Batang 90s

23.1K 581 117
                                    

"Mga bata ngayon, panay gadget." Bulong ni Diane sa mga kaibigan. Na narinig naman ng lahat.
Napatingin kay Diane ang mga anak-anak nila at binaba ang mga phone.
"Bumulong ka ba ng lagay na yun?" Pang-aasar ni Sam sa kanya.
"Parang narinig ng lahat."

Nagtawanan tuloy sila. Binyag ng triplets ngayon. Ninang at Ninong ang lahat. Yung mga anak ng mga Titos at Titas ang ibig kong sabihin.

"Alam nyo nung bata kami, wala kaming gadget pero hindi kami naiinip." Pangaral ni Diane.
"Oo nga. Totoo yun. Parang kulang pa ang oras dati sa paglalaro." Sang-ayon ni Marie.
"What kind of games Tita?" Tanong ni Dakota.
"Piko... Agawang base." Sagot naman ni Diane.
"Ano yung agawang base?" Tanong ni Trisha.
"Ay conyo, hindi alam yun. Sa private school kasi nag-aral." Tukso ni Marie.
Pinaliwanag ni Diane ang mechanics ng game.
"Ahh.. Stealing Base." Sagot ni Trisha.
"Sosyal talaga. Sa Village nakatira." Tukso na naman ni Marie.
"Kami sa gilidge lang dati nakatira." Sagot ni Sam. Nagtawanan na naman sila. Parang nagkaroon tuloy ng hati ang group. The Conyos and the Gilidgers.

Dumami na ang nakiupo sa table nila at nakikinig sa kwentuhan.
"Marcus." Kaway ni Diane. Lumapit naman si Marcus sa kanila.
"Sa private school ka ba dati?"
"Hindi ah... Sa public ako." Sagot ni Marcus.
"Dito ka aming mga Gilidgers." Pinaupo nila si Marcus sa side nila. Hanggang sa dumami na talaga ang bawat team.

"Grabe kayo. Parang nilait nyo ang kabataan namin. Hiniwalay nyo talaga kami." Sabi ni Trisha.
Nagtawanan sila.
"Trish, ano ang sinasabi nyo kapag nagja-Jack en poy kayo?" Tanong ni Diane.
"Scissor paper stone." Sagot ni Trisha.
Nagtawanan sila Marie.
"Tangina, sosyal talaga. Jack en Poy lang Trish." Sagot ni Marcus.
Nagtawanan na naman sila.

"Naranasan nyo bang manghuli ng tutubi?" Tanong ni Sam sa kanila.
"Oo naman." Sagot ni Lise.
"Gamit ang kamay?" Marie asked.
"Di ba may net na panghuli?" Tanong ni Cailee.
"Kamay lang yun. Tapos papakagat mo yung utong mo para matuto ka daw lumangoy." Pagkukwento ni Marcus. Napangiwi ang mga anak nila.
"Nakakaawa kayo. Hindi nyo naranasan yun." Sagot ni Diane.

Dumating pa ang ilang mga anak-anak nila at nakinig sa usapan.
"Meron bang fishballs sa private school?" Tanong ni Kaye.
"Grabe mommy. Meron naman." Angal ni Margaux.
"Taho?"
"Soy pudding." Sagot ni Margaux. Tinawanan na naman ang mga conyo.
"Meron nga daw waffle egg sa kanila, Tita." Sabat ni Juancho. Naningkit ang mata ni Sky sa kanya.
"Ano ang waffle egg?" Tanong ni Cheska.
Nagkatinginan ang mga Conyo. Tumatawa na si Juancho na pinagkukurot ni Sky. Nagtakip ng mukha si Trisha.
"Shit... Kwek-kwek yung waffle egg na iyon." Sagot ni Trish.

Nagtawanan na naman sila.
"Hindi ko kinaya yung waffle egg."Nagpahid ng luha si Marie sa kakatawa.
"Ano sa Conyo ang piko?" Tanong ni Sam.
Nakamot ng ulo si Tristan. "Hopscotch." Sagot niya.
Tinawanan na naman sila ng mga Gilidgers.
"Palagpasin na natin ang hide and seek. Jusme kayo. Naglaro ba kayo dati?" Tanong ni Diane sa asawa.

"Dodgeball." Pagyayabang ni Tristan.
Nagtawanan na naman sila Diane.
"Ang sosyal ng batuhang bola. Dodgeball." Sumasakit na ang tiyan nila Diane sa kakatawa.
"Naglaro naman kayo ng bahay-bahayan?" Tanong ni Kaye kay Lise.
"Alam ko yun. Huwag nyo ng Englishin, parang awa nyo na." Sabi ni Lise.
"Meron kaming mga miniature pots... Tapos merong small kitchen." Pagkukwento ni Lise.

"Palayok lang sa amin eh, yung nabibili kapag fiesta." Sabi ni Sam.
"Tapos kukuha ka ng dayami para panggatong." Kaye said.
"At mga halaman na lulutuin." Nakipag high five si Cheska.
"Kapag wala kang pangbili ng tide, gumamela ang ginagamit pang-bubbles." Marie said.
"Lumaki kaming apir ang tawag dito." Itnaas ni Diane ang kamay at nakipag-apir si Marie.
"At hindi UP HERE or HIGH FIVE." Dagdag ni Marie.
"Yung ngang timepers, lately ko lang nalaman na time freeze pala yun." Sabi naman ni Kaye.

"Dati... kapag sinasabi sa akin na kakainin kita, natatakot ako eh. Ngayon medyo kinikilig ako." Sabat ni Marcus na nakapagpatawa sa lahat.
"Looking forward na marinig ko yun eh." Sabi nya pa.
"Lagot ka kay Mama Kath." Sabi ni Lise sa kanya.

"Naglalaro din kayo ng bahay-bahayan, Marcus?" Tanong ni Tristan.
Tumango si Marcus. "Kunyari si Kath, pasyente. Tapos ako, OB Gyne. Chinecken-up ko lagi siya."

Heyep ka Marcus... rated SPG na naman ang kwento mo.    


----------------
A/N

Namiss ko lang ang 90s. Kung pwede lang balikan.
Kwento naman kayo ng experience nyo dati sa comment bar.
Sabay sabay tayong magbalik tanaw sa kwento natin.

Lady Boss (Completed)Where stories live. Discover now