Chapter 10- Palit Anyo

14.8K 472 22
                                    

Juancho

Paglabas ni Sky at Dakota galing ER dahil nagbigay sila ng dugo kay Margaux, naupo sila sa tabi ko. Binigyan ko sila ng tubig at bread na nabili ko sa labas.
"You have to eat." Sabi ko kay Sky. Malungkot ang mga mata niyang tumingin sa akin.
"In case Margaux needs you more, kailangan may lakas ka."

Mayroon isang luha na pumatak mula sa mata niya na pinunasan ko agad.

"Thank you." She replied.

Hindi ako umuwi kahit ilang beses na nila akong sabihan ni Koko. Mas kailangan nila akong dalawa. Kiniwento nila ang ginawa ng Lola ni Margaux sa kanila. Diyos ko, may ganun pala talagang kasamang tao.

Although naawa ako kay Jaxx, may pagkatanga din kasi siya. Tangina, bakit ka makikinig sa sasabihin ng iba kung mahal mo ang isang tao? But then again, wala ako sa position niya. Maaaring napagod na din niyang lumaban sa mga oras na iyon.

"Tita, papayagan mo bang manligaw ulit si Jaxx kay Margaux?" Tanong ni Dakota kay Maam Kaye. Nangiti si Tita kahit umiiyak. Sira ulo talaga 'tong Dakota na ito.

"Nakakakilig kaya yung ginawa niyang kanta para kay Margaux." Tuluyan ng ngumiti si Tita Kaye sa sinabi ni Koko. Maging si Sky napangiti ng kaunti.
"Naging fangirl tuloy ako ng wala sa oras."  Dagdag ni Koko.

"Basta mahal si Margaux, kahit sino. Pero plus point sa akin ang magaling gumawa ng kanta." Sagot ni Maam Kaye.

Pinaakyat kami ni Sir Angel sa kwarto na kinuha nila. Pag-upo pa lang ng tatlo ay nakatulog na agad. Si Sky at Dakota sa mahabang sofa. Si Jaxx naman sa pang-isahan.

Pumunta ako sa nurse station para magrequest ng kumot. Kinumutan ko muna silang tatlo bago naupo sa sahig sa tapat ni Sky.

"Goodnight, boss." I whispered bago ako sumandal sa sofa na hinihigaan niya.

Nagising ako sa tapik sa balikat ko. Pagmulat ko ng mata si Maam Kaye ang bumungad sa akin. Sinenyasan niya ako na sumunod sa akin. Lumabas kami ng kwarto para hindi magising ang ibang natutulog.

"Maraming salamat sa tulong. Bakit ka naman sa lapag umidlip? May vacant namang kama, Juancho." Sabi ni Maam Kaye.
"Namumukhaan nyo po ako?" Biglang nawala ang antok ko.
"Oo naman. Nagtataka nga ako kung bakit ganyan ang ayos mo." Sabi ni Maam Kaye.

"Si Margaux po?"
"Nasa ICU. Under observation pa pero naoperahan na." Inabot ni Maam Kaye ang dalawang paper bag sa akin.
"Magpalit ka na ng damit mo. Puro ka pa dugo. Maraming media sa labas." She warned me.
"Thank you po." Inabot ko ang paper bag na binigay niya sa akin.
"Maam, huwag nyo po ako sanang isumbong kay Sky."
Ngumiti si Maam Kaye saka tumango.

Whew...

I clean up myself at bakit sakto ang binigay na damit ni Maam Kaye? Paano pa ako makakapagtago nito as Yuan? Inayos ko na lang ang buhok ko sa abot ng hawi na makakaya ko at isinuot ang walang kagrado-gradong salamin.

Nakatayo ako sa bintana at tinatanaw ang mga media sa baba ng magising si Jaxx.

"Maraming media sa labas." I informed him.
"Si Margaux? May balita na ba? Anong oras na?" Sunod-sunod na tanong niya.

Tinuro ko ang isang paper bag na nasa table.

"Magpalit ka muna, bilin ni Maam Kaye. Pwede ka namang maligo din. Nasa ICU si Margaux. Under-observation daw sabi ni Maam Diane." I replied. Kakalabas lang ni Maam Diane. Under observation pa nga daw si Margaux.

Walang kibo si Jaxx na pumunta ng banyo at naligo. Nagising naman si Dakota at Sky. Nakakunot ang noo ni Sky ng matingin sa akin.

"Yuan?" Nagtataka siya.
"Yes boss?"
"Teka! Bakit nagpalit anyo ka?" Tanong ni Dakota.
"Binigyan ako ng damit ni Maam Kaye. Medyo masikip nga eh." I lied.

Parang natuklaw ng ahas si Sky. Namumukhaan mo na ba ako?

Dumating si Sir Chase at ang pinsan ni Margaux. May dala silang coffee at bread.

"Sino ka?" Tanong ni Sir Chase sa akin. Napatakip ng kumot si Koko sa mukha para itago ang tawa.
"Si Yuan, Sir." I replied.
"Ahhh..." Sabi nito at inilapag ang mga dala nila.

Pumunta si Jaxx sa ICU at naiwan kaming lima sa kwarto.
Kumakain kami ng pumasok sila Maam Kaye, Maam Diane at Sir Angel.

"Kamusta na po si Maragux?" Tanong agad ni Sky.
"Naoperahan na, Sky." Sagot ni Maam Kaye.

Nakishare sila sa amin sa pagkain ng tumunog ang phone ni Maam Kaye...
"Hello, Merj."
Alert lahat ng marinig ang name ng tumawag.
"Nasa baba daw si Tita Laura." Sabi ni Kaye.
"Ako ang bababa..." Sabi ni Maam Diane. Mabilis siyang lumabas ng kwarto.
"Whoa... lagot si Lola." Bulong ni London.

Masid-masid lang ako sa kanila. Family issue ito at mahirap ng sumabat. Baka masabihan na naman ako ni Boss.

"Ano kaya ang gagawin ni Tita Diane?" Tanong ni Koko.

"Kids, labas muna kayo." Sabi ni Maam Diane pagbukas niya ng pintuan. Hawak-hawak niya sa braso ang isang matandang babae. Nagpulasan agad sila Dakota. At dahil may pagkachismoso ako, hindi ako kumilos hanggang sa hilahin ako ni Sky palabas. Nagkaholding hands kami. Sa kanya wala lang pero sa akin may malisya na.

Nakinig sa pintuan si Sky, Dakota at London pagkasarado nito. Nakatayo naman kami ni Sir Chase sa likod nila.

"Ano ang ginawa mo sa anak ko, hayop kang matanda ka?" Tanong ni Maam Kaye. Rinig sa labas ang galit niya.

"Ohhh...Loko." Comment ni Sky.
Napapailing na lang si Sir Chase. Nakakatakot nga silang makalaban. Rinig namin ang galit ng mga magulang ni Margaux.

"Alam mo na ang daan palabas, Laura. Tandaan mo ang sinabi ko sa iyo." Sabi niMaam Diane.
Napaderetso ng tayo ang tatlong nakikinig sa pintuan.

Napasandal kami sa pader ng dumaan ang matanda palabas ng kwarto. Sinundan namin siya ng tingin habang papalayo.
"Ano ang narinig ninyo?" Tanong ni Maam Diane.
"Umm... Lahat, mommy." Sagot ni London.
"Pumasok na nga kayo, mga chismoso." Utos ni Maam Diane sa amin.

"Kailangan kong makausap si Red. Kailangan ko ang Knights..." Sir Angel said.

Is he referring to the Knights of the Leaders? Sa elite soldiers talaga sila lalapit? WTF... tama nga ang banta ni Koko at Margaux sa akin. Kaya nila akong hanapin kapag nagloko ako.

Lady Boss (Completed)Where stories live. Discover now