Chapter 33- I'm All Yours

16.5K 479 11
                                    

Sky

"So... sa bahay ka nya natulog kagabi?" Usisa ni Maragux sa akin.
Nakaupo kami sa Starbucks sa Downtown at pinahirapan na naman ni Koko ang barista. Sinama ni Jacob si Yuan somewhere kaya solo ako nitong dalawa sa panggigisa nila.
Tumango ako at uminom ng kape.
"May ganap?" Tanong ni Koko.
Umiling ako. "He is a perfect gentleman."
"Sabi na pagong si Juancho eh." Sagot ni Koko. Naghigh five sila ni Margaux.
"Bago pa lang naman sila." Margaux commented.
"Kayo ba merong ganap?"
Ngumisi si Margaux... at umikot ang mga mata ni Dakota.

"Paanong magkakaganap wala namang jowa. Yung nakakadate ko panay unang date lang. Hindi ko alam kung bakit hindi na nasusundan." Frustrated na sagot ni Dakota.
"Pangit ba ako?" She asked.
"Ano pa tawag mo kay Arabella kung pangit ka?" Mapaklang sagot ko.
Nagtawanan sila.
"Ano balak mo kay Ara?" Margaux asked before she sip her coffee.
"Sabi ni Yuan, hayaan ko na daw. Pero tatanggalan ko na talaga sila ng allowance. Leche siya... titirisin ko talaga ang lamang lupa na iyon." Nanggigigil talaga ako.

"Nakahanap ka na ng bagong assistant mo?" Koko asked me.
Umiling ako. "Pero may irerecommend daw si Tito Neil so let's see."

"Hello Dakota. Where's Juancho?"
Bila na lang may umupong babae sa pagitan nila Margaux at Dakota. At nakaharap siya sa akin.
"Ruby... Wala si Juancho."
"Parang natanaw ko siya kanina lang." Sagot nito.
Tumaas ang isang kilay ni Margaux. At bakit mo hinahanap ang boyfriend ko?

"Oh hi. Mind if I join you?"
"Yes. I do mind actually." I replied. Hindi kita vibes.
"Come again?"
"Kakaunti ang pasensya ko sa mga taong bingin. Maraming vacant table. Pwede bang lumipat ka?"
Naplaster ang ngiti ni Dakota.
"How rude... Mukha ka lang mayaman pero ugaling dukha ka." Sabi nito sa akin.
"Okay that's it. Hoy ikaw babaeng peke ang pagkatao mula ulo hanggang paa... Sino ang sinasabihan mong ugaling dukha? Friend ka ba namin para sumama ka sa amin? Umalis ka bago ko pa buhusan ng mainit na kape yang boobs mo at matunaw yan."
Napatingin sa amin ang iilan na nakaupo sa ibang table. They know me so chill lang sila.

"Who do you think you are?" Tanong nitong Ruby. Kinuha nito ang kape ni Margaux at balak na ibuhos sa akin pero tinabig ni Margaux kaya kay Ruby nabuhos.
Napasigaw si Ruby at napatayo.
"Kung wala kang pambili ng sarili mong kape, huwag kang tumambay dito. Kape ko yang kinukuha mo. Ayan sige, inumin mong lahat." Binuhos pa lalo ni Margaux ang kape niya kay Ruby.
Tuwang tuwa naman si Koko at hindi umaawat.
"Sira ulo ka. Kami pa ang sasabihan mo na dukha. Kaya kong bilin yang lupang tinatapakan mo." Sigaw ni Margaux sa kanya.
"Margaux, ugaling dukha lang daw..." Pagko-correct ni Dakota.
"Allergic ako sa salitang yan." Sagot ni Margaux. Nag-uumpisa na siyang mamula.

"Hey what happened in here?" Tanong ni Tito Neil. Tinutulungan niyang punasan si Ruby.
"Pinagtulungan nila ako." Sumbong ni Ruby. Naningkit ang mga mata ni Tito Neil sa amin.
"Ano ang nangyari dito?"
"Syota mo ba Tito Neil?" Balik na tanong ni Dakota.
Hindi sumagot si Tito Neil.
"Hinahanap niya kasi si Juancho na boyfriend ni Sky. Eh pinapaalis siya sa table. Biglang nagdrama yang syota mo. Sinabihan pa si Sky na ugaling dukha. Ayan ang nangyari sa kanya." Medyo shortcut na kwento ni Dakota.

"Hindi iyan ang nangyari." Angal ni Ruby.
"And now you are accusing me of lying." Parang nahurt si Koko pero nantatarantado lang naman sya.
"Paano pa ako haharap sa mag-iinterview sa akin nito?" Naka-pout na tanong ni Ruby.
"Inaway mo yang magiging boss mo sa tingin mo kukuhanin ka pa?" Sarcastic na tanong ni Tito Neil sa kanya. Napatingin sa akin si Ruby.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ayaw ko sa iyo." Matabang na sagot ko.
Umiiling na umalis si Tito Neil. Masama naman ang tingin ni Ruby sa amin bago siya sumunod kay Tito.

"Kaya kong bilin yang lupang tinatapakan mo." Panggagaya ni Koko kay Margaux na ikinatawa namin.
"Tita Diane would be so proud of me." Margaux joked.
"Oo... Hintayin mong makarating sa daddy mo yan. Grounded ka na naman." I said.
"Huwag naman sana. But knowing this place... baka mamaya lang pagsasabihan na ako ni daddy and I'm not looking forward to it." Margaux murmured.

"Kaninong kape yang natapon?" Tanong ni Yuan. Yumakap siya sa likod ako at humalik sa pisngi.
Hindi pa ako sanay sa PDA... jusme. Lalo at nanunukso ang mukha ni Dakota.
"Kape ni Margaux na dumapo sa katawan ng ex mong si Ruby." Sagot ni Dakota.
"So ex mo yun?" Biglang nag-init ang ulo ko.
"Uh-oh... Lagot ka Juancho." Sulsol ni Jacob.
"Ano ang ginawa sa inyo?" He asked back.
"Relax Juancho. Mukha kang hihimatayin, nagtanong lang naman si Sky." Tawa ng tawa si Dakota.
"Ex naman yun. Hindi ko na kinakausap." Paliwanag niya.
"Hinahanap ka." Napataas ang isang kilay ko.
"Hala ka, Juancho." Sulsol pa rin si Jacob.
"Lumayas ka nga Jacob. Sulsol ka pa." Juancho said to his friend.

"Babe... I am all yours."
"Ayyiiieee, landi mo Juancho." Tukso ni Koko.
"Siguraduhin mo. Kahit friends kayo ni Kiro kay Tito Red kita ipapahunting kapag nagluko ka." Banta ko sa kanya na ikinatawa lang ni Yuan.
"Tropa kami ni Tito Red." He replied.

Lady Boss (Completed)Where stories live. Discover now