Chapter 26- Sure...Babe

14.2K 480 28
                                    

Juancho

Bakit ba ayaw niyang maniwala na model ako? Loko 'tong babae na ito. Kasalan mo yan kapag nashock ka. Basta ako, sinabi ko sa iyo ha!

Lumabas si Sky na naka two piece na kasing kulay ng kotse niya. Shit... ang sexy ng baby ko.
"Meron ka bang pamalit?" Tanong niya sa akin.
Umiling ako. "Pero naka trunks ako." Nagpipigil ako ng tawa.
She rolled her eyes then went back inside the house. Mayroon siyang dalang board shorts at towel paglabas niya at binigay sa akin. Nice, ang sweet ni baby ko.
"Hintayin mo ako, Sky." Kinuha ko ang shorts at towel at nagpalit sa spare room.
Mukhang commando ako mamaya pag-uwi ah. Lagay isuot ko ang basang trunks over this pants?

Parang natulala ng slight si Sky ng lumabas akong nakaboard shorts at top less. O baka feeling ko lang dahil nakataas ang isang kilay niya sa akin bago siya tumalikod at naglakad papunta sa dagat. Parang nag-aakit pa si Sky na maglakad. Sobrang humaling na ako, huwag mo ng dagdagan.

Hinayaan ko si Sky na maglangoy habang nakatingin sa kanya sa may pampang.
"Oy, hindi ka ba marunong lumangoy?"
"Gusto lang kitang panoorin." I replied.
"Tara na. Presko ang tubig." She said before she dive again.

Sinabit ko ang towel sa puno katabi ng towel niya. Nagkarera kami sa paglangoy ni Sky hanggang mapagod kaming dalawa.

Pagbalik namin sa bahay, saktong nag-aayos na ng lunch ang mag-asawa.
"Manang, mas maganda po siguro kung sa dahon tayo ng saging kumain." I suggested.
Nagkatinginan ang mag-asawa.
"Paanong kakain sa dahon?" Sky asked confused.
"Hindi ka pa nakakakain sa dahon ng saging?"
Umiling siya. Tsk..tsk...
"Then you will experience it today." I said.

Naiiling ang matandang lalaki sa akin. Pumunta sa likod bahay at kumuha ng dahon ng saging. Nilagay nila sa table sa porch ang dahon. Tinulungan ko silang mag-ayos at nanlaki ang mata ni Sky ng ilagay ko ang kanin at mga ulam sa dahon.

"Ganito kumain sa dahon." Inabot ko sa kanya ang isang bowl ng tubig. Nagtataka naman siyang kinuha iyon.
"Maghugas ka ng kamay. Magkakamay tayo."
Parang natakot si Sky sa idea at umiling. "I don't know how to eat with hand."
"Tuturuan kita. Maghugas ka na. Sawsaw mo lang kamay mo sa bowl. Gagamitin ko pa yang tubig."
Tawa ako ng tawa kay Sky. Para siyang nalilito na sumunod sa akin.

"Tara po, kain tayo." Alok ko sa mag-asawa.
"Ay hindi na. Mauna na kayo." Tanggi nila.
"Masarap pong kumain ng nakakamay kapag maraming kasabay." Ang sabi ko.
Natingin sila kay Sky.
"Tara na po. Hindi ko po alam kumain ng ganito." Natawang bahagya si Sky.

Naupo ang mag-asawa sa tapat namin ni Sky. Tinuruan kong kumain ng nakakamay si Sky. Para siyang diring diri ng dumikit ang kanin sa kamay niya. Mga tatlong beses din nalaglag ang dapat na isusubo niya bago niya nagamay ang pagkakamay. Unti-unting naglossen up si Sky at nakipagkwentuhan sa mag-asawa.

"Nag-enjoy ka?" I asked Sky ng pabalik na kami. Namumula ng bahagya ang mukha niya.
"Yes. Thank you."
"Good. Weekend bukas. Mag-enjoy ka. Sa Monday mo na isipin ang trabaho."
"Okay." She replied na walang kontra... Naks.

Nagring ang phone ni Sky kaya hininaan ko ang volume ng speaker.
"Hello."
"Margaux... My God, how are you?"
Mas lalong umaliwalas ang mukha ni Sky. Sana lagi siyang masaya gaya nito.
"Kailan? Okay... promise. Surprise ba?"
Nakinig si Sky sa sinasabi ni Margaux bago tumawa.
"Okay...sige hahatakin ko ang Avatar. Sige...Sige... Send mo sa akin ang itinerary mo. Ingat Margaux. We missed you."
Nakangiting bumaling si Sky sa akin.

"Pauwi na si Margaux. Oh shocks, huwag ko daw sabihin sa iba."
I chuckled a little. "I won't tell a single soul."

Nagring na naman ang phone ni Sky and this time nakakunot ang noo niyang sinagot ito.
"Kuya..."
"What? As in now na? Saan hospital?"
Ano ang nangyari?
"Okay sige...Dederetso kami. Kasama ko si Yuan."
Nakinig si Sky at biglang sumigaw.
"Wala kang pakialam kung sino ang kasama ko."
Hahaha! Kagalit ni baby.

"Yuan, deretcho tayo sa Saint Lukes. Manganganak na daw si Ate Summer." She said.
"Sure babe..." Wala sa loob na reply ko.
"Yuan!" May warning galing kay Boss.
"Sure babe...isang ngiti mo lang. Pawi na ang aking uhaw. Huwag ka lamang tatawa... Baka ako'y malunod na." Bigla akong napakanta. Meron pa kasi akong pa-babe-babe na sinasabi. Okay na eh... Pinagtanggol na ako sa kapatid niya eh.

Biglang tumawa si Sky.
"Ang jologs mo noh?" Sabi niya.
"Ganun talaga ang model. Minsan jologs. Tingnan mo si Dakota."
"Ewan ko sa iyo, Yuan. Pinapangatawanan mo talaga yan."
Bakit ba ayaw mong maniwala?! Sakalin na kita sa yakap ih!

Tinaas na namin ang roof ng kotse ng pumasok kami sa SLEX. Tahimik si Sky at mukhang nag-aalala. Panay tingin sa cellphone niya.

Nasa delivery room pa daw si Summer ng dumating kami. Nandoon din si Tita Yumi at Tito Cloud.
"Anong balita?" Tanong agad ni Sky.
"Nasa loob pa si Cloud kasama ni Summer." Sagot ng daddy niya.
"Good afternoon po." Pati ko sa parents niya. Ngumiti si Tita Yumi sa akin at tinanguan ako ni Tito Cloud.

"Sky, mauna na akong umuwi. Kasama mo naman ang parents mo." Inabot ko sa kanya ang ang susi ng kotse niya. Hindi niya kinuha.
"Eh yung Ducati mo nasa Country Club."
"Kukunin ko na lang sa ibang araw."
She chewed her lips... Baby huwag kang ganyan. Nasa harapan tayo ng parents mo.

"Dalin mo na muna ang kotse ko. Para kapag kinuha mo ang motor mo, swap tayo."
Nagulat pati ang daddy niya sa sinabi ni Sky.
"Hindi na." Tanggi ko.
"Huwag ka ng makulit. Basta ingatan mo lang."
"Sure ka?" Nagtatakang tanong ng daddy niya.
Tumango si Sky. "May tiwala po ako kay Yuan."

Ngumiti ang mommy ni Sky sa akin.
"Sige na Yuan. Dalin mo na ang kotse. Kakaunti ang pinagkakatiwalaan ni Sky." She said.
Wow... parang I love you na din ang sinabi ni Sky sa akin.
"Okay po. Dalin ko bukas yung kotse mo sa bahay nyo."
Tumango si Sky sa akin ng nakangiti.
"Ingat ka." Paalala ni Sky.

Nakangiti akong bumaba ulit sa basement. Fuck... parang gusto kong kiligin. Baka kailangan kong magpagupit... Humahaba na ang hair ko! Hahaha...

Lady Boss (Completed)Where stories live. Discover now