Chapter 22- Gangster si Ateng

13K 411 12
                                    

Juancho

Dumaan muna si Sky sa Management Office bago pumunta sa meeting room. Ramdam ko ang takot sa mga nasa management.

"Nasaan ang Plant Manager?"
"Nasa vacation leave, maam." Sagot ng HR.
"Sino ang makakausap ko in her behalf?"
"Wala maam. Siya talaga ang gumagawa ng mga decisions dito." HR Managerreplied.
"So kung mamatay yung Plant Manager, wala na din kayong silbe, ganun?" Sarcastic natanong ni Sky sa kanila.
Itinago ko sa ubo ang pagtawa ko.

"Sorry...Excuse my... coughing." I said. She's on fire again...and she will fire someone again.
"Maam, can we postpone your meeting with the operators? Hanggang makabalik si Manager, sana." Suggestion ng HR.
"So kailangan ako ang mag-adjust sa inyo? Hindi naman nakakahiya na gusto mo akong paalisin sa sarili kong planta." Sagot ni Sky. Napayuko ang lahat ng nasa Management office. Tsk...Tsk... mali kasi kayo, nagdadahilan pa.

Tumalikod si Sky at dere-deretsong lumabas ng office. Nagmamadali akong sinundan siya at baka pagalitan ako. Madamay ako sa sisisantihin.

Pinilit ni Sky na kalmahin ang mukha niya bago pumasok sa meeting room.
"Good morning." Bati niya sa mga takot na operator.
Nasa meeting room din ang Operation's Manager. Umupo si Sky sa upuan sa harapan. Tumabi ako sa Operation's Manager at nakinig na lang sa sasabihin

"Dalawa lang ang tanong ko sa inyo. Ilang taon na kayo nagtatrabaho dito? At kung regular na kayo?"
Nagkatinginan ang mga operator.
"Sige lang, sumagot kayo. Wala namang masama." I encourage them. Mukha silang takot magsalita.

"Maam, baka kailangan nating kuhanin ang mga pangalan nila." I said.
"Please do so, Yuan." Sagot ni Sky.
"Pakipasa ang mga ID sa akin." I said to the operator.
Tumabi ako kay Sky para may table ako at tinype ko lahat ng pangalan ng nasa ID sa tablet ko. Tinanong niya kung ilang taon na nagwowork ang bawat empleyado. Hindi siya huminto hanggang makuha niya ang name ng lahat ng nasa shift na iyo.

More than 5 thousand operators and not a single one is regular.
"What are they doing to those people?" Bulong ni Sky ng lumabas ang huling operator.
"Maam, pwede po bang maging tapat ako sa inyo?" Tanong ng Operation's Manager.
"Sige po. Ano po ang pangalan ninyo?"
"Rogelio Santos po." Sagot naman ni Kuya.
"Maam, meron pong rally na naganap noong isang buwan dito. At mayroon mga nasaktan na mga manggagawa dahil sumama sila sa rally laban sa Management. Nasaktan po ang mga manggagawa at hindi po pinabalik sa planta. Nabalitaan po kasi namin na pinaparegular na ang mga operator pero hindi pa po ginagawa sa mga tauhan namin kaya po nag-rally ang ilan."

Ramdam ko ang galit ni Sky at ang awa niya sa mga operator nila. Gusto niyang itama ang lahat pero ayaw sumunod ng karamihan. Hindi niya pwedeng gawin ito ng mag-isa.

"Meron po bang... malubhang nasaktan?" She asked.
"Mayroon pong isang manggagawa na namatay dahil sa mga bote na binato nila para hindi makapasok ang mga nagrally.." Sagot ni Mang Rogelio. Napatakip ng mukha si Sky.
"Lima po ang naiwang anak ni Waldo. Isa po siya sa visor ko."
Pinipilit ni Sky na labanan ang mga luha niya. Her eyes are now misty pero pinapakita niya ang tatag niya sa sitwasyon ito. Pinipilit niyang huwag pumatakang mga luha.

Sky cleared her throat.
"Yuan, please stay in contact with Mr. Santos regarding this...incident."
Binigay ko ang calling card ko kay Mr. Santos.
"Pakitawagan nyo po ako or kahit text message lang po. Ako po ang tatawag sa inyo. Iko-coordinate ko po ito sa HQ."
"Salamat po. Salamat Maam Sky. Hulog ng langit ang iyong pagbisita ngayon." Si Mang Rogelio ang tuluyang umiyak.

Tahimik si Sky habang paalis kami ng planta.
"Maam, gusto nyo bang dumaan muna sa resto? Hindi pa tayo kumakain ng lunch."
"Kayo na lang ni Mang Dan ang kumain. Wala akong gana." Sagot niya.
Baby...hindi pwedeng ganyan.

"May sumusunod sa atin..." Bulong ni Mang Dan sa akin.
Isang itim na van ang nasa likod namin ang pilit na nag-oover take.
"Sky, magseat belt ka." Utos ko na nakapagpalingon kay Sky sa akin.
"Bilisan mo lang Mang Dan."

Binilisan ni Mang Dan ang pagmamaneho niya... ganun din ang ginawa ng nasa van.
"Shit..." I said.
"Ano ang nangyayari?" Tanong ni Sky habang nagsusuot ng seat belt.

Tinawagan ko si Jacob... tangina, siya lang ang Knights na kilala ko na malapit.
"Kupal... problema mo?" Sagot ni Jacob.
"Merong sumusunod na van sa amin. Walang plate number." I said.
"Puta... nasaan kayo? Sino kasama mo?"
"Sa Laguna. Si Sky at ang company driver ang kasama ko. Tinted ang van..."
"Loud speaker mo ako." Utos ni Jacob.

Niloud speaker ko si Jacob.
"Okay, driver... naririnig mo ako?" Tanong ni Jacob...
"Oo." Sagot ni Mang Dan na nasa daan pa rin ang mata.
"Sino yan?" Nagsisimula ng magpanick si Sky.

Nawala sa line si Jacob at pumalik ang boses ng isang babae.
"Okay... Mang Dan, deretso ka lang tapos kumanan ka sa unang kanto." Sabi nito.
"Teka, nasaan si Jacob? Sino ka?"
"Si Sakura... Papunta si Jacob sa lugar ninyo. Kumanan kayo sa kanto." Utos niSakutra.

Walang preno na kumanan si Mang Dan sa kanto. Nakasunod pa rin ang van sa amin.Puro warehouse at planta ang nadadaanan namin at malayo pa kami sa highway. Nagsimula ng magpaputok ng baril ang mga nasa likod namin.

"Sky, dapa..."
Tinanggal ni Sky ang seatbelt niya at dumapa sa kotse. Nanginginig ang katawan niya. Nagpaputok na naman ang nasa likod namin at tinamaan ang balikat ni Mang Dan. Gumewang ang kotse namin at bumangga sa poste.
"Mang Dan..." Inalis ko ang seatbelt niya at hinupa ang air bag.
"Umalis na kayo..." Sigaw ni Mang Dan sa amin.
"Sakura, we are down." I said.
"Shit..." Sabi niya.

Huminto ang van sa tabi ng kotse namin at lumabas ang dalawa lalaki at isang babae.
"Baba..." Sabi ng isang lalaki sa tapat ng bintana ko. Isa pang lalaki ang tumutok ng baril sa bintana ni Sky. Nauna akong bumaba at itinaas ko ang dalawang kamay ko.
"Ano ang kailangan nyo?" I asked.

"Ikaw din, bumaba ka." Utos ng lalaki kay Sky.
Bumama ng kotse si Sky at nanginginig ang dalawang kamay niya ng itinaas.

Lumapit ang babae na kasama ng dalawang lalaki na nakatutok ang baril sa amin.
"Kamusta, Maam Sky?" Sabi nito.
Naningkit ang mata ni Sky sa babae.
"Putang-ina mo ka, Dolor." Sabi niya.

Tangina, ganster si Dolor?

"Hayop ka, Dolor." Narinig ko pang sigaw ni Sakura sa speaker phone.

Lady Boss (Completed)Where stories live. Discover now