PAGKAUBOS NANG MGA ALAGAD

502 12 0
                                    

AMIHAN'S PROVERBS

Nandito pa rin kami sa sitwasyon kung saan namin nilalaban ang mga alagad ni Agatha nautuwa ako pagkat konti nalang ang natirang mga kalaban pagkat naisipan namin ni Lira na pag-isahin ang aming mga kapangyarihan kaya napaslang na ang karamihan sa mga ito.

Ang mga natirang mga alagad ay nilabanan namin gamit ang kaming mga espada maliban kay Lira pagkat hindi siya gumagamit nang armas ang tanging gamit lang niya ay ang kanyang mga natural na kapangyarihan katulad nang makapangyarihan niyang tinig,bilis at liksi,at ang galing niya sa pagamit nang mahika.

LIRA:Ako nang bahala dito Nay!

Nagpakawala siya nang isang malaking bola ang enerhiya at naubos  ang mga natirang kawal niyebe na nakapalibot sa amin at nakita ko si Pirena at Mira sa kinaroroonan nila Agatha kaya naisipan namin ni Lira pumunta doon.

AMIHAN:Pupunta muna kami ni Lira sa kinaroroonan nila Pirena at Mira.

YBRAHIM:Mag-ingat kayo mahal at pupuntahan ko muna si Azulan dahil mukhang kailangan niya nang tulong.

AMIHAN:Sige Mahal mag-ingat ka rin (Sabay halik ko sa kanyang Labi)

LIRA:Halika ka na nay..

Nag-ivictus na kami patungo sa kinaroroonan nang aking kapatid at hadia.Nang makarating kami nang aking anak doon narinig ko na nagkasagutan na sila.

PIRENA:Meron ata kaming hindi inaasahang panauhin ngayon,sana nagsasabi kayo na pupunta kayo rito nang saganon ay masabihan namin ang mga dama na ipaghanda kayo nang makakain!(Sabi niya sa sarkastikong tono)

MIRA:The sarcasm is there..(Patawa niyang sabi)

ANDORA:Ano ang iyong pinagsasabi?

PIRENA:Huwag niyo nang intindihin ang sinabi nang aking anak,bakit hindi kayo tumuloy sa palasyo?

GURNA:Hindi niyo na kailangan patuluyin pagkat alam kong hindi totoo ang iyong pinapakita!

PIRENA:Oo nga pala hindi nga totoo ang aking pinapakita sa inyo at hindi rin pala kayo makapasok pagkat hindi kayo nararapat dito sa Lireo!

AMIHAN:Nandito ba kayo upang paslangin kaming lahat?,na alam natin na hindi kayo magtatagumpay?(Pang-iinis ko sa kanila)

AGATHA:Huwag munang magsalita nang tapos Amihan pagkat hindi pa tapos ang ating laban!

CRISELDA:Ano kaya kung magtagisan muna tayo ng kapangyarihan bago mo sabihin yan..

Mayroon pa sana akong nais sabihin na may narinig ako na may nagsalita sa aming likuran.

ALENA:Alam mo na naman na ang isang Sang'gre ay walang inaatrasan na laban..

ANDORA:Buti naman kung ganon ang inyong pag-iisip..

DANAYA:Ngunit ako ay may kondisyon wala ni isa sa inyong mga alagad ang makialam.

AGATHA:Walang problema at hindi rin dapat makialam ang dalawang paslit na inyong kasama!

LIRA:Hoy hindi na kami bata,ang sarap niyong tisirin na parang kuto ano!

AMIHAN:Lira doon muna kayo sa kabila ni Mira..

LIRA:Opo nay..

Nagsimula na silang maglakad ni patungo sa kabilang banda at nang makaupo a sina Mira at Lira narinig namin sila humiyaw nang pagpuri aa amin at pumalakpak

LIRA:Go Yna! Go Ashtis!

MIRA:Go Yna!Go Ashtis!kaya niyo yan!

Ngunit bago iyan nagkatinginan kaming magkakapatid pagkat alam na namin ang susunod na magaganap.

AGATHA:Handa ka na ba kayong pumunta sa devas mga diwata?!

PIRENA:Ilang beses ko nang narinig ang mga ganyang salita na mula sa iyo,bagkus sa bandang huli ay kayo ang madadaig!(Paasar niya sa Hara ang niyebe)

CRISELDA:Tingnan nalang natin kung kaninong panig ang matitira!

Nang walang pagalinlangan ay nagsimula na kaming magtagisan nang kapangyarihan nagpakawala nang bolang apoy si Pirena para panlaban niya sa kapangyarihang niyebe ni Agatha,ako naman ay napakalakas na pwersa gawa sa kapangyarihang hangin para kay Criselda,si Alena ay nagbitiw ng enerhiyang tubig panlaban kay Andora,samantalang si Danaya ay nag Ivictus muna siya patungo sa harap ni Gurna at siniko niya ang ilong nito kaya mas lalong nagalit ang dating dama.

GURNA:Pashnea ka Danaya!

DANAYA:Gusto ko munang matawa bago kita madaig!

Nagbitiw nang kapangyarihan si Gurna at si Danaya naman ay ginamit ang enerhiya nang kalikasan panlaban sa Mashna..Napansin namin na nagkatotoo ang sumpa ni Cassiopea na sa oras na gagamit sila nang kapangyarihan upang kami ay kalaban unti-unting malalagas ang kanilang mga alagad..

CRISELDA:Tanakreshna!Mahal na reyna unti-unting nalalagas ang ating mga kawal!

GURNA:Oo nga Hara ano nang gagawin natin ngayon?,Baka maubos sila!

AGATHA:Wala akong pakialam sa kanila!lumaban tayo hanggang mapaslang nating ang mga diwata!

ANDORA:Masusunod hara!

Mas lalo pa nilang nilakasan ang kanilang pwersa ngunit hindi kami nagpapatinag sa kanila

ALENA:Hindi ma ako magtataka sa iyong pagiging makasarili maski ang iyong mga alagad na tapat sa iyo kaya mong isakripisyo para lang sa kapangyarihan!

AMIHAN:Hindi niyo ba alam na malapit na maubos ang inyong mga kawal dahil sa sumpa ni Cassiopea?!

Dahil doon ay biglang natigilan si Agatha..

AGATHA:Tumigil kayo!

GURNA:Ngunit ang sabi mo kanina...

AGATHA:Susundin niyo ako o hindi?!

CRISELDA:Masusunod Hara..

Sa kadahilanang tumigil ang panig ni Agatha sa pagamit nang kapangyarihan tumigil din kami..

PIRENA:Ano naalala niyo na ang sumpa na ipinataw sa inyo nang bathaluman?!O akala niyo na hindi iyon totoo?!

DANAYA:Baka natauhan na ang kanilang Hara tinuran ng ating kapatid,hindi kaya?

AGATHA:Darating din ang panahon na magtatagumpay din ako sa aking mga balak at makukuha ko rin ang aking nais!

Saka nag-ivictus silang lahat kasama ang kanilang mga kawal pabalik sa kanilang kaharian at lumapit sa amin sina Mira't Lira.

LIRA:Bakit nag-backout ang mga iyon?

AMIHAN:Baka naalala na nila na isinumpa sila ni Mata.

LIRA:Kaya pala..

AQUIL'S PROVERBS

Nagtataka ako kung bakit bigla nalang nawalan nang malay at naging abo ang mga kawal sa kabilang panig na hindi lumalaban at ito'y naubos sa pagkakaalam ko ay wala kaming kapangyarihan upang magawa ang ganyang mga bagay..

AQUIL:Meron ba kayong napapansin na nakapagtaka?

MEMFES:Oo sa dami nang ating mga kalaban naubos nalang sila nang biglaan.

YBRAHIM:Ganyan din ang nakikita ko hindi ko mawari ang dahilan kung bakit ganon sa pagkakaalam ko ay isa lang sa makapangyarihang dahilan ang makakagawa nang ganyang mga bagay.

AZULAN:Baka isa sa mga Sang'gre ang may gawa nito kung hindi kaya'y isang Bathaluman pagkat ito'y isang sumpa.

PAOPAO:Hindi kaya si Cassiopea ang sumumpa sa kanila?

AMARO:Mabuti pang bumalik na tayo sa loob nang palasyo para mabigyang linaw itong nangyayari.

AQUIL:Oo nga Ama baka nakabalik nandoon na din sila sa loob.

Naglakad na kami pabalik pagdating namin nandoon na sila sa punong bulwagan.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now