KABANATA LVII:BAGONG KABANATA

252 6 1
                                    

SA MUNDO NG ELEMENTIA

Pagkatapos ng mahabang panahon ay nakabangon na rin ulit ang mundo ng mga Elementia mula sa pinsalang naidulot ng mga halimaw na sumakop dito tinitiyak ng bawat pinuno na magiging masagana ang bawat kaharian habang ang mga Prinsipe at kaisa-isang Prinsesa ay mas lalong gumaling sa pakikipaglaban.

Si Vanessa ng kaharian ng Lahar,Argo ng kahariang Celestia,Juno ng Aqua, at Emmanuel ng Narara ay mas lalong gumagaling sa kanilang agamit ng kanilang kanya-kanyang kapangyarihan at mas lalong naging malawak ang kanilang pag-unawa kung paano gamitin ang kanyang kapangyarihan.

Mas lalong naging malalim ang pagkakaibigan ng dalawang mundo kung merong suliranin ang kahit saang kaharian sa dalawang mundo ay wala pang isang araw ay may tulong ng dadating.

SA ENCANTADIA KAHARIANG NATHANIEL

Nagdaan ang mga panahon nabihasa na rin ng mga Diwani at Rehav kanilang kakayahan sa pakikipaglaban at natutunan na rin nilang gamitin ang mga panibagong brilyante na ipinagkaloob sa kanila ni Emre.

Ang brilyante ibinigay kay Alana ay ang Brilyante ng Tag-init ang kapangyarihang taglay nito ay may pagkapareho ng Brilyante ng Apoy ngunit mas malakas pa ito sapagkat kaya nitong sunugin ang buong Encantadia sa isang iglap lang,kay Cassandra ay ang Brilyante ng Tag-lamig ihahambing ito sa Brilyante ng Hangin ngunit mas makapansila ito sapagkat kaya-kayang itong gawing yelo ang buong Encantadia at di na babalik sa dati.

Ang Brilyanteng hawak ni Adamus ay ang Brilyante ng Tagsibol ang brilyanteng ito ay kayang buhayin ang nalalagas na paligid ngunit at kaya din itong magpagaling ngunit kaya din nitong lagasin ang paligid kung nanaisin ito ng tagapangalaga ng brilyanteng ito,kay Dasha ay ang Brilyante ng Taglagas ay kaya itong bumuhay ng isang nilalang na napaslang na at kayang-kayang itong lumagas ng isang buong mamamayan at nilalang sa buong Encantadia.

Si Lira ayang napili ng Brilyante ng Kidlat sa taglay ng bilis ay liksi sa pakikipaglaban na namana niya kay Amihan ang kapangyarihan na taglay nito ay kaya nitong gumawa ng kuryente na maaring makamapinsala sa buong Encantadia o sa mundo ng mga tao at ang kidlat ng taglay nito ay maaaring magsugat sa isang Bathala o Bathaluman samantalang sa panganay na anak ng Hara ng Hathoria na si Mira ay ang Brilyante ng Kulog mismo ang kusang lumapit sa kanya dahil sa taglay niyang talino at tapang kagaya ng kanyang Yna ang brilyanteng ito ay kayang gumawa ng bagyo na may kakaibang lakas at na ang tanging makakapigil ay isang Bathala.

Ang mga panibagong brilyante na ipinagkaloob ni Emre ay may kakaibang lakas na maaring makapaslang sa pinakamalakas na Bathala sa buong Encantadia.

Kahit na tapos na ang kanilang pagsasanay ay hindi pa rin sila maaring lumabas ng kaharian na wala pang ideneklarang Hara at Rama na mamumuno dito.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now