Chapter 8- Challenge Accepted

15.5K 464 17
                                    

Juancho

Tahimik ang office ni Sky at pinag-uusapan namin ang cons at prons ng gagawin nilang pagbabawas ng benefits ng mga office employees ng pumasok ang kapatid niya na si Star.

Medyo awkward si Star gumalawa at parang shy type. Nakasalamin siya at bonnet. Nakashirt na maluwag at leggings. Although maganda din si Star, lalo na kung mag-aayos pa.

"Star, may problema ka?" Nag-aalalang tanong ni Sky.
"Ate, I am doom." Sagot nito at umupo sa sofa.
"Anong ka-OA-han na naman ito?" Tanong ni Sky. Kahit pala sa kapatid, hindi siya mahilig magpaligoy-ligoy
"Ate, I need you to pretend to be me... Or at least my pen name. Magpretend kang ikaw si SexyLove." Sagot ni Star.
"Hindi kita maintindihan."

At kinuwento ni Star ang problema niya sa ate niya at mukha akong invisible sa paningin niya.

"Tawagan ko ang dalawa. Mas matutulungan ka nila." Sagot ni Sky. Hindi naman siya tumawag. Nagsend lang ng messages.

After siguro mga 1 hour na pananahimik ni Star at pagmemeeting namin ni Sky, pumasok si Dakota at Margaux. Fucking shit, alam ko na agad na may gagawing hiindi maganda si Dakota.

"Hello..." Bati ni Koko.
"Oh...sya ba ang assistant mo, Sky?" Maang na tanong ni Dakota. Sira-ulo talaga ang Diablo na ito.
"Yes. Siya si Yuan. Yuan, si Dakota, isa sa kaibigan ko." Sabi naman ni Sky.

"Parang dinilaan ng cow ang buhok mo. Sobrang patag." Tangina mo Dakota. Lakas mang-troll ng hayop. Humanda ka sa akin, babae ka. Hidi na napigilan ni Star at Margaux ang tumawa.

"Dakota..." Bawal ni Sky sa kanya.
"Nakaka-amaze kasi. Tingnan mo ang hawi niya. Pantay na pantay." Sagot ni Dakota. Napaka-inosente ng mukha mo, Koko.
"Parang kapag may kuto na tumawid, kita agad." Dagdag niya pa. Isa kang kampon ng dilim, Dakota. Alagad ka ni Satanas talaga.

"Niruler mo ba yan?" Tinuro pa ni Dakota ang hawi ng buhok ko. Matalikod lang si Sky, kukurutin talaga kita. Hayop ka, nakangisi ka pa.

"Ate Koko, may admirer kaya si Yuan." Sabat ni Star. Hindi pala ako invisible sa paningin niya. Para lang siya si ate niya. Hindi ako pinapansin.
"Sya nga? Sino ang bulag na babae?"
"Si Arabella." Sagot ni Star.
Napabuntong hininga si Sky.

"Ay... juice kuh. Ang babaeng machete." Nasapo si Koko ang puso niya.
"Anong machete?" Tanong ni Sky.
"Yung babaeng inukit sa kamoteng kahoy." Sagot ni Dakota.
Hahaha...tarantado talaga.

"Hanggang bewang ko lang yata yung pinsan nyo na iyon." Dagdag pa ni Koko.
"Hindi ko yun pinsan." Sigaw ni Sky.
"Eh di hindi... Sumisigaw agad. Juice kuh Sky...Lumabas labas ka sa opisina mo. Manood tayo ng concert. Merong concert ang Overdrive... Malibang ka naman." Sermon ni Koko kay Sky.

"Wala ng ticket, ate. Sold out." Sabat ni Star.
"Sold out?" Margaux asked. Mukhang hindi kumbinsido na sold out ang concert ng ex nya.
"Gusto nyo bang manood?"
"Yes...Yes... please." Mabilis na sagot ni Star.

"Tayong lima.. sige. Sama natin si Boyoyong." Sagot ni Koko.
"Sinong Boyoyong?" Tanong ni Sky.
Tinuro ako ni Dakota. Hindut ka.
"Saan ka kukuha ng ticket?" Tanong ni Koko kay Margaux.

Maya-maya pa naghahabulan na si Margaux at Dakota.

"Parang tanga si Dakota. Ang laki ng hakbang niya." Bulong ni Sky. More on TUSO si Dakota. Napaka-TUSONG nilalang.

Nagkuwento ulit si Star ng problema niya. Nakangiti naman si Margaux at Dakota. Ngiting hindi mo pagkakatiwalaan.
"Ano gagawin ko?" Tanong ni Star.
"Alam mo ba kung tatanggalin mo lang yang beanie mo..." Tinanggal ni Koko ang suot na beanie ni Star. "...at yang salamin mo." Sabi niya at kinuha ang salamin ni Star.
"Hindi ako makakakita." Sagot ni Star.
Koko snorted.

"Contact lens." Nargaux suggested.
"Hindi ka na makikilala ni Sir Blaze." Pagpapatuloy ni Koko.
"Believe me... hindi ka makikilala kapag wala kang salamin." Nakataas ang kilay ni Koko ng tumingin siya sa akin.

"Sigurado ka?" Tanong ni Sky kay Dakota.
"Oh, yes. Proven na. Lalo kapag snob ang nasa paligid." Sagot nito.
Naningkit ang mata ko kay Dakota.
"Parang makikilala ko naman ang isang tao kahit walang salamin." Sabi ni Sky na nakapagpapawis sa akin. Tumawa si Margaux at Dakota.
"Totoo? Parang hindi naman, Sky." Dakota answered.
"So snob ako, ganon?" Balik na tanong ni Sky.
"Yup." Si Star ang sumagot.
"Hindi kaya. Di ba, Yuan. Snob ba ako?" Tanong ni Sky sa akin.

Ha?... Ako pa talaga ang tinanong mo. Ako nga ang hindi mo makilala. Nagtawanan lalo si Dakota at Margaux.

"Hindi ko alam. Snob ka ba?" Balik na tanong ko na ikinatawa pati ni Star.
Naningkit ang mata ni Sky sa akin.
"Baka kasi, ano maam... Meron kang short term memory pagdating sa mga mukha ng tao." Palusot ko.
"Saka masyado ka ng maraming work load para intindihin pa ang mga nakakahalubilo mo. Although wala namang masama kung titingin ka din minsan sa mga ipinapakilala sa iyo." Naku patay na, naging singkit na si Sky.
"Suggestion lang naman, boss." Palusot ko ulit.

Si Dakota, napahiga na sa sofa sa kakatawa. Shut up ka na nga Juancho.

"Ang dami mong suggestions." Comment ni Sky sa akin.
Kung pwede nga lang sabihin lahat sa iyo. I suggest na pansinin mo ang tunay na ako at ng hindi na ako tinotroll ng dakila mong kaibigan sa suot ko ngayon.

"Sky, maiba ako. Tinatanong ni Juancho kung pwede ka daw mainvite sa isang dinner." Sabi ni Dakota. Napaka-gago mo talaga Dakota. Wala naman akong sinabing ganun.
"Kaya ko kamong magbayad ng sarili kong dinner, thank you very much." Sagot ni Sky.
Pucha... trial pa lang yan. Paano ako aabante nito?

"Sino si Juancho?" Tanong ni Star.
Ako... Ako si Juancho na hindi maipakilala ang sarili.
"Friend ko." Sagot ni Dakota.
"At hipon." Dagdag ni Sky.
I cringe na ikinatawa ni Margaux at Dakota.
"Grabe, hindi hipon yun. Gwapo naman siya, ng slight." Sagot ni Koko. Slight lang?
"At saka meron siyang Master's Degree." Dagdag ni Koko. Yan, ganyan dapat ang pag-build up.

"Ate... hindi naman lahat kagaya ng ex mo. Huwag mong lahatin ang mga gwapo. Hindi naman manloloko lahat." Sagot ni Star sa kanya.
"Sinong gwapo ang hindi manloloko bukod sa mga tatay natin?" Sarcastic na tanong ni Sky.

"Si Yuan." Sagot ni Margaux na ikinabaling ng ulo ni Sky sa kanya.
"Malala ka na, Margaux." Sagot ni Sky.
"Ay grabe ka maam." Sabat ko. "Hindi naman ako manloloko."
Tanginang Dakota ito, tawa ng tawa.
"Yung pinag-uusapan namin yung gwapo na manloloko." Deretsong sagot ni Sky. Napatawa na naman si Dakota at Margaux. Napa- straight body ako ng upo.

"Challenge accepted, maam. Huwag mo lang akong tatanggalin sa work. Papakita ko sa iyo, hindi lahat ng gwapo ay manloloko." Sabi ko.
"Sige Yuan... Akong bahala kay Kuya kapag tinanggal ka ni Ate." Sulsol ni Star.

"Handa ka na ba, Sky?" Tumatawang tanong ni Dakota.
"Si Yuan? Are you kidding me?" Full of confidence na tanong ni Sky.

Mayroon kang 1 week Sky, para makita ang mukha ni Yuan. Tangina, problema talaga si Arabella. Paano kaya ang kutong lupa na iyon kapag umeksena?

Lady Boss (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora