Chapter 9- Concert

14.6K 445 6
                                    

Sky

Grabeng Jaxx ito, pinaiyak kami ni Dakota sa kilig.

"Gravehan si Jaxx." Kinikilig si Koko habang nanonood kami ng kasweetan ng dalawa sa harapan namin. Parang sila lang ang tao dito sa loob ng MOA Arena kung magtitigan si Margaux at Jaxx.

Naku Jaxx, may pogi points ka. Tanggal ang negative points mo sa akin.

Inabutan kami ni Yuan ng tissue.
"Thanks." Sagot namin ni Koko. Nagpahid kami ng happy tears namin. Margaux deserves to be happy.

"And the reason is you..." Pagtatapos ni Jaxx sa sinulat niyang kanta para kay Margaux.

"Ang sweet..." Sabi ni Star na mukhang dalagang-dalaga na sa ayos. Hindi ko akalain na ganito na siya kadalaga? Bunso namin yan eh, although matanda lang ako ng 3 years sa kanya.

Sinamahan namin si Star na pumila sa crush niya. Makilala kaya siya na student siya nito?

"Bru, kinilig ako. Lokong Jaxx yun." Bulong ko kay Margaux.
She's chewing her lower lips bago ngumiti. "Ako din." Sabi niya.
"Margaux..." Malapit ng mangisay si Koko sa kilig.
"Shit... Kinikilig talaga ako. Kapag hindi mo sinagot yang si Jaxx, pwede akin na lang?" Tanong ni Koko.
Hinila ni Margaux ang buhok ni Dakota. Loko...

Tumatawa si Koko na niyakap si Margaux.
"Di ka mabiro... Grave ka." Sabi nito.

One minute nagkukwentuhan kami, the next thing I remember I was calling my friend's name.

"Margaux!" Sigaw namin ni Dakota.

Putok ng baril ang sumunod naming narinig. Si Star tumakbo papunta sa tabi ko. Nanginginig ang kapatid ko.
"Ate..." Sabi niya.

Ano ang nangyari?

"Margaux..." Sigaw ni Mia. "JAXX!"
And Margaux was just there, bleeding.

"Oh God..." Napatakip ako ng bibig.
"Stay here." Sabi ni Yuan.

Hindi kami makakilos. Kaming tatlo. Yuan helped Jaxx para itagilid si Margaux.

"Oh my God... Margaux." I shouted.
"Stay back, Sky." Utos ni Yuan sa akin ng lumapit ako sa kanila.

Nagkakagulo ang mga tao... Sino ang bumaril?

The securities are everywhere.

"Medic..." Jaxx shouted.

Dumating ang medic at kinuha agad si Margaux. Sumunod si Dakota at si Yuan papunta sa ambulance. Nanlalambot kami ni Star na naupo sa floor. Doon kami naabutan ni Kuya Chase.
"Sky..." Inuga ako ni Kuya. Umiiyak kami ni Star at nakayakap siya sa akin.
"What happened?" Tanong ni Kuya.
"Mabaril si Margaux." I whispered.
"What? Ho..How?" Nagkandautal si Kuya. Yumakap kaming dalawa ni Star sa kanya.

Si Mia kinakalma ni Ralph.

"She was shot." Nadidinig ko pang sabi ni Mia.

Tumatakbong bumalik si Dakota at Yuan. Puro dugo si Yuan sa damit.
"Sky, sasama ka ba sa hospital? Susunod kami ni Jua...Yuan." Sabi ni Dakota.
"Kuya, ikaw na mag-uwi kay Star. Pupuntahan lang namin si Margaux."
"Ate, sasama ako." Star murmured.
"No... Sumama ka sa akin. Kapag stable na si Margaux, doon ka pumunta." Tinanguan ako ni Kuya.

Pinahiran ko ang mga luha ko at itinayo ako ni Dakota. Mabilis kaming kumilos at pumunta sa parking lot.

"Kotse ko na." I said.
"Let me drive." Sabi ni Yuan. Binato ko sa kanya ang susi. Pumwesto si Koko sa likod at ako naman sa passenger side. Tahimik kami habang papunta sa hospital.

"Jaxx... Si Margaux?" Tanong ni Koko ng makita naming naka-upo si Jaxx sa tapat ng ER. Puno siya ng dugo at mukhang magwawala na any minute.
"Nasa ER. Pinalabas nila ako." Sagot ko. "Si Star? Nadamay ba?"
"Pinauwi ko kasabay ni Kuya." I replied.

Sunod na dumating si Mia at Ralph.
"Si Margaux?" Umiiyak na tanong ni Mia.
Kinalma ko ang sarili ko. Hindi kasalanan ni Mia pero ang sarap niyang sapakin. Ngayon, iiyak-iyak ka, after ng mga ginawa mo sa kaibigan ko.
"Nasa ER." Sagot ni Yuan sa kanya.

Kumalma ka Sky. Walang may gusto sa nangyari.
Kumalma ka Sky. Walang may gusto sa nangyari.
Kumalma ka Sky. Walang may gusto sa nangyari.

Paulit-ulit kong binubulong ito sa sarili ko.

Dumating si Tita Kaye kasama si Tita Diane at ang parents ni Jaxx. Umiiyak na naupo si Tita Kaye habang wala kaming nagawa kung hindi maghintay.

Dumating sila Brook. Bakit ka nandito, gusto kong itanong. Pero Sky, kalma lang. Kumalma ka.

"Bakit nabaril si Maragux? May nasabi ba siya kaya siya binaril?" Tanong ni Brook na nakapagpapantig ng tenga ko.

"Ano?" Madiin na tanong ko.
"Sky..." Awat ni Koko sa akin. "Kumalma ka." Bulong niya.
"Ano yang sinabi mo, Brook?" Tumayo ako at hinarap si Brook.

"Bakit nabaril si Margaux? Dahil sinagip yang kaibigan nyo. Iyon ang nangyari." Sigaw ko sa pagmumukha niya. Putangina, maghahalo ang balat sa tinalupan ngayon.
"Sky tama na..." Awat ni Dakota sa akin. At kahit matangkad si Koko, kumawala ako sa pagkakahawak niya. Even Yuan tried to calm me.

"Sky... relax lang. Hinga..." Sabi ni Yuan but I pushed them aside.

"Sige Brook... magsumbatan tayong dalawa dito. Tutal sinimulan mo na... Ano ang ginawa sa iyo ni Margaux, ha? Si Margaux... na walang ibang inisip buhat ng bata siya kung hindi iligtas kayong tatlong magkakapatid sa lupit ng Lola niya. Si Margaux, na pinagkaisahan ninyong lahat. Instead of reaching out, you turned your back on her. Kayo dapat ang umiintindi sa kanya dahil pinsan niya kayong tatlo."

Kung wala lang ang mommy ninyo, pinagmura ko kayong tatlo.

"Sky... Kumalma ka. Hindi gusto ni Margaux yang ganyan." Hinaharangan ako ni Dakota. I stepped aside at nilagpasan siya. She looked me in my eyes and she knew she can't calm me now.

Abo't-abot na sumbat ang nadinig ng tatlong magkakapatid hanggang sa napayakap si Brook kay Rome at umiyak. Tama yan, umiyak kayo. Huwag lang may mangyaring hindi maganda kay Margaux, makakatikim pa kayo sa akin.

"Dahil kung hindi sinagip ni Margaux yang magaling ninyong kaibigan... malamang siya ang nasa ER at hindi ang kaibigan ko." Sigaw ko sa kanila. Napayuko maging si Mia.

"Ulitin mo ngayon Brook ang sinabi mo...sa harapan ni Tita Kaye."
"Hindi ko alam." Mahinang sagot ni Brook.
"Of course hindi mo alam. Hindi ka naman nagreach out eh. Pinili nyo siyang talikuran." Sagot ni Dakota sa kanya.

Napayuko si Dakota at umiiyak sa tabi ko. Si Yuan ang naging suporta naming dalawa ni Koko.
"Sky...tama na. Hayaan mong humupa ang galit mo. Kumalma ka." Yuan talked to me in soothing voice.
"Here..." He gave me a handkerchief.
"Thank you." I said to him.
Tumango lang si Yuan sa akin.

Lady Boss (Completed)Where stories live. Discover now