Chapter 27- Let it Go

14K 426 49
                                    

Sky

Monday... At hindi pa rin ako pumasok. Pauwi si Margaux at kami ni Dakota ang susundo. Si Yuan muna ang bahala sa office. Yup... si Yuan. Tama ang nabasa ninyo. Wala din si Kuya ngayon sa opisina at nababaliw sa triplets niya. May party nga sa bahay ngayon. Pawelcome sa tatlong bagets sa bahay.

Habang hinihintay namin si Margaux sa arrival area, nagmamasidmasid kami ni Dakota. Mayroong mga family na naghihintay din. Yung ibang parang isang buong angkan ang kasama. Nakakatuwang tingnan pero at the same time, napapaisip ako. Gaano kaya katagal na nag-ipon ng isang OFW para lang makauwi sa napakaraming naghihintay na kamag-anak?

"Hoy, baka madumog tayo dito. Huwag mo silang tingnan na parang anytime pagsasabihan mo." Inuga ni Dakota ang balikat ko para lubayan ko ng tingin ang isang grupo ng pamilya na kanya-kanya ng nag-aagawan sa pasalubong, wala pa man ang balik-bayan.
"Sana dumating yung araw na hindi na aalis ang mga Pilipino para magtrabaho sa ibang bansa." I said while trying not to stare to any people around us. Isinuot ko na lang ang shades ko para hindi ako mapansin ng mga tao.
Napabuntong hininga si Dakota.
"Marami ang nangangarap ng ganyan. I am proud on what you are doing to your company. You are making things the right way." Dakota stated that made me smile.
"I am trying really hard. Without Yuan... hindi ko siguro kaya." Naiiling na kwento ko kay Koko.
"Ang hirap Koko. Ang hirap ituwid ang baluktok na pag-iisip ng buong company. Ang dami ko ng tinanggal. Ang daming kaso sa DOLE para sa akin dahil sa mga tinanggal ko. And Yuan made sure they will never win. Lahat ng documents na sinubmit niya sa DOLE, walang loop hole."

Napangiti si Dakota.
"Kinukuha siya ni Kuya sa akin. Gustong gawing Finance Head. Mawawalan ako ng assistant."
Tuluyang tumawa si Dakota. "Sabi ko na may gusto ka na sa assistant mo."
"Ang talino niya."  I murmured. "Matalino pa siya sa akin."
"That's new. You never admit that someone is more intelligent than you." Tukso ni Koko. I snorted.

"Dakota...Sky..."
Napalingon kami ni Koko sa gawi ni Margaux.
"Margaux..." We called back and hugged her tight. She looked fresh and...happy. She looked happy and that is enough for us.

"Oh my God, ang dami kong kwento sa inyo." She said.
"Kami rin." Koko excited replied.
Tinulungan namin si Margaux na dalin ang mga maleta niya at nilagay namin sa kotse na dala namin.

Hindi maubos ang kwento namin. Habang nagmamaneho ako, si Dakota naman ang taga kwento ng nangyari sa amin dito.

"Nagpunta doon sila Xykie, Violet, Mia and Ralph."
"What?!" Gulat na tanong namin ni Koko.
"Yup and they saw me wearing a nun uniform." Tumawa si Margaux. "Mukha silang hihimatayin ng makita nila ako."
Nagtawanan kaming tatlo. Oh I missed this...

"Speaking of Mia... Magkaaway sila ni Jaxx." Kwento ni Dakota.
"Why?" Nagtatakang tanong ni Margaux.
"Sinapak ni Mia si Jaxx. I don't know why. Hinabol ni Jaxx si Mia hanggang sa bahay nito. Nagtago daw sa kwarto si Mia at ng hindi makapasok si Jaxx sa kwarto, pinagbabato daw ang bintana." Tumatawang kwento ni Dakota.
"Hala...bakit?" Margaux asked. Nagkibit ng balikat si Dakota.

"Eh si Yuan... kamusta na?" May chismis tone na tanong ni Margaux mula sa backseat.
"Fine." Maikling sagot ko. Nasa daan lang ang mata ko at baka mabangga kami sa kakakwentuhan.
"Hindi mo pa sinasagot?"
Umiling si Koko.
"Grabe ka. Alam mo Sky, napaka-ikli ng buhay." Pangaral ni Margaux.
"Sige Sister Margaux, pangaralan mo yang kaibigan mo." Sulsol ni Dakota.

"Gusto mo ba si Yuan?" Usisa ni Margaux.
"Magaling siyang assistant."
Nagtawanan silang dalawa.
"He saved you." Dakota pointed out. "Muntik na silang makidnap and Yuan saved her."
At ikinuwento ni Dakota ang nangyari sa amin ni Yuan dahil kay Dolor.

"Nasaan yang Dolor na iyan? Naku... mawawala ang mga santo sa puso ko dahil sa ikinuwento mo. Ipapatumba ko yang Dolor na iyan..." Nanggigigil si Margaux.
"See... kaya hindi ako naniniwalang magmamadre ka eh." Tumatawang sabi ni Dakota kay Margaux.

"Mabalik tayo kay Yuan." Na-manipulate na ni Dakota ang usapan.
"Seriously Sky, hindi mo ba siya gusto?" Tanong ni Margaux.
How to answer that?
"I... don't know." I replied truthfully.
"Kasi kung hindi mo siya gusto. Turn him down na so the right girl for him can find him." Dakota suggested.
The right girl can find him?  I imagine him smiling to ther woman and I can't take the image. Bigla akong napapreno na muntik ng mauntog sa dashboard si Dakota at sari-saring mura ng mga kasunod ko.

"Nagku-kwentuhan lang tayo. Huwag mo kaming patayin." Dakota swore at me at umayos sa pagkakaupo.
"Medyo selosa si friend. Dahan dahan naman sa pagmamaneho. Hindi pa kami nagkikita ni Jaxx, maho-hospital na namana ko." Umayos din ng pagkakaupo si Margaux at nagsuot na ng seatbelt.

"Sabi nga ni Sexylove... Do not be afraid to fall in love, because the right one will not let you fall, he will teach you how to fly." Dakota quoted.
"Sino yung Sexylove?"
"Eh di yung kapatid mo. Si Star." Sagot ni Dakota. Iyon ba ang pen name niya? Nakalimutan ko na.
"May paquote everyday ang kapatid mo. Follow mo kasi sa wattpad baka may matutunan ka." Dakota pointed out.

"So don't be afraid to love again, Sky. It's worth it." Pangaral ni Margaux saakin. "Don't fight with it. Let it go."

"Let it go...let it go... Can't hold it back anymore..." Kanta ni Dakota.
"Jusme, buti na lang maganda ka. Sakit sa ears ng boses mo, Dakota." I nagged which she just shrugged it off.

Lady Boss (Completed)Where stories live. Discover now