Chapter 3- Hipon Chronicle

18K 485 38
                                    

Juancho

Sa ilang buwan kong pagtatrabaho dito, hindi ko pa nakikita si Dakota. Laging si Margaux ang nagpupunta sa office ni Sky.

"Psssttt... Yuan." Tawag sa akin ng receptionist sa ground floor.
"Uy... Bakit?"
"Inutuasan ka na naman ng Boss mo?" Tanong nito.
Lagay ako ang mag-utos sa kanya, di ba?

"Hindi ka ba nagsasawa sa kakasigaw sa iyo nun?" Tanong ulit ni... ano ba name mo para maireport kita!
"Hindi." Reply ko.
"Siguro, kailangang-kailangan mo ng trabaho, ano?! Mga walang mapupuntahan lang ang magti-tiyaga sa Boss mo." Sabi pa ni ate.
Maginhawa naman ang buhay ko ate... gusto kong isagot. Tumango na lang ako.

Ang mga chismis nga naman sa office... Hindi ko alam kung tatawanan ko o papatulan ko. Parang hindi niya Boss si Sky kung ikwento niya oh.

"Alam mo bang hindi naman sila ang tunay na may-ari ng building na ito? Anak sa labas ang nanay ng Boss mo."Sabi niya.

Okay that's it... papatulan na kita.

"Mahal mo ba ang trabaho mo?" Balik na tanong ko sa kanya.
Parang natauhan siya at biglang nahiya.
"Ikaw naman... Huwag mo akong isumbong. Nagmamalasakit lang ako sa iyo." Sabi niya.
"Kasama ka sa payroll ng Boss ko. Baka lang gusto mong...gumalang." Sabi ko bago ako lumakad palabas ng building para bumili ng kape ni Sky.

Aware kaya siya sa mga usapan sa office? Oo, masungit si Sky. Kung ang mga tauhan mo ba naman ay saksakan ng kupad kumilos, talagang magsusungit ka.

Mas-inuuna pa ng iba ang magkilay kaysa magsimulang magtrabaho ng 8am. Mas mahaba pa ang coffee break kaysa sa oras na tinatrabaho nila.

Sa ilang buwan na pagwo-work ko dito ah, ganito ang gawain ng karamihan sa kanila. Papasok ng before 8am... tapos chismisan muna sila. Pagdating sa table, 8:15am na. Tapos pupunta sa pantry, magkakape... pagbalik sa table 8:45am na. Kasi nagkumpulan sila sa pantry para magchismisan pa more. Kakain ng biscuit hanggang 9:00 am.

Magbubukas ng computer, habang naghihintay magbukas ng PC, kukuhanin ang cellphone at magfafacebook. 9:30am na maglolog-in sa PC. Magbabasa ng showbiz balita. Alas dies na sila magsisimulang magtrabaho. Coffee break ng 10:30am, kukuha na naman ng kape at babalik sa upuan ng 11:00am. Isang oras na lang ang itatrabaho nila sa umaga bago maglunch break. Sino ang hindi magsusungit ng ganun?

Umorder ako ng coffee at bumalik sa office. Hindi na ako pinansin ng receptionist sa ground floor. Mukhang kakalat ang chismis na pumapapel ako sa Boss ko.

Iba ang gusto kong maging papel ko sa Boss ko... Tinamaan ka ng magaling Juancho! Ayusin mo yang takbo ng utak mo... sa tuwing sinusungitan ka mas lalo kang nahuhumaling. Tang-inang buhay ito!

Nawala lahat ng pantasya ko kay Sky ng makita ko si Arabella sa loob ng office niya. Nilagay ko ang coffee sa harapan ni Sky at iniiwasan kong magka eye-contact kami ni Arabella.

"Hi, Yuan." Sabi niya.
"Umupo ka muna, Yuan." Utos ni Sky. Patay!

Umupo ako sa vacant seat sa harap ng table ni Sky. Parang langaw naman si Arabella na lumapit agad sa amin. Umupo siya sa upuan sa tapat ko. Nahinto sa pagpirma si Sky ng lumapit si Ara. Isinarado niya ang folder at ibinaba ang sign pen niya.

"Ikaw ba ang tinawag ko, Arabella?" Pagsusungit ni Sky.
"Cous..." Simula ni Ara. Naningkit ang mga mata ni Sky. Here comes the fire in her eyes that I love to see.
"Hindi kita pinsan. Huwag kang illusionada." Sagot ni Sky.

Gumapang ang paa ni Arabella sa binti ko. Hindi ako natuturn on, nasusuka ako. Ako naman ang naningkit ang mata at sinipa siya.

"Ouch." She said.
"Umayos ka nga, Ara." Bulyaw ni Sky sa kanya.
"Sinipa niya ako." Sumbong ni Ara.
"Huwag mong pamunasan ng paa ang pantalon ko." Katwiran ko.
"Oh Lord..." Nasapo ni Sky ang ulo.
"Are you seducing my assistant in front of me?!" Sky said thru clenched teeth.
"I didn't do such thing..." Maarteng reply ni Ara. May paflip pa siya ng buhok niya.
"Ibagay mo yang paglalandi mo sa itsura mo ha." Sagot sa kanya ni Sky.

Hindi ko napigilang tumawa. Naningkit na naman ang mata ni Sky sa akin. Ang ganda niya talaga. Kung tutuusin, ang creepy ng ginagawa ko. Pero pre, hindi nga ako pinapansin noong model ako eh. Ano pa ba ang ilelevel-up ko sa sarili ko para makausap siya? Hindi naman lahat ng model eh stupid. May Master's degree ako sa finance. Narinig ko pa ngang sinabi niya na tapon ulo daw si Paulo. Tangina, ginawang hipon si Paulo.

"Sorry, Boss." Sabi ko.
"Hey...Sumusobra ka na ah." Sabi ni Arabella kay Sky na akala mo may ibubuga.
"At gumalang ka sa mas nakakaganda sa iyo."Dagdag ni Sky na lalo kong ikinatawa.

"Grabe ka naman makatawa." May halong tampo na wika ni Arabella sa akin.
"Napapasaya ba kita?" Nakangiting tanong ni Arabella sa akin.
"Hindi." Sagot ko.

"Sabihin mo na nga yang gusto mong sabihin saakin at ng makalayas ka na." Sky asked to Ara.
"I need work." Sagot ni Arabella.
"Oh, eh di magtrabaho ka." Sky grumbled.
"Can you please ask your friend Margaux na isama ako sa fashion show? Or si Dakota kung meron siyang photoshoot." Sabi ni Arabella.

Hanga ako sa lakas ng loob nitong babae na ito.

"Walang Oshkosh equivalent ang clothing line nila Margaux." Sky replied.Hahaha... "At hindi kailangan ng gnome ni Dakota as props." Dagdag ni Sky. Tangina,ang savage talaga. Napatawa talaga ako. Oshkosh...pambata yun eh.
"Grabe ka." Napairap si Arabella sa isinagot ni Sky sa kanya.
"Pumunta ka sa Jollibee, baka kailangan nila ng kiddie crew." Supalpal ni Skysa kanya.

Habang unti-unti siyang nagagalit, namumula ang mga pisngi niya.

"Why not maging assistant ako ni Yuan?" Pamimilit ni Arabella.
"Ang bobo mo..." Deretsang sinabi ni Sky. "Saan ka nakakita na ang assistant na may assistant?"
Nag-isang line na ang kilay ni Sky.

"Lumayas ka nga. Sinisira mo ang araw ko." Tinuro ni Sky ang pintuan kay Arabella.
Umirap muna si Arabella bago tumayo at nagdadabog na lumabas ng office ni Sky.

Hahaha...

"Ano ang tinatawa-tawa mo, Yuan?" Ako na ang hinarap ni Boss.
"Yung pinsan mo kas..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sigawan ako ni Sky.
"Hindi ko yun pinsan."

"Oo nga. Ang ibig kong sabihin, pinsan siya ni Dagul." Palusot ko.
"Lumabas ka na nga din. Isa ka pang pintasero." She countered.
"May iuutos ka pa ba?"
"Magpalit ka ng damit mo." She replied.

No way... hindi mo na naman ako kakausapin. Baka sabihan mo din akong hipon. Although, gwapo ako sa totoong buhay. Hindi tapon ulo.

Lady Boss (Completed)Where stories live. Discover now