KABANATA V:HINDI INAASAHANG BISITA

941 14 34
                                    

MEMFES' PROVERBS

Nakarating na rin ako sa Lireo kung saan may kasiyahan na nagaganap pagdating ko sa Azotea nagtungo ako sa isang sulok nakita ko agad ang aking babaeng pinakamamahal na si Alena na kasama nang kanyang mga kapatid lumipas man ang matagal na  panahon kasinganda pa rin siya kagaya nang dati gustong gusto siyang lapitan ngunit ako'y nahihiya kaya inatasan ko nalang ang isang kawal na ipasabi sa Hara nang mga diwata na meron siyang panauhin.

Pagkalipas nang ilang sandali maski ako'y nakatalikod ay naramdaman ko na siya ay paparating at siya ay nagsalita.

ALENA:Maari bang magpakilala ka Ginoo?

Hinarap ko siya at tila lalong bumibilis ang takbo nang aking puso at hindi ko mapagilang ngumiti sa kanya.

MEMFES:Kumusta Mahal na Hara...

Tila siya'y natigilan sandali bago magsalita muli

ALENA:M-Memfes b-buhay ka?(nauutal niyang sabi na parang hindi makapaniwala)

MEMFES:Oo pagkat pinahintulutan ako nang mahal na Bathala na bumalik dito sa Encantadia kasabay ni Amihan.

ALENA:Kung ganon ay masaya ako para sa iyo..

MEMFES:Alam mo ba kung bakit ako nagbalik?

ALENA:Hindi,pero nais kong malaman kung bakit ka nagbalik.

Hinawakan ko ang kanyang magkabilang kamay at sinabing..

MEMFES:Nagbalik ako pagkat nais kitang makasama habangbuhay at ang ating anak gusto ko na kanyang maranasan lumaki na buo ang pamilya.

Kumalas siya sa pagkahawak ko sa kanyang kamay.

ALENA:Avisala eshma ngunit batid mo na isa akong Hara at isa sa mga batas nang Lireo na bawal nang isang reyna ang mag asawa.

Hinawakan ko ang kanyang pisngi at ipinahiwatig na siya'y aking naunawaan.

MEMFES:Naiintindihan ko Hara ngunit hayaan mo lang akong mahalin ka pinapangako ko na hindi hindi kita sasaktan at iiwan aalagaan kita at ating anak.

Hinawakan niya ang aking kamay na nasa kanyang pisngi at may namuong luha sa kanyang mga mata.

ALENA:Handa akong buksan muli ang aking puso para sa iyo at panghahawakan ko ang iyong pangako.

MEMFES:Avisala Eshma Alena

Inakap ko sa siya sa pagkalas namin ay hiwakan ko muli ang kanyang pisngi at hinalikan tumugon na man siya ipanalibot niya ang kanyang mga kamay sa aking batok at hinawakan ko na man ang kanyang bewang hanggang  lumalim ang aming paghahalikan at saka kami tumigil nang kinapos na kami nang hininga.

ALENA:E corriediu Memfes

MEMFES:E corriediu Alena.

ALENA:Pumunta na tayo doon para makilala mo na ang ating anak.

Pagdating namin sa parte nang Azotea kung saan nagaganap ang piging ang una naming nakita ay ang kanyang mga kapatid katabi nang mga Rama at Mashna durye.Napansin ko din na ngumiti ang Hara nang Hathoria na tila gustong sabihin.

PIRENA:Nag iba ata ang agos nang tubig ngayon Alena tila dumadaloy ang pag-ibig.(pang aasar niya sa kapatid)

ALENA:Pirena!(Pikon nitong sabi)

MEMFES:Wala na mang nag-iba Hara.(Sabay ngiti)

AMIHAN:May binubulong ang hangin na tungkol sa inyong dalawa.(Dagdag pa ni Amihan)

Nakita ko si Alena na namumula na.

ALENA:Ssheda Amihan!

DANAYA:Naramdaman din ng lupa ang...

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now