Chapter 16- Tropang Jacob

14.4K 453 10
                                    

Juancho

Napaalis na rin sa wakas si Arabella pero may pangako siyang babalik sa office.

"Yuan, mukhang dead na dead si Arabella sa iyo ah." Tukso ni Dakota.
"Maam, please ipa-ban mo na siya sa building." I joked na ikinatawa nilang tatlo.
"Naku, mag-ingat ka baka kidnappin ka nun." Margaux joked.

Nagreply ako ng ilang email habang kalahati ng tenga ko ay nakikinig sa usapan nila Sky.

"Kailangan mo ba talagang umalis?" Tanong ni Sky kay Margaux.
Natigil ako sa pagta-type. Nakita kong tumango si Margaux.
"I need to find...peace. Ang dami biglang nangyari at hindi ko na alam kung paano magre-react." Margaux replied.
"Saan ka pupunta?" Koko asked.
"Somewhere peaceful sana. I haven't found that place yet."

I cleared my throat muna para matawag ang attention nila at ng hindi magmukhang chismoso.
"There is a monastery in Switzerland that accommodate outsider that wanted to have quiet place." I said slowly.
"Baka gusto mong iconsider. Carmelites monastery yun, Margaux." I added.
"Sige, isesearch ko. Thank you for your information." Margaux replied smiling.

Malungkot si Sky ng umalis si Margaux at Dakota sa office niya.
"Boss... kaya pa?" Malumanay na tanong ko.
Huminga ng malalim si Sky at tumango. Hindi masamang magsabi ng hindi na... pero maghihintay ako hanggang maging ready ka ng mag-open.

I-sign out from her laptop at umupo sa usual na upuan ko sa harapan ng table niya. Umupo si Sky sa upuan niya. She's the boss once again.

"She needed that retreat pero nag-aalala ako kay Margaux." She said.
"That is understandable. She's your friend."
Tumango si Sky.

"When Koko decided na magsettle sa Canada pansamantala, naging mas lalo akong malapit kay Margaux. Sana maging okay na siya pagbalik niya dito."

"You have a beautiful friendship with those two. I admire you when you stand up for Margaux sa hospital."
"Kung wala lang mommy ni Brook at that time, sinabunutan ko yun eh. Kaso, nahihiya ako kay Tita Diane. Mabait kasi siya."
Natawa ako ng bahagya. "Nakakatakot kaya si Maam Diane."
"Mas matakot ka kay Tito Red." She chuckled. "Hawak niya ang Knights of the Leaders."

Huwat?! As in Tito ang tawag niya...

"Natatandaan mo yung haponesa na bigla na lang bumulaga sa meeting?"
Tumango ako.
"Kasama yun sa Knights... uhmmm Shadows ang tawag sa kanila."
Nanlaki yata ang mata ko dahil tumawa si Sky.
"Natatakot ka na ba?"
"Wala akong dapat ikatakot dahil hindi naman ako masamang tao." Sagot ko.

Parang tuwang-tuwa si Sky na torturin ako sa knowledge na sanggang dikit nila ang Knights of the Leaders.

"Business partner ni daddy si Tito Red." Pagpapatuloy niya.
Ohhhh...kay!
"At... kaclose ni Kuya si Kiro." Weehhhh?
"Sino si Kiro?" I asked back.
"Yung Knights na malupit. Pinugutan niya ng ulo ang Tito niya na pumatay sa daddy niya."
Napalunok ako.
"Pero secret lang yun... Kwentuhan lang 'to bakit ka pinagpapawisan?" She has a smirked on her face.

Kailangan mong bumawi... Kakainin ka ng buhay ni Sky sa usapan.
"Aling ulo ang pinutol ni Kiro?" I asked back. Nawala ang ngiti ni Sky.
"Syempre yung ulo."
"Maam, dalawa ang ulo ng lalaki."
Dinampot ni Sky ang paper weight at balak ibato sa akin. Tumatawa akong sumurrender.

"Tuwang-tuwa ka. Akala mo matatakot ako sa kwento mo."
Naningkit ang mata ni Sky.
"Totropahin ko ang mga Knights na yun, makita mo maam."

Winner na naman ako sa argument.

"Hindi mo ako mapapa-give up." Kinindatan ko si Sky bago ako lumabas ng office niya.
Style mo Sky... ako pa tinakot mo.

"Puta, lakas mo ngayon ah." Sabi ng kalaban ko sa Muay Thai. Napahiga ito sa mat at hindi na tumayo.
Ang dami kong energy, hindi ko mailabas lahat.
Humihingal akong tumabi kay Jacob. Isa sa naging kaclose ko dito sa gym. Tropa ko na nga ito.
"Dugo ang ilong ni Fuckboi ah..." Tumango si Jacob sa gawi ni Arman na tinatawag nilang Fuckboi.

Naiimagine ko si Arabella na nakayakap sa akin kaya tinamaan ng malupit si Arman.
"Sure kang ayaw mong sumama sa akin?" Tanong ni Jacob.
Umiling ako. "Puhunan ko ang mukha ko. Bawal magalusan."
He chuckled. "Tanginang model 'to. Hindi ka nga makaporma kay Sky."

"Hayop ka, bakit mo kilala si Sky?"
Hindi ko naman kinukwento sa kanya yun. Chismoso din itong tao na ito.
Tumawa si Jacob. "Taga sa amin yun. Kilala ko yung tatlo."
"So, kilala mo yung Kiro?"

Tumawa si Jacob. "Tangina, wala naman nakakakausap dun kundi yung syota niya saka si Gab." Sagot ni Jacob. "Bakit mo naitanong?"
"Close daw si Chase saka si Kiro."
"Sino nagsabi? Si Sky? Maniwala ka dun."
Napangisi ako. Huli ka, Sky.

"Pwede mo akong gawan ng pabor?" Tanong ko kay Jacob.
"Anong klase?"
Si Jacob ang tipo ng tao na laging may pagdududa sa kausap.
"May kilala kang Knights?"
Naningkit ang mata ni Jacob. Mukhang may alam 'to.

"Tinatakot ako ni Sky sa Knights. May kilala daw siya eh, tropa ng daddy niyayung Leader. Sabi ko totropahin ko sila."
Tumawa si Jacob.
"Yung haponesa na biglang bumulaga sa screen ng meeting room namin, Shadow daw yun."
"Si Sakura... Syota ni Kiro." Jacob commented. Ow... so may alam nga si Jacob.

"Type mo talaga si Sky noh? Sa tatlong magkakaibigan yung masungit talaga ang puntirya mo."
Tumango ako.
"Tara...sama ka sa akin. May ipapakausap ako sa iyo?"
"Teka...sino yan?" Baka biglang ibenta ako nitong si Jacob.

"Si Xykie... isa sa shadow." Sagot niya.
"Tropa mo?"
Umiling si Jacob. Tumayo at nag-inat. "Kapatid ko."

Puta... Parang comics lang ang usapan namin ah. Casual na casual.

Lady Boss (Completed)Where stories live. Discover now