Chapter 30- She is for me

14.2K 442 30
                                    

Juancho

Napabalikwas ako ng gising... Hindi nag-alarm ang cellphone ko. Teka anong nangyari sa akin? Paano ako nakauwi? Nasaan ang phone ko?

Pagtingin ko sa bedside clock, alas-diyes na. Napatakbo ako sa toilet at nagmamadaling naligo. Masakit ang ulo ko at may mga galos ako sa likod. Parang may bukol pa ako sa ulo... Tangina, ano ang nangyari sa akin kagabi?

Hinahanap ko ang cellphone ko. Nasaan kaya yon? Shit, kailangan kong tawagan ang office. Binuksan ko ang laptop ko at kailangan kong mag-email na half day ako today.
I heard the lift ping. May tao... Sino kaya?

"Who's that?" I shouted.

Bilisan mo, laptop. Ibabato kita sa labas... Kung kailan nagmamadali saka ka nag-update.

Damn... Lumabas ako sa sala na nakaslacks lang at magulo ang buhok.

Parang may apparition sa foyer. Napahinto ako ng makita ko si Sky na nakatayo doon.

"Sky..." I was so surprised that I don't know if this is just a fucking dream. She's in my house. Paano siyang nakaakyat?

She looked confused and sad and tired and she has raw tears in her eyes...
Mas lalo akong nagulat ng mabilis siyang lumapit at yumakap sa akin. I felt her tears on my chest.

I slowly hugged her. Afraid that this is just my imagination.
"What happened, babe?" I whispered.
"I'm just tired." She replied.
"Then rest in here... Come..."

Binitawan ko siya kahit ayaw kong gawin. She felt right. Perfect in my arms like she truly belongs there. I dried her tears... who made you cry?

Dinala ko siya sa kwarto na magulo pa hanggang ngayon. Nahiya naman ako bigla. Baka akala niya, ganito ako everyday.

"Magpahinga ka muna, Sky. Mukha kang hindi natulog."
"I want to talk to you." She said.
Mukhang tungkol ito sa sinabi niya kahapon. Ayaw kong pakinggan... hindi ako titigil. Masyado ko siyang mahal para igive up lang ng basta-basta.

"Pagkagising mo. Magpahinga ka muna."
Tumango si Sky. Hinubas niya ang sapatos at blazer niya at humiga sa kama. She looked perfect in my bed.
"Feel at home, Sky."
She closed her eyes and I went out of my room.

Whew... she is literally in my bed right now and probably sleeping. Now where is my damn phone?! Dahan dahan akong bumalik sa kwarto. Mahimbing na ngang natutulog si Sky. Nagpalit muna ako ng shorts at nagsuot ng t-shirt. I located my phone using my laptop and I was amazed and confused at the same time ng makita kong nasa Country Club ang phone ko.

I went outside of my room and tried to call my phone using messanger. Mukha ni Dakota ang bumungad sa akin.
"Bakit nasa iyo ang phone ko?"
"Naiuwi ko pala kagabi." Sagot niya.
"Hindi naman kita kasama kagabi ah."
"Hindi nga... pero muntik ka ng maiuwi ni Arabella. Nilagyan niyang pampatulog ang brandy mo. Mabuti at naabutan ko pa kayo sa parking area. Tangina, hindi ko alam kung paano ka niya nabuhat eh ang bigat mo."
Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.

"Ikaw ba ang nag-uwi sa akin dito?"
Tumango si Dakota at saka humigab. "Saka si Jacob. Nakita ko siya, thankfully, sa parking lot ng bar."
"Uh-huh!" Talaga lang Jacob. Coincidence ba talaga?
"So paano mo nalaman ang access code ko?"
"Si Jacob." Naiinis na sagot ni Dakota.
Right... ang gagong hacker na alam lahat.

"Thank you, Koko."
"Sus... what are friends for. Lagi na lang kitang sinasave. Daig mo pa si Snow White, gago ka."
Natawa ako ng bahagya.
"Sige na, inaantok talaga ako eh. Kulang ako sa tulog. Hindi na ako tatangkad."
"Sige... matulog kana. Thank you ulit."
Tinaas ni Koko ang middle finger niya bago niya pinatay ang video call. Ang sweet talaga na babae ni Koko.

Tanginang Arabella ito... Kadiri... Pwede ko kayang patukhang iyon sa mga pulis? Baka adik na din.

For sure, hindi nagbreakfast itong si Sky. What to cook para maimpress ko naman siya? Baka sabihin puro ako papogi, hindi marunong sa bahay!!!

Binuksan ko ang freezer, ano ang meron? Hipon? Nah... baka sabihin niluto ko ang mga kapatid ko. Chicken, bacon... Pwede na ito.

I end up cooking fettuccine chicken alfredo with bacon. Iinitin ko na lang mamaya kapag nagising na si Sky.

Dahan-dahan ulit akong pumasok sa kwarto ko at umupo sa kama. Hindi siya nagising. Mukhang pagod nga siya para makatulog ng ganitong kahimbing.

Ang creepy ng ginagawa ko dahil pinapanood ko siya habang natutulog. And at that moment, naipangako ko sa sarili ko, I will never give up on her. She is for me.Kailangan niya lang makita na ako ang para sa kanya.

Lady Boss (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara