beach."
"Then let's go to the beach." Yaya ni Yuan.
Umiling ako at binuksan ulit ang laptop. Marami akong responsibilities. Sa Company, sa mga tauhan... I need to work.
"Kahit balikan lang tayo, Sky. You need to unwind."

I closed my eyes at nagtalo ang dalawang bahagi ng utak ko.

Kailangan mong magtrabaho, Sky...

Pero kailangan mo din huminga.

Kailangan mong matulungan ang mga manggagawa.

Pero kailangan mong maging handa para matulungan mo sila. Paano ka gagalaw kung stress ka? Mag-unwind ka.

"Okay sige. Pero kotse ko ang dadalin natin." I replied to Yuan. Ngumiti siya.
"Pero ako ang magmamaneho. Deal?"
I rolled my eyes. "Fine. Kukuha lang ako ng gamit. Pasok ka muna."
"Dito na lang ako. Hintayin na lang kita."
"Okay. Pasok mo yang bike mo sa garahe. Baka sagasaan ni Kuya." I said to him bago ako pumasok sa bahay.

Iniwan ko ang laptop ko at Ipad. Nilagay ko sa beach bag ang keys, wallet, extrang damit at ang on the go kong toiletries. Nagsuot na lang din ako ng shorts at flip flop. Time to use my convertible.

Nasa garahe na ang bike ni Yuan ng nilabas ko ang cherry red mercedes benz convertible ko. Hindi ko ginagamit sa metro manila itong kotse na ito. Hindi ko mabuksan ang roof dahil sa pollution sa Manila. Plus, baka kuyugin ako ng mga batang solvent sa daan.

"Kotse mo ito?"
Tumango ako. Napailing na lang si Yuan. Lumipat ako sa passenger side at pumuwesto na siya sa driver seat. Hinubad niya ang jacket niya at nilagay salap niya.
"Nagpaalam ka na ba sa mommy mo?"
Umiling ako.
"Magpaalam ka muna. Baka hanapin ka. Mag-alala yun."
Oo nga naman. Nasanay akong basta na lang umaalis ng bahay. Hinanap ko ang phone ko sa bag at tinawagan si mommy. Akala ko pipigilan akong umalis pero nung sinabi kong kasama ko si Yuan, pinayagan naman ako.

I key in the address sa gps para iyon ang sundan ni Yuan. Sinuot niya ang shades nya na super bagay sa kanya. Maingat siyang nagmaneho papunta sa private beach house namin... ni Kuya pala.

At dahil sa hindi ako nag-abiso sa house keeper, nagkumahog tuloy ang mag-asawa ng sumulpot kami sa beach house.

"Maam Sky, hindi namin alam na dadating kayo. Hindi kami nakapaghanada ng pagkain." Nahihiyang salubong ni Manang. Nakalimutan ko ang pangalan nila.
"Okay lang po. Sandali lang naman kami. Uuwi din kami mamayang hapon." Sagot ko.
"Eh pagdamutan natin ang nabili naming mga isda at talaba kanina." Sabi ni Manong na mukha pang nahihiya.
"Masarap yan sa inihaw." Sabat ng magaling na si Yuan.
Napangiti si Manang at mukhang nakahinga ng maluwag. Iniwan kami ni Yuan sa sala. Naupo kami sa porch na tanaw ang dagat.

"Yuan..."
"Hmm."
"Thank you."
"For?"
"For everything." I murmured.
"You're always welcome, Sky."

"Ano ang trabaho mo bago ka nagtrabaho sa company namin?" Napatingin ako kay Yuan. He looked...uncertain.
"I was... a model." He said slowly. Bigla akong tumawa. Nagdikit naman ang kilay niya.
"Hindi nga?"
He rolled his eyes but smile nevertheless.
"Mahirap bang paniwalaan?" Balik na tanong ni Yuan.
Sira ulo din ang isa na ito. Tumatawa akong umiling.

"Alam mo ang tunay kong pangalan, di ba?" Tanong ni Yuan.
Nag-alangan akong sumagot. Alam ko pangmatanda ang pangalan niya eh. Pero nakalimutan ko.
"Jua... nito?"
Nadukmo si Yuan at saka tumawa.
"Kainis ah. Wala ba talaga akong pag-asa sa iyo? Pati pangalan ko hindi mo matandaan." Sabi niya. Bigla naman akong nahiya. Hindi naman sa ganun.
"I am really sucks at remembering names." Nahihiyang pag-amin ko.
"Juancho... Juancho Aquitania."
Ahhh...Oo. Juancho nga.

"Mas gusto ko ang Yuan for you."
He chuckled. "Me too."
"Kung hindi ka nagtatrabaho sa akin, sa tingin mo babalik ka sa ibang bansa?"
"Probably. Model nga ako di ba?"
Tumawa na naman ako. "Sige, pangatawanan mo yang sinasabi mo."
"Try mong i-google ang pangalan ko minsan." He said then wink at me.
"Ewan ko sa'yo, Yuan."
Tumayo ako at iniwan si Yuan sa porch. Pumasok ako sa bahay para magpalit ng pangswimming.

Mai-google nga siya pag-uwi sa bahay.

Lady Boss (Completed)Where stories live. Discover now