PAGHAHARAP NG MGA SANGRE

208 2 0
                                    

ENCANTADIA

KAHARIAN NG NIYEBE

AGATHA'S PROVERBS

Ngayon na nasira na ang pananggalang ay malaya na kaming makakagalaw sa Encantadia naisipan namin na magpakalayo-layo sa aming kaharian at nagtungo sa bundok malapit sa Adjantao nang saganon ay hindi kami basta-basta mahahanap ng mga diwata habang nagpapalakas kami sapagkat pagkatapos ng ilang araw ay susugurin namin ang mga kaharian ng mga diwata gamit ang pinagsamang kapangyarihan ni Ether at Ravana ay gumawa sila ng pananggalang nang saganon ay walang kahit sinong makakita sa aming kuta liban nalang sa aming mga kakampi.

AGATHA:Magtatagumpay naman tayo sa gagawin nating pagsugod di ba?

RAVANA:Oo Hara sapagkat nandito na ako at pinapangako ko na kayo ni Lucio ang maghahari sa buong encantadia!

ETHER:Sisiguraduhin mo lang na mananalo tayo..(Sarkastikong sabi ni Ether)

RAVANA:Bakit Ether wala ka bang tiwala sa akin? ako yata ang pinakamakapangyarihang Bathaluman maski si Emre kaya kong paslangin..ikaw pa kaya?

RAVANA:Tama na iyan mga Bathaluman sapagkat ang inyong pagbabangayan ay hindi nakakatulong sa atin!

ETHER:Masusunod ang iyong nais Lucio,magpahinga na kayo dahil malalim na ang habang makikibalita ako kay Tuka.

MUNDO NG MGA TAO

TUKA'S PROVERBS

Mahimbing akong natutulog sa aking silid na managinip ako na nasa kakahuyan daw ako palakad-lakad hangga't nakikita ko si Bathalumang Ether.

TUKA:Bathaluman(Sabi ko habang nagbibigay pugay)anong ginagawa mo dito sa aking panaginip?

ETHER:Andito ako upang kumustahin ka at magtatanong na rin sa mga kaganapan.

TUKA:Maayos lamang ang aking kalagayan at may magandang balita ako sa iyo.

ETHER:Ano ang magandang ibabalita mo?

TUKA:Malapit ko ng mapasok ang negosyo ng mga diwata sapagkat binili ko ang parte ng isa nilang kasamahan dito sa Europa.

ETHER:Mabuti naman kung ganon.

TUKA:Kagaya ng inaasahan ay gumawa ng hakbang ang mga diwata bukas na bukas ay makipagkita ako sa kanila.

ETHER:Magaling Tuka,hindi talaga ako nabibigo sa aking desisyon.

TUKA:Maraming salamat Bathaluman at maari ko bang malaman kung ano na ang naganap sa Encantadia?

ETHER:Nabuhay na rin sa wakas si Agatha at Lucio saka malaya na rin si Ravana.

TUKA:Magandang balita iyan dahil madali na natin madadaig ang mga diwata.

ETHER:Ganon na nga,mauna na ako sa iyo sapagkat may kailangan pa akong asikasuhin.

TUKA:Sige Bathaluman at mag-iingat ka.

KINABUKASAN...

KAHARIAN NG AVILA

ALMIRO'S PROVERBS

Mahabang panahon na rin ang lumipas na nahirang ako bilang bagong Hari sa Avila habang si Anya naman ay Bagong Reyna mapayapa na rin dito sana manatiling ganito nang saganon ay hindi makakaranas ang aking anak ng kaharasan.

AGUILUZ:Andiyan lang po pala kayo Ama kanina ka pa po namin hinahanap ni Ina.

Aguiluz ang ipinangalan ko sa aking anak kapangalan ng aking Ama.

ALMIRO:Pasensya na Anak,nasaan pala ang iyong Ina?

AGUILUZ:Nasa hapag po tinutulungan si Tiya Lawiswis maghanda ng pagkain,tila napakalalim po ang inyong iniisip maari ko bang kung ano iyon?

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now