Chapter 2- Eye Sore

21.4K 465 11
                                    

Sky

"Yuan, come in." Tawag ko kay Yuan sa intercom.
Pumasok si Yuan na parang galing siya sa panahon bago mauso ang salitang slim fit. Ang luwag ng pants niya, at ang luwag ng polo. Naka-neck tie pa na Looney Tunes. Ang tangkad niya din at medyo yukos. Bukod tanging ang mata niya ang maganda sa kanya.

"Yes, Boss."
Kung hindi lang sharp 'tong isa na ito sa details ng work, baka tinanggal ko na. Sakit sa eyes minsan.
"Wala ka bang ibang damit?" Tanong ko sa kanya.
"Comfortable ako dito sa suot ko, Maam." He replied.

"Anyway, I want you to call Arabella..." Sabi ko. Yuan flinch.
"May reklamo ka?" Tanong ko.
"Wala naman akong sinabi, maam." Sagot niya pero mukhang ayaw niyang gawin.

Sorry ka, ako ang boss mo. Ayaw ko ngang kausap kaya pinapatawagan ko sa iyo.

"Tawagan mo si Arabella at sabihin mo na tumawag sa akin ang Dean ng school niya. Huwag kamo siyang mag-inarte at hindi siya kagandahan. Kapag kamo hindi siya tumino, ipapakick-out ko siya sa University dahil sa kaartehan niya." Bilin ko kay Yuan.

Sira-ulong Arabella yun, akala mo kagandahan kung makipag-away at manabunot ng kaklase.

"Noted. I will tell her that word by word." Sagot nito. Hindi ko alam kung nanlalako siya minsan kung sumagot.
"Please do so..." I said. "Umupo ka kaya? Ang tangkad mo eh." Pinaupo ko si Yuan sa harapan ng table ko.

Habang nagdidikta ako ng mga gagawin niya, biglang bumukas ang pintuan at pumasok ni Margaux at biglang umiyak.

Napalaki ang gray na mata ni Yuan at hindi alam kung aalis ba siya o mag-stay dahil hindi pa kami tapos mag-usap.

"Maam, sa labas na lang ako." Paalam ni Yuan.

"Hindi... Diyan ka lang. Ikaw ang sumagot sa mga tanong ko. Bakit kayo umaalis ng hindi nagsasabi kung bakit? Ha? Sumagot ka?" Tanong koni Margaux.

"Hindi ko alam ang isasagot ko." Napakamot ng ulo si Yuan.
"Ano ba kasi ang sinabi mo bakit pinagtanggol ni Jaxx si Mia?" Tanong ako.

Tanginang Jaxx talaga na ito. Nananadya na din eh. Kinuwento ni Margaux ang nangyari. Naaintindihan ko siya... Pero lagay namang sulsulan ko ang selos niya. So I reverse the situation para naman kahit paano ay tigilan na niya si Jaxx.

"Eh ikaw naman pala ang nagsimula eh." Sabi ko na lang. Margaux, awang-awa na ako sa iyo.

"May boyfriend si Mia... at mukhang platonic lang naman ang tingin ni Jaxx at Mia sa isa't-isa. Mia acted the same way with the rest of the band. Masyado ka lang nagseselos sa kanya kaya tinatarget mo siya Margaux." Pangaral ko kahit na napaka-clingy kung minsan ng Mia na iyo kasi.

"Mag-usap kasi kayo ni Jaxx. Kayong dalawa ang may issue hindi ikaw at si Mia. She maybe doesn't even know na naging kayo ni Jaxx." Payo ko. I can't believe na pinagtatakpan ko si Mia.... Leche!

"At pwede ba... makipagbreak ka na sa syota mo kung hindi mo naman talaga siya gusto. Ginawa mong panakip butas si Paulo. Para kayong nag-gagaguhan na dalawa." Bakla yung Paulo na iyon.

"Sorry, sinong Paulo?" Sabat ni Yuan.
"Paulo Frankston." Sagot naman ni Margaux.

Pinigil ni Yuan ang matawa. Kita mo na...kahit 'tong baduy na assistant ko kilala si Paulo.

"What? What are you laughing at?" Singhal ni Margaux habang nagpupunas ng luha.
"Sorry... Pero bakla si Paulo." Sabi ni Yuan.
"Pati ba naman ang assistant mo, chismoso." Sabi ni Margaux sa akin.

"Ikaw lang talaga ang hindi nakakakita na bakla ang syota mo." Natatawang sagot ko. See, pati mga alagad ng kabaduyan, kilala si Paulo na bading.

"Paano mong nalaman?" Naiinis na tanong ni Margaux kay Yuan.
"Gurl, malabo lang ang mata ni Yuan pero hindi siya bulag." Katwiran ko.

"Hiwalayan mo na. Please lang. Mas makinis pa ang mukha sa akin ng lalaking iyon." Sabi ko na ikinatawa ng slight ni Margaux.

"Hihintayin kong umuwi galing sa Singapore." Sabi niya.
"Uh..."
"Ano yun, Yuan?" Naasar na tanong ni Margaux. Si Yuan na ang napagbalingan ng inis.

Umiling si Yuan.
"May sasabihin ka eh. Sabihin mo na." Pamimilit ni Margaux.
"Okay... I heard na wala si Paulo sa Singapore. Nandito lang siya sa Edsa Shangrila sa Mandaluyong. Naka-staycation." Sagot ni Yuan.

Gusto kong tumawa kung hindi lang maiiyak na naman si Margaux sa inis. Jusme, chismoso 'tong si Yuan. Nagbabasa ba ito ng entertainment section sa broadsheet?

"Paano mong nalaman yan?" Nagtatakang tanong ni Margaux. Tuluyan na siyang tumahan at mukhang naguguluhan na sa assistant ko.

"Maliit lang ang fashion industry." Sagot ni Yuan.
"Bakla ka din ba?" Tanong ni Margaux sa kanya. Tumawa ako. Kung bading si Yuan, siya ang unang bading na baduy na nakilala ko.

"Hindi ah..." Sagot ni Yuan sabay talikod at iniwan kami.

"Hala, na-offend ko yata si Yuan." Sabi ni Margaux.
"Huwag ka na kasing magpumilit mag-joke. Alam naman nating waley ang mga jokes mo." I replied.
"Dami kasing alam ng assistant mo eh." Sagot ni Margaux.
Sinabi mo pa.

"Okay ka na?"
Tumango si Margaux.
"Mahal mo talaga noh?"
Malungkot na tumango si Margaux.

Lady Boss (Completed)Where stories live. Discover now