KABANATA LX:AVISALA MINEA

227 2 0
                                    

SA NAKARAAN

DALAMPASIGAN SA LIREO

ALENA'S PROVERBS

Simula nang matalo namin ang mga mandirigmang diwata ay may mga natuwa at may iilan din na hindi matanggap na mapabilang kami sa bilang ng magagaling na mandirigma wala naman kaming gagawin ngayong araw inilaan namin ang aming oras sa pagsasanay ang kaharap ko ngayon ay si Memfes,kay Pirena ay si Azulan, kay Danaya ay si Aquil,samantalang si Ybrahim naman ang kaharap ni Amihan.

MEMFES:Estasectu!

Pagkatapos sabihin ng aking asawa na  maghanda ay nagtagisan na kaming lahat sa galing pakikipaglaban gamit ang aming mga sandata pagkalipas ng ilang sandali ay naisipan naming magpahinga muna pagkatapos ay nagsanay ulit kami ngunit ginamit na namin ngayon ang aming mga kapangyarihan wala namang mga Encantado dito kami lang kaya nasipan namin iyong gawin.

Nang matapos ang aming pagsasabay ay naupo muna kami sa buhangin at nag-uusap.

AMIHAN:Kumusta na kaya sila?Alam na kaya ng mga anak natin na hindi tayo totoong patay?

YBRAHIM:Siguro alam na nila iyon,dahil magtatanong sila kay Cassiopea.

PIRENA:Ngunit ang sabi ni Mata na mas mainam kung hindi nila malalaman na buhay tayo?

AZULAN:Oo nga,ngunit kung magtatanong ang ating mga anak tungkol sa atin ay bibigyan naman sila ng kasagutan ni Cassiopea kahit papano di ba?

ALENA:Oo bibigyan nga sila ng kasagutan ni Cassiopea ngunit batid naman natin na minsan palaisipan din.

MEMFES:Kahit pa palaisipan lang ang isasagot ni Cassiopea matatalino ang mga iyon malalaman at malalaman din nila na buhay tayo.

DANAYA:Sinabi mo pa at alam naman nating lahat na kapag nalaman nila na hindi tayo totoong patay ay gagawin lahat ng paraan upang mahanap nila tayo.

AQUIL:Kung gagawin nila iyon ay natitiyak akong mabibigo lang sila sapagkat hindi nila tayo mahahanap dahil nasa nakaraan tayo.

PIRENA:Hay naku makakaharap na naman natin ang warkang Avria na iyon nakakainis!

DANAYA:Ayaw mo nun..magkikita kayo ng bestfriend mo!😂

PIRENA:Nakakatawa ka talaga Danaya..😒

ALENA:Tama na iyan bumalik na tayo sa kuta baka hinahanap na tayo doon.

AMIHAN:Mabuti pa nga..

THIRD PERSON'S PROVERBS

Lalapit na sana ako sa may dalampasigan sapagkat nais kong mapag-isa ngunit may nakita akong mga ibang bata na nakaupo na sa buhanginan nakakainis naman,tumakas lang ako sa aming palasyo sapagkat naiinip na ako ang kasama ko lang buong araw ay ang aking Dama dahil palaging abala si Yna.

Ngayon ko lang nakita ang mga batang iyan dito saan kaya sila nanggaling papaalis na nga sila malapitan ko nga kailangan kong maglakad ng mabilis mabuti nalang naabutan ko sila.

ENCANTADA:Avisala!(Masigla kong bati sa kanila)

DIWATA1:Avisala may kailangan ka ba sa amin?naliligaw ka ba? (Tanong na malumanay ng diwatang nakaberde)

ENCANTADA :May nais lang sana akong itanong sa inyo..

DIWATA2:Kung may nais ka mang itanong ay doon ka nalang magtanong sa iba sapagkat nagmamadali kami! (Sabi naman sa akin ng diwatang nakapula ang init naman ng ulo nito)

DIWATA3:Pagpasenyahan mo na ang aming nakatatandang kapatid dahil maiinitin talaga ang kanyang ulo.(Sabi naman sa akin ng naka-asul)

DIWATA4:Oo nga,kaya ano bang nais mong itanong sa amin at ano ba ang iyong ngalan?(Sabi naman sa akin ng naka kayaumanggi)

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now