Chapter 17- Secret Knights

14.7K 468 48
                                    

Juancho

Pagkashower namin sa gym, sinama ako ni Jacob sa lungga niya...I mean sa office nila. Daming monitor... Isa daw siyang professional hacker. Meron siyang mga kasama na mukhang nerd...geek... Computer addict.

Hindi man sila lumingon ng pumasok kami sa office ni Jacob. Sinuot ni Jacob ang salamin niya. Nagtransform na siya into geek. Hindi mo akalain na kayang bumasag ng bungo si Jacob kapag nakatutok na sa computer.

After ng ilang segundo, narinig ko na ang boses ng kapatid niya.
"Problema mo?" Bungad nito.
"Bored ka ba diyan?" Tanong ni Jacob.
His sister snorted.
"May papagawa ka? Hihingi ka na naman ng access sa akin, susundan mo na naman si Dakota? May access ka naman sa system pero bakit sa akin lagi ang ginagamit mo!"
Napatingin sa akin si Jacob. "Puta... type mo si Dakota?"
"Wow...sino yun? Oo type nya... Kung sino ka man na nakikinig." Sagot ng kapatid ni Jacob.
Tumawa ako.

"Puta... Xykie...Daldal mo." Naiinis na sagot ni Jacob.
"Ano ba problema mo kung hindi si Dakota? Bakit ka napatawag?"
Ngumisi si Jacob. "Gaano ka kagaling magpaikot ng tao?"
"Huh! You are talking to the expert." Pagmamalaki ni Xykie.

Tinawag ako ni Jacob at pinaupo sa tabi niya. Tumaas ang kilay ng kapatid niya na mukhang nasa ibang bansa.
"May tropa kang mowdel?" Tanong ni Xykie kay Jacob.
"Let me see... Juancho "YUAN" Aquitania..." Sabi nito. WTF! Parang nagbasa ng story book si Xykie ng binasa ang buong information ko pati ang laman ng bank account ko.
"No bad records... so ano problema nyong dalawa?" Tanong ni Xykie.

Ngayon ka pa nagtanong, alam mo ng lahat sa akin. Ganito ba talaga sila? Is this still lawful? Hindi ako makakibo...ampota.

"Type niya si Sky." Sagot ni Jacob.
"Hmmm...kay. Nagtatrabaho naman siya sa company nila Sky. Kailangan ko ba siyang ilakad?" Sagot ni Xykie. Pucha pati iyon alam niya.
"How about ganito, Xykie... Tawagan mo si Sakura tapos tulungan ninyo si Juancho."
"Anong tulong ba? Paligoyligoy ka, Jacob." Naiinis na sagot ng kapatid nito.

"Kasi ganito... Slow mo Xykie. Alam mo naman kung gaano kasungit si Sky. Pinapanakot sa kanya ang Knights. Kaya ang sabi niya totropahin nya ang Knights."
"Ahh... eh tropa naman kayo ni Juancho." Sabi nito. Uh! Napatingin ako kay Jacob na cool na cool lang nakaupo.
"Knights ka?" Naitanong ko. Hindi kumibo si Jacob.
"Secret Knights... papaluin ni mommy kapag nalaman. Anyway, kung hindi ka pwedeng ipagmalaki na tropa ni Juancho, sino balak nyo? Si Kiro?"
Hindi kami kumibo... tapos tumawa si Xykie.
"Oww... gusto ko ito. Teka..."

After a while, lumabas sa screen ang haponesa na si Sakura.
"Hello world!!! So...anong problema?" tanong nito.
Pinaliwanag ni Xykie ang situation at tumawa si Sakura...
"Teka...nandito siya."

Nagpigil ng tawa si Jacob. "Pucha... makikita mo na si Kiro. Tingnan mo kung trip mong maging tropa."

Isang hapon na lalaki na walang soft spot man lang sa feature ang lumabas sa screen katabi ni Sakura.
"Xykie...Jacob." Sabi nito tapos naningkit lalo ang mata ng makita ako.
"Kiro mah friend..." Bati ni Xykie at nagsimula na siyang mambola kay Kiro. Sila ni Sakura.

"So be nice para hindi ka na gawing panakot." Pagtatapos ng litany ni Xykie kay Kiro.
"Bakit ba pinapanakot nyo kasi ako sa mga tao?" Tanong ni Kiro.
Nagtawanan si Xykie at Sakura.

"Ano ba ang sabi sa iyo ni Sky?" Deretsong tanong ni Kiro sa akin.
"Uhmmm... na close kayo ni Chase." I said.
"Hindi." Maikling sagot nito. Straight from the source... Loko talaga 'tong Sky na ito.
"At pinutulan mo daw ng ulo ang Tito mo."
Tumango ito. Shit...totoo nga.
"Kaya tinanong ko kung aling ulo ang pinutol mo, pre."

Natawa ng bahagya si Kiro. "Sama mo bukas yan, Jacob." Sabi ni Kiro bago nawala sa line.

"Tumatawa pala ang syota mo." Jacob said to Sakura.
"Ano akala mo doon, bato?" Sarcastic na sagot ni Sakura.

"Hindi alam ni Sky na ikaw si Juancho the model?" Tanong ni Xykie.
"Ayun lang... makikichismis sila sa life mo after ka nilang tulungan." Jacob commented. Iniwan ako sa office niya at pumunta sa pantry.

And I will do anything for love... tanginang yan. Nuknukan pala ng chismosa itong haponesa na ito.

"Nachallenge ka kay Sky ano?" Usisa ni Sakura.
Teka...kung mausisa kayo, mausisa din ako.
"Oo eh... sino ba ang ex nya na nanakit sa kanya?" Tanong ko.
Tumawa ang dalawa. "Ayus ka rin ano? Nangunguha ka ng information." Xykie commented.

"Hindi ko trip ang pagmumukha ng lalaki na yun. Send ko sa email mo ang information niya." Sakura replied at maya-maya pa tumunog ang cellphone ko. An email from Sakura. Ano pa ang hindi nila alam?

"Nagpakita pa ba si Dolor?"
Natatawa akong umiling.
"Tatamaan sa akin ang babae na iyon kapag nagpakita pa siya." Gigil si Sakura.
Natawa si Xykie kay Sakura.

"Uy balitaan nyo ako sa mangyayari bukas." Xykie pleaded.
Dumila si Sakura. "Goodbye Xykie Lightwood, Countess of Riverfield."
Royal blood ba sila? Napalaki ang mata ko. Nagtawanan sila Xykie at Sakura.
"Bye Juancho... Bukas na lang. Mabait si Kiro... kay Sakura." Tumawa si Xykie bago nag-end ng video call.
"Akong bahala kay Kiro. Ikaw bahala kay Chase." Paalala ni Sakura bago nawala sa screen.

Oo nga pala may Kuya pa si Sky. Ang dami namang harang...Sky!!!

"Oh, wala na sila?" Bumalik si Jacob na may dalang coffee... Sa ganitong oras magkakape siya?
"Tangina, paano ka naging Knights?"
Ngumisi si Jacob. "Tatay ko ang isa sa nagbuo ng Knights of the Leaders. Malamang susunod ako sa yapak nun."
"Ahhh makikilala mo sila bukas." Jacob clapped my back.
"Huwag ka lang malilisat sa nanay ko at malalagot kaming tatlo ni Xykie at daddy."

"Nakakatakot din ba mommy mo gaya ng Tita ni Margaux?" Usisa ko.
"Tropa sila saka lawyer si mommy." Sagot niya.
"Hindi naman nakakatakot si mommy. Napatino niya lang si daddy... na dating assassin." Sabi ni Jacob sabay tawa.

Tangina... makatulog pa kaya ako nito? Buhay pa kaya akong makakauwi bukas? Sure ka ba Juancho sa gagawin mo?

——————————
A/N
Happy Friday...
Weekend bukas.

Lakas ng back-up ni Juancho... totropahin si Kiro the slice ninja 😂

Lady Boss (Completed)Where stories live. Discover now