ANG NAKARAAN NI CASSIOPEA AT AGATHA

268 8 1
                                    

ANGELO'S PROVERBS

Bumangon ako sa aking higaan pagkat nakaramdam ako ng uhaw kaya naisip kong magtungo sa kusina upang maka-inom ng tubig pababa na ako ng hagdan ngunit may naramdaman akong may nag-ivictus sa aking likuran at dahan-dahan akong lumingon pagkatapos nakita ko ang aking Yna.

ANGELO:Avisala Yna, anong nagdala sa iyo dito?

CASSIOPEA:Kung inyong mararapatin ay dito muna ako maninirahan pagkat batid kong andito na sila Ether at nais kong makatulong para sila ay pigilan.

ANGELO:Kung iyan ang iyong nais Yna at gusto niyo ba na sabihan ko sina Hara Alena na andito kayo?

CASSIOPEA:Huwag na anak pagkat hindi ko nais magambala ang kanilang pamamahinga.

ANGELO:Sige po at nagugutom ba kayo?maghahanda ako ng makakain.

CASSIOPEA:Kung ayos lang sa iyo na maghanda ng makakain para sa akin ay mararapatin.

ANGELO:Ayos lang sa akin Yna 😊,tara na po sa baba.

Tumango naman siya bilang pag-sangayon pagkatapos ay bumaba na kami ng hagdan at naglakad patungong kusina habang naglalakad kami ay napansin ko na inikot ni Yna ang kanyang paningin sa buong bahay.

CASSIOPEA:Mas malaki pala sa aking inaasahan ang bahay na nabili niyo, tila parang palasyo!

ANGELO:Sakto lang po iyan sa ating lahat! 😁,nandito na po tayo Yna umupo ka muna diyan.

At umupo muna siya sa upuan sa may kitchen counter.

ANGELO:Ano po ba ang gusto niyong kainin?(Sabi ko habang pabukas ng ref)

CASSIOPEA:Kung ano ang pagkain niyo diyan, iyon ang kakainin ko.😊

ANGELO:Sige po.. 😀

Kaya naisipan kong magluto ng pancakes para sa aming dalawa ni Yna at ilang minuto lang ay...

ANGELO:Hay salamat tapos na rin! 😊
(Sabay lapag ko ito sa counter pagkatapos ay kumuha din ako ng juice sa ref at baso)

CASSIOPEA:Mukhang masarap ang iyong niluluto.. 😊

ANGELO:Avisala eshma Yna kain na po tayo! 😊

CASSIOPEA:Sige..😊

ANGELO:Natutuwa talaga ako na nandito po kayo at sana andito rin si Ama para kumpleto tayo. (Sabi ko habang kumakain)

CASSIOPEA:Oo nga eh, ngunit alam naman natin na hindi niya maaring iwan ang Devas pero natitiyak ko na kung may oras ang iyong Ama ay bibisitahin niya tayo dito.

ANGELO:Tama ka Yna at naintindihan ko po ngunit alam kong magkaka-oras din si Ama.

CASSIOPEA:Avisala eshma sa iyong pag-unawa anak.

ANGELO:Yna di ba kapatid niyo si Agatha di ba,bakit masama siya?

CASSIOPEA:Hindi naman naman ganyan ang aking kapatid noon kaya siya naging ganon pagkat ito ay bunga ng matinding ambisyon at kasakiman.

ANGELO:Maari niyo ba siya ikwento sa akin?

CASSIOPEA:Kung iyan ang iyong nais.

FLASHBACK

CASSIOPEA'S PROVERBS

Sa panahon na ito ang mga Etherian pa ang naghahari sa buong Encantadia at inalipin nila ang mga Diwata para maging ligtas ako at ang aking kakambal na si Agatha naisipan ng aking Yna na si Ornia at Ama na si Memen na doon kami manirahan sa tahanan ng aming Aldo na si Evades upang sanayin nang saganon kapag dumating na ang tamang panahon kaming dalawa ang magliligtas sa mga Diwata.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon