KABANATA L:BAGONG HAKBANG

230 4 0
                                    

DALAMPASIGAN MALAPIT SA ADAMYA

AZULAN'S PROVERBS

Nandito kami sa Silangang bahagi ng dalampasigan nagsasanay simula ng matapos ang pangalawang digmaan sa mundo ng mga tao limang taon na ang nakalipas ay halos araw-araw kaming nagsasanay sa palasyo marami-rami na rin kaming na diskubre kung ano ang maaaring gawin ng sandatang ito.

Napansin lang namin na nagkaroon kami ng kakaibang lakas at liksi simula ng ibinigay sa amin itong sandata kung tutuusin ay makakasabay na kami sa mga Sangre kasalukuyan kong kaharap si Ybrahim,si Memfes ay kaharap si Aquil,si Paopao at Hitano.

YBRAHIM:Isang puntos para sa akin Rama..(Mayabang na sambit nito)

AZULAN:Baka nakalimutan mo na ako ang nanalo sa una nating labanan.

YBRAHIM:Tingnan natin kung sino ang mananalo sa oras na ito!

Nagsimula na kaming maglaban ulit naabutan nalang kami ng dalawang oras ay hindi pa kami natapos at naisipan nalang naming magpahinga.

MEMFES:Bakit kayo tumigil?

AZULAN:Tumigil sapagkat hindi matapos-tapos ang aming labanan..nasaan ba si Aquil?

AQUIL:Uminom lang ako ng tubig,bakit niyo ako hinanap?(Sabi niya habang papalapit sa amin)

MFMFES:Wala lang baka tinanay ka na ng alon.. hahaha(Pang-aasar niya)

AQUIL:Baliw ka rin ano..paano naman ako matatanay ng alon kung andito lang ako na pangpang..

Nakita namin si Paopao at hitano na papalapit sa amin na may dalang tig isang bote ng tubig.

YBRAHIM:Kumusta ang ensayo niyo?

PAOPAO:Mabuti naman po Kuya Ybrahim,hindi rin matapos-tapos ang aming laban ni Kuya Hitano kaya tumigil nalang kami baka abutan pa tayo ng dito.

Habang nagpapahinga kami ay may narinig kaming kumaluskos mula sa kagubatan sa bandang likuran.

PAOPAO:Narinig niyo po iyon?

HITANO:Oo,ako na ang magtungo sa kagubatan.

HITANO'S PROVERBS

Nagtungo ako sa kagubatan at sinundan ko kung nasaan galing ang tunog at pagtingin ko sa likod ng puno ay nadatnan ko ang isang kawal niyebe na mukhang kanina pa nag-babatyaw sa amin kaya tinutukan ko siya ng espada.

HITANO:Tama nga ang aking kutob na may nag-babatyaw nga sa amin..si Agatha ba ang may utos sa iyo?!

KAWAL NIYEBE:Alam mo naman pala,bakit ka pa nagtatanong?!

HITANO:Pashnea,namimilosopo ka pa!

Bigla niya akong sinugod at naglaban kami madali ko siyang napaslang sapagkat mas malakas ako sa kanya saka nagmamadali akong bumalik sa kinaroroonan ng mga Rama at ni Paopao.

AQUIL:Tila hingal-hingal ka,may kalaban ba?

HITANO:Oo Rama may nakikita akong kawal Niyebe na nagbabatyaw sa atin.

AZULAN:Asan na siya ngayon?

HITANO:Napaslang ko na.

MEMFES:Mabuti naman,mabuti puntahan na natin sila para makapasok na tayo sa loob.

HITANO:Mauna na ako sa Lireo Mga Rama,Paopao.

MEMFES:Hindi ka ba sasabay sa amin magtanghalian Mashna?

HITANO:Hindi na Rama dahil walang kasama si Muros sa pagbabantay sa Lireo.

MEMFES:Sige ikaw ang bahala mag-ingat ka.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon