Chapter 32- Sa Wakas

15.7K 487 14
                                    

Juancho

"Teka... Babe..." Pigil ko kay Sky. She's bubbling everything that Chase told her.
"Mabalik tayo sa sinasabi mo kanina... Iwan muna natin yang work sa office. Sabi mo, kagabi ng sagutin mo ang alin?"
Kumunot ang noo ni Sky. Ayan na nga ba...dapat pinatapos ko siya sa sasabihin niya. Nakalimutan na.
"May sinasabi ka before I kissed you..."
She slightly open her lips and think... she looks adorable so I kiss her again. Patay tayo d'yan Juancho! Control yourself, boy.

"What, babe?"
"I forgot what I was about to say." She replied.
"Tumawag ka sa akin kagabi." I stated.
Tumango siya. "Yes, then someone answered. Akala ko..." Nakunot na naman ang noo ni Sky.
"Akala ko may kasama kang babae but it was Dakota."
Napabuga ako ng hininga! Bigla akong kinabahan, akala ko break agad.
"Yeah...she was there with other models."

"Naku... papatayin ko yang Arabella na iyan."
I chuckled ang hugged her to calm down.
"Tutulungan kita. Lecheng yun. Paano niya ako nabitbit?" I joked at her.
"Mabuti talaga sinundan ako ni Koko. Nasalanta ang puri ko kung nagkataon."
I kiss her head at umayos ng upo. Naadik akong yakap yakapin siya.

"Okay na tayo, baby? Gusto mo ng kumain? Nagluto ako."
Ngumiti si Sky. Sobrang ganda ng ngiti niya. "Talaga ba? Pahiram muna ako ng shorts."
"Ikaw na ang kumuha. Iinitin ko na ang pagkain. Sunod ka na lang sa kitchen."

Pagkasarado ko ng pintuan ng kwarto ko, pota, napatalon ako. Tang-ina, girlfriend ko na si Sky. Ay, may himala talaga.

"Amoy pasta." Sky said paglabas ng kwarto. Suot ang muay thai shorts ko. Umupo siya sa isang upuan sa Kitchen Island.
"Chicken Alfredo for my girlfriend." Nilapag ko ang isang plate sa harapan niya.
"Salamat, boyfriend." She replied.
Tumabi ako sa kanya nagsimula kaming kumain.

"Hmm... sarap." Sabi niya. "Ikaw talaga ang nagluto nito?"
Tumango ako. "Tinuruan ako ni Tita Bella na magluto noong nasa Canada kami."
Nahinto sa pagsubo ng pasta si Sky at napatingin sa akin.
Uh-oh!

"Sinong Tita Bella?"
Oh my God. Parang roller coaster ang nararamdaman ko ngayong araw na ito. Ang bilis magpalit ng mood ni Sky.
"Kaibigan ko si Dakota. Magkapitbahay kami sa Canada."
"Ohhh... Kaya pala sabi niya sa akin you are a good person. Totoo palang friends kayo."
Nakahinga na naman ako ng maluwag. Talaga ba? Sinabi niya yun? Feeling ko ilalaglag ako ni Koko anytime.

"Kasama ko din siya sa modelling." I said slowly.
Nilapag ni Sky ang utensils na hawak at tumingin sa akin. Natawa ako ng bahagya.
"Hindi ka talaga naniniwalang model ako. Pahiram ng phone." Nilahad ko ang kamay ko at inabot niya naman ang phone niya.

Hinanap ko sa google ang pangalan ko at pinakita sa kanya ang mga pictures ko. Nanlaki ang mga mata ni Sky ng ini-scroll niya ang mga picture.
"Hala... totoo nga." Bulong niya bago tumawa.
"Model ka nga." Naiiling-iling siya. Nilapag ang phone sa tabi ng plate niya.
"Akalain mo. Ayaw ko sa mga models... before."
I rolled my eyes. "Alam ko. I bet hindi mo natatandaan na nagkita na tayo dati."
"Really? Kailan?"

"Pinakilala ako sa iyo ni Dakota...twice. Una sa Dubai." Hindi talaga natatandaan ni Sky. Nakakunot ang noo sa akin. "At ang next noong Fashion show ni Tita Kaye."
Umiling si Sky. "Hindi ko matandaan. Sorry."
"Busy ka kasi noong huli dahil hindi ka nirereplyan ng assistant mo. Hindi mo nga ako nilingon eh."
Tumawa si Sky at nagpatuloy sa pagkain. "Loko yung assistant ko na iyon eh."

"Bakit nga pala nasa isang side lang ang mga damit mo sa walk in closet mo? Ang dami mo pang space na vacant."
"Para sa iyo ang space na vacant." I murmured.
"Talaga ba?" Nakangiting tanong ni Sky.
"Kulang ba? Meron pang spare room na pwedeng gawing walk in closet."
She shrugged her shoulder. "Mas maganda ang view dito sa bahay mo. Ikaw nakapenthouse ako naka-condo lang."
"Lipat ka dito, anytime you want. Ipapalagay ko na ang name mo as residence."
"Okay." She replied and continue eating.
Anong okay? Jusme Sky... Elaborate further.

Nagring ang phone ni Sky ang I saw it was Margaux. Sinagot niya sa video callat pinatong sa table.
"Yes why..."
Naku conference call pa pala. Magkasama si Margaux at Dakota.
"Bruh, nasaan ka? Parang hindi mo office yan." Sabi ni Margaux.
"Wala ako sa office. Para saan ang conference call na ito?"
"Teka... parang bahay ni Yuan yan. Familiar ang curtain." Hirit ni Dakota.
I rolled my eyes and continue eating.

"Kasama mo si Yuan?" Tanong ni Margaux.
"Para saan ba ang conference call? Anong chismis ang hatid nyo?"
Nagtawanan ang dalawa.
"Bruh, si Mia buntis." Bulong ni Margaux.
Chismis nga...

"Ows..." Tuluyan ng huminto sa pagkain si Sky.
Tumango ang dalawa.
"Uwi ka dito. Kakausapin pa lang nila si Tito Mark. Panoorin natin sila." Sabini Margaux.
"Kailan?"
"Bukas daw, kasi wala si Tito Mark ngayon." Sagot ni Koko.
"Eto pa ang matindi... quadruplets ang anak nila." Bulong ni Margaux.
"Quadruplets?" Napasigaw si Sky.
Puta nabulunan ako. Quadruplets! Tindi...
"Shhh... huwag kang maingay. Hindi pa alam ng iba. Tayo-tayo pa lang." Bulongulit ni Margaux.
"Oy, ano yang chinichismis nyo?!" Sigaw ng isang lalaki, probably Jaxx, somewhere.
"Sino yang umuubo sa tabi mo?" Tanong ni Dakota.
"Si Yuan." Sky replied.

"Pakausap nga, Sky."
Binigay ni Sky ang phone niya sa akin. Nagpatuloy siyang kumain.
"Oy, tumatawag ang dating manager mo."
"Bakit kasi kinuha mo ang phone ko? Ikaw ang nagsend ng resignation letter ano?!"
Ngumisi si Dakota. "Effective naman. Nand'yan si Sky. Don't tell me hindi pa kayo?"
"Pakialamera ka."
"Kupad mo eh. Pagong ka. Pagong ka Juancho."
"Sagutin mo kapag tumawag ulit. Tanungin mo kung ano kailangan niya."
Feeling ko sinagot na ni Dakota ang tawag.
"Kung open ka daw sa per event contract kung ayaw mo daw ng exclusive."
Sabi ko na, pinakialaman na niya.
"Pag-iisipan ko." I replied.
"Yung nga ang sinabi ko na pag-iisipan mo. Anyways, pinapapunta ka ni mommy.Namimiss na daw niya ang anak niya."
Tumawa ako... "Magwawalis ka kasi ng bahay para hindi ka tinatakwil."

Binalik ko kay Sky ang phone niya.
"Bruh... kayo na?" Usisa ni Dakota.
"Sino? Sila na daw ni Yuan?" Isa pa itong si Margaux.
"Naku Sky. Ewan ko sa iyo kapag pinakawalan mo yan." Pangaral ni Margaux sakanya.
She rolled her eyes bago sumagot. "Kami na. Relax lang kayo."
"Waahhhh... Shit... Isama mo yan bukas. My God... sabihin ba namin kay Tita Yumi?" Unang tumili si Dakota. Sakit sa tenga.
"Huwag... Diyos ko. Bukas na lang mga bruh."
"Okay... Tiwala lang Sky para protected. Gumamit ka ng TIWALA." Pahabol ni Dakota bago siya nagtatawa.

"Ano daw?" Nagtatakang tanong ni Sky sa akin ng wala na si Margaux at Dakota sa line.
Natawa ako. Hindi nya pala nagets.
"Trust daw, Sky."
"Hayop na Dakota yun." She murmured.

My life will never be dull again.

"Babe, dito ka matutulog?"
"Yeah, sure." She replied.

See... Kung hindi pa naman talaga ako sinuswerte sa buhay. Ano pa bang kailangan kong hilingin? Nah... my life is perfectly complete now.

Lady Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon