Chapter 5- Mowdel

15.2K 464 11
                                    

Sky

Nanood ako ng fashion show ni Tita Kaye. Support na din kay Koko na rumampa dito.

Mukhang may international model na kasama bukod kay Koko dahil nagbulungan ang mga nasa tabi ko ng lumabas ang isang lalaki at rumampa. Slim fit at mukha ngang international model.

Hipon na naman ito. Sa loob-loob ko. Puro mukha, walang utak for sure.

Napatingin sa akin ang model at tinaasan ko siya ng kilay. At ewan ko ba, bigla siyang nagsmile bago siya lumagpas sa akin. Pwede naman palang ngumiti, bakit poker face ang mga model kapag lumalakad?

Hate na hate kong kumausap sa mga taong pinagkaitan ng common sense. Mga taong puro pagkikilay ang alam. Sabaw ang utak, uhhh please... Layuan nyo ako.

Tinatawanan nga ako ni Margaux at Koko kapag may gathering. Hindi talaga nawawalan ng shunga sa isang party. Yung tipong, ay... maganda lang si ate or ay... hipon si kuya... Mas attractive kaya ang matalinong tao. Yung may sense kausap. Yung may laman ang conversation hindi yung puro... "gurl, nalasing ako kagabi...as in super lasing. I was like nagising sa hindi ko place. And ops... I need to make takas before magising yung kasama kong guy kagabi."... kind of kababawan.

I am not judgemental... okay medyo judgemental ako... okay JUDGEMENTAL na ako. Una kong tinataasan ng kilay ang mga modelo. Dakota is exception to the rule dahil matalino ang avatar na iyon, but majority? No... they are hipon. Tapon ulo, katawan lang ang puhunan.

Okay lang magkamali sa harapan ko.... Hindi ako perfectionist. Pero kapag kinorrect ka naman, huwag ng mayabang pa. Doon talaga ako nauubusan ng pasensya.

Speaking of matalinong tao, ang assistant ko, biglang nawala sa Earth. Hindi nagrereply maghapon. Naku, tatamaan sa akin ang lalaking ito sa Monday.

Sky, may date yung tao. Nagpaalam nga sa iyo. Huwag mong istorbohin.

Si Yuan? May date?

Bakit? Tao pa din yun. Lalaki pa din sya... at aminin mo, matalino si Yuan.

I rolled my eyes dahil sa dialogue ng utak ko.
Oo na. Matalino siya.

Natapos ang fashion show ng hindi ko namamalayan. Dahil obligation kong puntahan ang dalawa kong kaibigan sa back stage kaya nakipila ako para pumuntasa likod.

Si Koko, naka runway dress pa ng makita ko.

"Congratulations, Dakota. Kahit hindi ka man lang ngumiti kanina." I said. Hindi ko pinansin ang lalaking katabi niya.
"Thank you, Sky. Alam kong hectic sched mo." Sabi ni Koko.
"Oh gosh, you are here." Sabi ni Margaux. Nasurprise siya dahil ayaw ko talagang ganitong event.
"Syempre naman. Support sa mga friends.' I replied.

"Ummm... Sky, this is Juancho, the model of the year ng GQ Magazine... Juancho thisis Sky, our friend." Pagpapakilala ni Dakota sa lalaking katabi niya. Nakabukas ang polo nito at kita ang abs.
"Hi..." Sabi ko. "Anyway, I better go. Ang lecheng assistant ko hindi nagrereply."

Nagtawanan si Margaux at Dakota. Nawala naman ang smile ni... ano nga name niya?Hindi ko naman kasi pinansin.

"Grave ka, bigyan mo ng off yung tao." Margaux commented.
"Can you believe na maaga siyang umuwi kahapon? At mukhang may date..." Kwento kosa kanila.
Nagtawanan na naman si Margaux at Dakota. At nasamid si...ah basta siya. Nasamid siya.
"Mabuti pa si Yuan, may date. Ikaw, kailan ka makikipagdate?" Tukso ni Koko saakin.
"That is not the point. May pinapa-email ako sa kanya pero hindi niya sinesend sa akin until now."

"Umm... have you check your spam email?" Sabat ng kuneho na katabi ni Dakota.
Naningkit ang mata ko.
"Am I talking to you?" I asked.
"Sorry... It's just a suggestion." Sagot ng kuneho.
Hindi maitago ni Margaux at Koko ang tawa nila.

"Sky...chill out." Dakota said to me. "Labas tayo after nito."
"I can't. Bawi ako sa inyo next time. Promise!"
"Para ka ng si Kuya Chase." Margaux said to me.
I made a face. "Nakakaloka nga ang work load eh. Idagdag mo pa si Arabella. Uggghhh, headache. Bye...ingat kayo ha." I kissed both of their cheek and without looking back, I went out of the venue.

Habang papunta ako sa kotse, tiningnan ko ang spam email ko. Shit... Nandoon nga ang email ni Yuan. Kahapon nya pa sinend sa akin.

Lady Boss (Completed)Where stories live. Discover now